Bakit ko naman susundin si Ms. Lei lan! Bahala si Nadiel sa buhay niya! Wala
na akong pakealam sa kanila. Dapat maging Masaya na sila! Since minahal naman
nila ang isa’t isa noon why don’t just be happy!? Agh.. nakakayamot.
“Hah! *pant*” agad naman akong umalis sa pool. Makakauwi na din ako.
At dahil ayoko nga na makita ako ni Nadiel.. pinipilit ko talagang mag-ingat
sa mga kilos ko para hindi kami magkasalubong.
Gavin’s calling..
“Uy?”
“Asan ka?”
“..bakit?” nilayo ko naman ang phone ko. Anong meron ang inaalam niya kung
nasaan ako? Binalik ko naman yung phone sa tenga ko.
“..tayo.” hindi ko tuloy narinig yung mga sinabi niya.
“Nasaan ka ba? Pupuntahan na lang kita.”
Dahil hindi ko man lang ginamit ang utak ko. Tuloy nauto naman ako ni Gavin.
AGH! Bakit hindi ko naisip na magpinsan nga pala sila! Nung magtama ang mga
mata naming agad naman akong tumak—
“WAIT MS. KIN!” napatigil ako nung may tumawag sakin nun. Sino pa bang
tatawag sakin ng ganon.. ( -3-)
Agad akong lumingon. At pagharap ko—
“Ah!” nasa harap ko na siya. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Muntik pa
akong maout of balance sa sobrang gulat ko. Ang sama pati ng tingin niya
sakin..hindi naman obvious ang pag-iwas niya sakin no.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse ni Gavin. Walang nagsasalita. Nasa likod
ako habang nasa front seat sila parehas. Nakakailang ang katahimikan.. mabuti
na lang after 30 mins. nakarating na kami sa mansion nila.Pero.. bakit nga ba
nasa mansion nila ako?
Kahit sa paglalakad sa loob tahimik pa rin yung dalwa. Nangunguna sa
paglalakad si Nadiel kaya nakipagsabayan naman ako kay Gavin at nagkachance na
magtanong sa kaniya..
“Pst.” Tumingin siya sakin. “Bakit niyo ba ako dinala dito?" bulong ko
sa kanya.
"Ano kasi.." bumulong din siya pero naputol nung biglang humarap
samin si Nadiel.
Bigla akong kinabahan. Kinakabahan ako sa mga Nadiel. Mukhang galit na galit
siya sa ginawa kong pag-iwas sa kanya. Bakit ko naman kasi naisipang tumakbo
kanina.. uhh mas lalo tuloy akong naging obvious.
"Let's get in." nakangiting sabi ni Gavin. Nakatingin parin si
Nadiel sakin. (T.T )
Pagkapasok ni Gavin sa loob nagkatinginan lang kami ni Nadiel. Parang kaming
nagsesenyasan kung sino unang papasok pero nung sumama ang tingin niya sakin,
no choice ako kundi ako ang mauna. Tsk.. At pagpasok ko napatingin agad si Mrs.
Fortalejo sakin.
Nagbow ako. At napansin ko naman yung mga maleta na malapit sa kanya..
parang familiar?
"Hindi ko na patatagalin ito, so Ms. Ramirez like what I was saying
aalis ako ng bansa mamaya na." pero bakit kailangan ko pang malaman ang
mga ito.. dito?? "..at dahil girlfriend ka naman ng anak ko kaya naisip ko
na dumito ka na muna para magkabuhay naman itong malaking bahay na ito."
\(0.0 )/
"Nakausap ko na ang mga magulang mo tungkol dito." nakangiting
sabi pa ni Mrs. Fortalejo. Sila mama at papa pumayag? Paanong! Aaaah!! Pero
wala naman silang alam sa relasyon namin ni Nadiel. At hindi rin nila alam na
wala na kami ni Bret. Agh.. paano ko ito mapapaliwanag sa kanila.
"Kaya heto yung mga gamit mo. Dumito ka na muna hija para naman mas
makasama mo ang anak ko habang wala ako sa bansa. At para may dahilan din siya
na dumito." ewan ko ah pero parang may something sa mga ngiti ni Mrs.
Fortalejo. Tumingin naman ako kila Gavin at Ate Jave, nakangiti lang sila. At
habang nakaleaned lang ng tahimik si Nadiel sa may pinto. Wala talaga akong
naiintindihan sa mga nangyayari..
Maya maya umalis na din si mrs. Fortalejo kasama yung mga nakablack suit na
mga lalaki. Hindi namin siya hinatid sa airport. Simpleng paalamanan lang.
Mukhang sanay na sila. Nung pumasok na silang tatlo, nagkachance naman akong
tawagan sila mama at papa. Naka6 na ring pa nga bago nila masagot.
"Arkin anak?--"
"Ma!" pabulong kong sigaw. Wahaha nakakayamot kasi sila. "Ano
itong nangyayari?" okay naiinis talaga ko.
"So totoo palang talaga yung prank kanina? Akala namin mga niloloko
lang kami nung mga nakaitim na lalaki, anak." umupo naman ako sa hagdanan
habang nakikinig sa kanila.
"Akala? Kaya pala binibay ninyo yung mga gamit ko?" baliw talaga
sila.
"eh nung sinabi kasi nila a Fortalejo hindi na kami nagdalwang isip ng
papa mo. Anak! Ano ba talagang nangyayari? :D Hindi ko akalaing sa kakalakwatsa
mo makakabangga mo pati ang isa sa mga may pinakamayamang pangalan sa bansa natin!
Kahit na ano pa ang totoong nangyayari lagi kang mag-iingat huh! O siya sige
may gagawin pa kami ng papa mo! Hihi bye!-- tuuuuuuuuutt!..." nilayo ko
naman yung phone ko sa tenga ko. Argh binabaan agad ako. Eh hindi ko pa nga
alam ang totoong nangyari! Tsk. So hindi pa rin nila alam na boyfriend ko ang
anak ng isang Fortalejo.
"Mapapatay ako ni mama at papa pagnalaman nilang wala na kami ni
Bret."
Botong boto kasi sila kay Bret. At matagal narin nilang kilala si Bret..
Kaya naman nung nagkalabuan kami ni Bret wala din akong lakas ng loob sabihin
sa kanila. Iniisip din nila na kami na talaga ni Bret ang magkakatuluyan..
kaso.. mukhang ganon naman ang tingin ni mrs. Fortalejo samin ni Nadiel.
"Agh."
"So hindi pa pala alam ng mga magulang mo na wala na kayo ni Bret, na
ako na ang boyfriend mo?" hinanap ko kung nasaan siya hanggng sa nasa tabi
ko na pala siya.
"Ah." hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Iniisip pa naman ni mama na seryoso talaga tayo sa isa't isa. Alam mo
ba na sa kinikilos ni mama, sigurado ako na ikaw ang gusto niya para
sakin." nakataas ang isa niyang kilay. Nagiguilt ako sa mga sinasabi niya.
Uhhh.. T.T
"Sandali.. Diba nagkita na kami ng mga magulang mo? Tuwang tuwa pa nga
sila noon."
"Yun ay dahil sa good looking ka. Bukod kay Bret, wala naman akong good
looking na kaibigang lalaki. Sa public school ako pumasok noon. Kaya tuwang
tuwa sila nung makita ka, dahil pinapasok nga naman nila ako sa isang
prestigious school. Kailangan mga prestigious student din ang makasama ko."
nakinig naman siya. Sandali? Paano na yung pag-iwas ko sa kaniya? Agh bahala
na. "..pero hindi nila iniisip na may namamagitan satin. Kasi.. iniisip
nila na si Bret makakatuluyan ko." tumingin ako sa mga mata niya. "Si
Bret ang gusto nila para sakin." hindi ko alam kung bakit kailangang
sabihin ko ito sa kanya. Pero nadisappoint naman siya. Mga sandali din kaming
naging tahimik nun.
"Alam mo ba.. na ikaw ang kauna unahang naipakilala ko kay mama na
girlfriend ko. Pero kunwari lang naman yun nung una. Hindi ko akalaing ganon
kalaki ang impact nun sa kanya." alam ninyo yung kilig? Yun ako e.. Haha.
Pero syempre pigilan to the max ito! Seryosong usapan eh. Wahaha. "..Alam
kasi niya na playboy ako. Madaming girlfriends. Pero kahit na sino sa kanila
wala akong pinakilala. Ikaw lang din ang unang babae na dinadala ko dito sa
bahay. Pero.. hindi talaga ikaw yung first love ko."
So ano ito! Gantihan! Tangna naman oh, yun na yun e. Kinikilig na ako! Alam
ko naman na si ms. Lei lan yun. Pero.. parang gusto kong marinig yung kwento
nila. Nireject siya diba? Hindi naman kaya.. si Ms. Lei lan ang naging dahilan
kung bakit siya naging playboy..
THUMP. Hinawakan naman niya ang kamay ko.. napatingin ako sa kaniya.
Nakatingin na siya sa mga mata ko. THUMP. "Pero ito ang tandaan mo, itong
playboy na ito.. pagnainlove ito. Isa lang. Hindi ko kayang magmahal ng dalwa.
Sa babaeng yun lang ako titingin ng ganito.." nilagay niya yung kamay ko
sa dibdib niya. "Sa babaeng yun lang titibok ng ganito ang puso ko. Kaya
kahit na anong mangyari.. masaktan ko man yung babaeng yun. Isa lang ang sign
na hindi ko na siya mahal.. kapag hindi ko na kayang tumingin sa kaniya ng
ganito. Nagmahal na ko ng isang beses.. ang sakit. I failed. It takes months to
pretend. Year to move on. Buti na lang nakilala kita.. binago mo lahat."
pumatak ang mga luha ko nung naglapat ang mga labi namin.
Napatungo ako pagkatapos. Masaya ako na nasasaktan..
"Nagmahal ka na din. Nasaktan. Kaya.. ayoko ng mangyari pa uli sayo
yun. Gagawin ko lahat wag ka lang masaktan." niyakap niya ako. Iyak ako ng
iyak. *sob* "..Kahit maging selfish pa ako. Kahit may masaktan pang iba.
Ikaw lang.." mahal na mahal ko talaga si Nadiel. Ayokong mawala siya
sakin.. Ayokong iwan niya ako.
"Kaya wag ka ng iiwas. Hindi naman kita iiwan e."







