1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 64


Parang panaginip pa din lahat. Hindi ko inaakalang mangyayari lahat ng yun. Kaya agad kong minulat ang mga mata ko at..

"Waaaaaah!" nagulat ako ng makitang nasa tabi ko siya. Agad ko namang nilagay ang kamay ko sa dibdib ko. Yakap yakap ko kasi siya kanina.. at yakap niya din ako.

"Hmm.. Bakit ka ba sumisigaw?" tapos niyakap niya uli ako. Ahhhh ang lapit namin sa isa't isa. Pero infernes ang bango ng hininga niya.. Ang bango niya.. \( ^o^)/

"Bakit ka nandito sa kwarto ko?" eeeet kaya pala ang sarap ng tulog ko.

"Ah anong oras na!?" agad naman siyang kumawala. Bumangon siya at tiningnan yung orasan. "Agh sakit ng ulo ko." tiningnan naman niya ako ng masama. Bumangon naman ako.

"Uy panget, alam mo ba kung bakit!"

Sumagot naman ako, "Ang alin?" wala talaga akong ideya sa sinasabi niya.

"Agh. Nakakairita kang katabi. Ang likot mo. Kundi pa kita yayakapin--"

"Ano niyakap mo ako! Sandali bakit ka nga ba kasi nandito sa kwarto ko?" bigla siyang namula.

"Malelate na tayo. Tara na!" napakunot noo naman ako.

"Hoy!" agh ang bilis niyang umalis.


Pagkatapos naman naming kumain. Agad na kaming nagsiayos nila Gavin. Sabay sabay na daw kaming pumasok, at si Nadiel ngayon ang magdadrive.

Tahimik lang kami habang nasa byahe. Hanggang sa nakarating na kami sa school. Naunang umalis si Gavin, at naiwan naman kami ni Nadiel. Nagkatinginan kami tapos sabay na naglakad. Alam na namin ang gagawin. Uhh.. Boyfriend ko na talaga siya..

Nagkapaalaman naman kami. Pumunta naman ako sa una kong subject. Sa classroom nag-earphone na lang ako habang wala pa yung prof. ko. Naalala ko naman bigla na may assignment nga pala ako sa sunod kong klase. Kinuha ko saglit yung gamit ko kaso may nalaglag sa pagmamadali ko. Kinuha ko naman agad..

“Siya yun.”

May dalwang babae naman na nakatingin sakin na mukhang kakapasok lang. Dahil weird yung feelings agad akong umiwas ng tingin. Binasa ko yung tanong sa assignment ko pero.. hindi ako mapakali kaya sumulyap uli ako dun sa dalwa kong kaklase. Nakaupo sika sa medyo kalayuan sakin. Nasa sulok sila. Mukhang may pinag-uusapan at eto pa.. sumusulyap din sila sakin. Ahh! Bakit kinakabahan ako sa mga ganyang tingin. Mabuti na lang dumating na yung prof. namin.

Agad akong umalis pagkadismissed ng prof. Hallucination ko lang siguro. Kasi nung nagkaklase hindi na nila ulit ako sinulyapan. Agad naman akong tumakbo papunta sa sunod kong klase dahil kung malelate ako hindi ako makakagawa ng assignment. Pero mukhang hindi ata ako naghahallucinate.. dahil mas grabe ang nangyari. Alam ninyo yung feeling na parang kang binubully sa tingin. Tapos may time pa na parang OP ako at parang walang pumapansin sakin.

Mabuti na lang sa 3rd subject ko walang prof. kaya agad din akong umalis. Nagutom na rin ako kaya pumunta akong canteen. Bumili lang ako ng bacon with cheese sandwich at iced tea. Biglang nagvibrate ang cp ko, pagkatingin ko naman may biglang sumagi sakin. Paglingon ko sa likod habang hinihimas himas ko yung braso ko..

“May nakakita sa kanila kaninang umaga na magkasama sia ni Nadiel Fortalejo!”
Pagkarinig ko nun. Napatingin ako dun sa grupo ng mga estudyante na nagchichismisan. At mukhang..

“No way. Fck lang a. wag ninyong sabihin totoo yung rumors na magkaholding hands sila nung 2nd sem?”
“Akala ko pa naman matalik na magkaibigan lang talaga sila nung Gavin Tae kaya napapalapit siya kay Nadiel. Pero mukhang hindi yun.. kasi kung naging boyfriend niya si Bret Lacson. Siguradong malandi lang talaga siya.”

Nakaramdam ako ng takot. Yung feeling na gusto kong magtago..

“Diba napapabalitaan din na habol ng habol daw siya kay Bret!? Such a flirt!”
“Nakakaloka. Dapat parusahan ang gaya niyang malandi! She don’t deserves them!”

Agad naman akong tumakbo. Palabas n asana ako ng canteen nang—

Nalaglag yung drinks ko. Arghh..  mukhang nakapansin na ang lahat tungkol sa pagiging malapit ko kay Nadiel. Hindi ako naging maingat. Nakalimutan kong masyado nga pala siyang sikat. He’s a model. He’s one of the top teen model here in the Philippines. At madaming mga mata ang nanonood sa kanya.. at ako..

“-Uh Arkin?”

Napalingon naman ako sa tumawag  sakin.

"Siya yung Arkin?"

Ang daming napatingin sakin. Kaya agad akong tumakbo.

Natatakot ako. Natatakot ako sa mga tingin ng mga taong yun. Para bang lahat sila galit na galit at hindi matanggap na ang Nadiel Fortalejo na hinahangaan ng lahat ay ang girlfriend ay.. isang kagaya ko lang. Siguro mas gusto nilang si Ms. Lei lan ang makatuluyan ni Nadiel.

"Wui." nagulat naman ako nang biglang nasa harap ko na siya. Muntik pa akong lumubog sa tubig.

"Arkin!"

Agad naman akong umahon. "ha.ha.ha. *pant*" agad naman siyang ngumiti pagkakitang ayos naman ako. Nagsigh na lang ako. Ano naman kayang ginagawa niya dito sa pool?

"oh heto towel." kinuha ko naman yun. Umupo ako sa tabi niya.

"Wala ka bang klase?"

"20 mins. break." nakatingin parin ako sa pool at hindi siya nililingon.

"Nag-aalala ako sayo."

Bigla namang sumagi sa isipan ko yung mga weirdong trato sakin ng mga fans as well his lovers. May alam kaya siya.. hayy. Should I tell him..

"Don't worry. Walang mambubully sayo. Walang mananakit. At hindi ito magdadala ng malaking problema. I already ask Issues Department to never get in touch with you. Or else.." tumingin siya sakin. "..makakalaban nila si Nadiel." agad akong umiwas ng tingin. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Pinapatibok niya kasi ang puso ko ng ganito. Wahaha pagbigyan niyo na ako, ngayon lang uli ako nainlove.

"Pero.. siguro naman hindi ka looser na girlfriend na magpapadala na lang sa sasabihin ng iba. Sa mga gagawin nila?" tumingin ako sa kanya ng magkasalubong ang kilay. "o baka naman gusto mo akong maging hero na boyfriend." and now he's smirking. I gave him a 'duh' look. Tumawa naman kami parehas.

"Don't worry, wala naman silang magagawa kung ikaw ang napili ko. It's not as if magpapadala ako kasi tama sila na panget ang girlfriend ko." tapos tumawa siya ng pandemonyo. Tama ba namang tawagin na panget ang gf niya. Break-in ko siya ngayon din e. (//3-  )

"Don't worry, hindi ako hihingi ng tulong sayo. Kapal mo." hindi siya umimik. Mukhang sineryoso ata ang sinabi ko. Tumingin naman ako sa kanya--



*hug* "I don't need you to ask for a help. Dahil kahit hindi mo sabihin, poprotektahan pa din kita." kinindatan naman niya ako. "Sige. Maya na lang ulit." umalis naman siya.

Napahawak ako sa batok ko.. Hmm ganito pala magseryoso ang isang Nadiel Fortalejo. Secret lang natin huh.. But I think, every second counts.. mas lalo ko siyang minamahal. Baka di na ako makaahon nito a. Hayy..

2 more classes at sa wakas natapos na rin. Nasa cafeteria ako ngayon nakaupo with only iced tea on the table. Habang katext ko si Nadiel. Nasa MO siya ngayon, mga 7:00 na din at dito ko siya hinihintay para sabay na kami umuwi. Ganon din si Gavin. Pero mga after 10 mins. pa siya darating. Napatingin ako sa paligid, at nakita ko naman si Bret sa di kalayuan kasama ng mga kabarkada niyang lalaki. Nakatingin siya sakin. Ngumiti naman ako pero wala siyang expression. Lalapit ata siya sakin..

"Ah!" may sumagi sa table ko kaya natapon yung juice ko. Tiningnan lang ako nung tatlong babae like 'what duh' at agad na iniwan ako. I know sinadya nila yun.

"Ok ka lang ba?" napatingin naman ako sa nagsalita habang tumatayo ako. I told you lalapit siya.

Nag-iba kami ng table. Nagpaiwan na din siya sa mga kabarkada niya dahil nga may sasabihin siya sakin.

"Itatanong ko lang kung kamusta ka?" umiwas naman ako ng tingin sa kaniya at dun ko naman nakita si Gavin sa may harap ko na malayo sakin. Sumenyas lang siya na alam na niya ang nangyayari. Bano!

"Okay naman. Kaw ba?"

"I mean.. about the rumors. Mukhang naniniwala na lahat na may something na senyo ni mr. Pres." tumingin lang ako sa kanya. And he's sincerely concern. Ayoko ng ganito si Bret.

"Kakasama nga ng loob yun! Ilang beses na kaya kaming nagkabanggaan ni Nadiel. Nagkasama. Nagkahawakan na nga kami ng kamay, atsaka ako din yung nagpapirma ng clearance niya a. Pero.. ngayon lang nalaman ng tao na maaaring may something samin." sabi ko ng pabiro. Pero hindi nabago ang mood niya. Tumingin na lang ako kay Gavin na kumakain at hindi nakatingin sakin. "Hindi man lang naisip ng tao na hindi pwedeng maging si Nadiel at ms. Lei lan.."

"So alam mo na pala?" tumingin uli ako sa kanya.

"Iniiwasan ni mr. Pres. si ms. Lei lan." nagulat ako sa sinabi niya.

Magsasalita na sana ako.

"--I LIKE YOU! Please accept my flower." napalingon kami. At si Nadiel pala ang taong tinitingnan ng lahat. Nandito na siya sa cafeteria para sunduin ako. Pero iba ang nangyari.. may malakas na loob na nagconfessed sa kanya. With that expensive boquet of red roses. Nakayuko yung babae.. at cute siya a.

"And one more thing, malimit siyang puntahan ng mga lovers niya. Madaming nagcoconfess at nang-iistalk sa kanya.

Mukhang di nila matanggap na isang gaya mo lang ang makakalink niya. So everybody tries." nakatingin lang ako kay Nadiel habang ang lahat ay inaabangan ang kanyang gagawin. So hindi lang pala ako ang nahihirapan..

Pupuntahan ko na sana siya--

"Let's go." bigla na lang sumulpot si Gavin at hinawakan ang kamay ko. Tumango naman ako--

"Sandali! Gavin Tae?" napatingin siya sa kamay namin. "Nakita ko na kayong magkasama. At alam mo.. mas lalo mo lang dadagdagan ang problema ni Arkin kung.. ganyan kayo." he's talking about the rumors. Ay letche! Tama nga si Bret. Bakit naman kasi naging kami pa ni Nadiel. Wahaha sisihin daw ba.

"Anong gusto mo? Sayo sumama si Arkin? Parang.. mas madadagdagan naman ata ang problema niya pag ganon. Ex boyfriend ka na, so back off!" nagulat si Bret sa sinabi ni Gavin. Agad din naman kaming umalis dun.
HTML Comment Box is loading comments...