“..Ate? Ate!”
“Ah huh? Bakit?”
“Sabi ko po, turuan niyo po akong magswimming.”
“Ah oo! Tara.” Agh . Kanina pa ako wala sa sarili ko. Simula ng makiosyoso
ako sa mga pinag-usapan nila Nadiel at ms. Lei lan. Ang dami kong nalaman..
masama palang talagang maging usisera..
“You can’t.. you promise.. *sob*”
“Lei lan, hindi mo kasi maiintindihan. Maniwala ka.. ilang beses kong
pinigilan ang sarili ko. Bukod sa girlfriend siya ni Bret Lacson, dahil din
nangako ako sayo. Pero iba na kasi ngayon.. Masyadong complicated. I’m sorry..”
May tumunog. Kaya sumilip uli ako sa loob.. at..
“Break up with her.. Nadiel there’s something I want you to know..”
nakayakap si Ms. Lei lan kay Nadiel na nakatalikod. Aalis na siguro dapat si
Nadiel.. pero pinigilan siya ni ms. Lei lan.
Anong problema.. bakit nagkakaganyan si Ms. Lei lan? Kahit gaano ninyo pa
kamahal ang isang tao.. hindi ba dapat pinapakawalan na natin sila kung saan
sila sasaya. Bakit.. ganon lagi na lang ganito.. :’c
“I’m dying. I’m sick, Nadiel. That’s the reason why I rejected you when
you confessed to me..”
*sob* Sawang sawa na akong masaktan at umiyak. Ayoko ng maulit uli yun. Sawa
na akong maiwan at matalo. *sob* Bakit ba nangyayari ito..
“I’m dying.
Paano kung totoo yun.. ibig sabihin ba nun. Walang magagawa si Nadiel kundi
iwan ako. Iiwan ako ni Nadiel.. maiiwan na naman ako. Uwaaaah.. ayoko na! Bakit
ba lagi na lang akong nasasaktan—
“HUY!!!”
“WAAAAAH~” nagulat naman ako nang may bigla nanundot sa tagiliran ko.
“WAAAAAH~” nagulat naman ako nang may bigla nanundot sa tagiliran ko.
“Bakit ka umiiyak? Atsaka.. bakit nandito ka sa likod ng gym? Emo ang drama?
:)” hinawakan naman niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko gamit ang mga
kamay niya. Hindi niya alam na umiiyak ako dahil sa narinig ko kanina. Dahil sa
kanya..
“Oy! Bakit ka nga umiiyak?” hindi ako nagsalita.
Hindi ko nga alam kung bakit napapunta ako dito sa likod ng gym e. Ang alam
ko lang, pagkatapos na pagkatapos ng p.e. time agad akong lumabas. At.. umiiyak
na ako.. agh! Nakakainis talaga ang epal na ito! Lagi na lang siyang dumadating
pagnagdadrama ako! Grrr~
“Whatever! Nga pala tinext kita pero di ka nagrereply!ano ba talagang
problema mo? Wag mong sabihing dahil hindi kita nasabayang maglunch? Hindi ka
naglunch no! O hayan bumili ako ng makakain. May klase pa ako mamaya, hintayin
mo na lang ako sa kotse. Hehe.”
Hindi ako umimik pero kinain ko yung binigay niyang pagkain. Gutom na rin
naman ako e.
Walang nagsasalita samin. Nakaupo lang kami habang kumakain ako. Naubusan na
ata siya ng sasabihin.. hindi na rin siya nagtanong. Hindi naman kasi ako
sumasagot.. *sigh*
“Nga pala..
nagkausap kami ni Lei lan.” thump.thump.thump. Biglang bumilis ang tibok ng
puso ko. Bakit niya sinasabi ito sakin.. hindi naman kaya..
“Gusto kong malaman mo ‘to. Kaysa naman malaman mo pa sa iba. Ayoko din
namang itago ito.. andami ko ng sikreto e. Hehe.” *sob* hindi ko namalayang
umiiyak na naman ako.. “Ah? Bakit ka umiiyak?” agad akong tumungo para hindi
niya maabot ang mukha ko.
Antanga tanga! Bakit naman kasi agad ako umiiyak! Eh ano naman kung
makikipagbreak na siya sak—
“Napagdesisyunan kong wag ng mag-aral para iwasan na si Lei lan—“
“—ANO!?” ngumiti naman siya ng nakakaloko \( ^.\\)/ Ang pogi.. uwaaa
“—ANO!?” ngumiti naman siya ng nakakaloko \( ^.\\)/ Ang pogi.. uwaaa
“JOKE!” tumawa siya ng tumawa. Nagpout lang ako habang pinupunasan ang luha
ko. Gago talaga siya!
Agad akong nanahimik.
“Agh! Oo na! Ganito kasi yun.. may sinabi sakin si Lei lan. Gusto mo bang
malaman ang sinabi niya?” nakangiti siya. Pero yung mga mata niya.. iba ang
sinasabi. Alam kong ayaw niyang sabihin sakin ang mga ito.
“Ayoko..” nagbago ang reaction niya. Agad ko namang tinakluban ang bibig ko
at tumayo.
“Baka malate ka na sa klase mo. Sige na, hihintayin na lang kita. Magkita na
lang tayo!” agad akong tumakbo.
Antanga tanga ko. Hindi yun ang gusto kong sabihin sa kanya pero sinabi ko.
Mali! Mas lalo ko lang ginugulo ang isipan ni Nadiel. Sa ginawa ko.. mas
mahihirapan siyang magdecide kung sinong dapat niyang piliin. It’s obvious, si
Ms. Lei lan ang dapat niyang piliin. Una dahil mas kailangan siya nito at
pangalwa.. dahil may pangako siya dito. Siya din ang.. ‘..when you confessed
to me’ mas unang minahal ni Nadiel kesa sakin..
Hindi ko akalain nangyayari ito sa totoong buhay? Dying itchii~ Sa mga
novels at teleserye lang naman yun nangyayari a. Bakit kailangan sa lahat ng
tao sakin pa nangyayari ito? Hah.
Ang hirap talagang mainlove.. So I bet, bago pa ako masaktan. Kailangan ako
na mismo ang gumawa ng paraan para iwan si Nadiel..
‘HOY PANGET! Bakit di ka nagrereply? Nasaan ka ba?’
Pang25 na text na niya yan. Adik ang mokong na yun. Anong karapatan niyang
gawin ‘to sa cellphone ko! >:( Tapos tinatawag pa niya akong panget.. hindi
siya matinong boyfriend.! Dapat talaga sa kanya.. binebreak up.. :’c
“Ms. Lei lan!”
Napalingon naman ako dun sa mga taong sinisigaw ang pangalan na yun. At
nandun siya.. ang babaeng kukuha sa taong mahal ko. Napakaganda niya.
“Ah.” Shet nakita niya ako.
Agad naman akong tumalikod at umalis—
“Arkin!”
Nanindig ang mga balahibo ko nung tawagin niya ako. Agh.. bakit niya ako
tinatawag?
“Arkin?”
Agad akong lumingon. “Ah. Hi!” tinaas ko ang kamay ko. Ngumiti naman siya..
ang ganda niya..
“Pwede mo bang ihingi ako ng tawad kay Nadiel?” nabigla naman ako sa sinabi
niya. “Thanks.” Ngumiti siya ata agad na umalis.
Bakit.. kailangan ako pa ang magsabi nun?!