Pagdating namin sa kotse ni Nadiel. Guilty'ng guilty pa din ako s nangyari.
Bret is only concern lang naman e.. pero may point din naman si Gavin. Uhh..
"Hahaha! Galing ko umakting! Antakot ni Bret no?" tumingin ako sa
kanya ng magkasalubong ang kilay. Tumataas taas pa ang kilay niya while half
smiling. Binatukan ko nga.
"Aww? Para saan?"
"Yu did dat on purpose?" inis kong sabi.
"Para rin ito sainyo. Mas maganda kung hindi mangingialam ang ex
boyfriend mo." pumahalumbaba naman siya dun sa bintana.
Sumeryoso siya bigla. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan.
"Pati si Lei lan.. nahihirapan." nakita ko sa mga mata niya na
nag-aalala siya. May alam kaya si Gavin tungkol kila ms. Lei lan at Nadiel?
thump.thump.
"Sino ba si ms. Lei lan kay Nadiel?"
Biglang tumahimik sa loob ng kotse. Naaninag ko na lang na parating na si
Nadiel.
“I don’t think you should hear it from me.” Bakit pag naiisip ko si Ms. Lei
lan, naiisip ko na iiwan ako ni Nadiel.
“Kanina pa kayo? Let’s go.”
Nandito ako sa kwarto, ng bahay ng mansion nila Nadiel. Hawak ko ang
ipad ni Nadiel na katatapos ko lang gamitin. Nakatulala lang ako sa may kisame.
Hindi naman ako pagod at hindi na rin naman ako busog. Kakakain lang kasi namin
at mga 1 oras at mahigit na ang nakakalipas.. gumagawa ng mga projects si
Nadiel. Hindi naman na ako gutom.. pero bakit lutang na lutang utak ko. Parang
ang dami kong gusting malaman.. na I feel uncontented with everything. Question
mark.. question mark.. question mark—
“ARKIN~!”
“AY ANAK KA NG PALAKANG MAY KULUGO!” agad naman akong napabangon habang
hawak ang dibdib ko. Napatingin naman ako ng magkasalubong ang kilay sa taong
nanggulat sakin. Nakataas ang isa niyang kilay at parang taking taka. GAGO
talaga ‘to! >:(
“Anong kulugo?” parang inis na inis siya sa pagkakasabi nun. Ang kyut! Ang
pogi talaga ng boyfriend ko! :D
“Gago ka bakit mo ba ako ginugulat?” nakataas pa rin ang kilay niya.
Maya maya bigla siyang lumapit at hinigit ang kamay ko. Hihilahin niya sana
ako pero nagpumiglas ako.
“Bakit ba?” takang taka kong tanong. Kumunot lang yung noo niya at hinila na
naman ang kamay ko.
Agh! Bastos talaga siya. Ang layo pa nung kwarto niya e tinatamad akong
maglakad. Nagpapahinga na ako sa kwarto ko e. Tas ang sakit sakit pa ng
pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero hindi pala kami sa kwarto niya pupunta, sa
isang..
“Anong gagawin natin dito?” naupo naman ako. Tapos ang daming pagkain dun sa
harap ko. Kinuha ko naman yung isang bowl ng pop corn. Ang sarap! May French
fries pa :D
“Ano bang ginagawa sa movie theatre?”
"Talaga!? E anong panonoorin natin?" excited kong tanong.
Ngumiti naman siya. (//.< ) Uhh! Ang pogi talaga ng boyfriend ko!
KINIKILIG AKO! Eeeet..
"Here :))" lumapit naman siya habang inaabot sakin yung cd.
"Fly me to the moon.?" taka kong tanong. Ang hilig niya talaga sa
cartoons! Haha.
Nagsimula na yung movie. Habang nanonood ako kumakain ako. Kaya enjoy na
enjoy ako. At alam niyo dahil sa movie na'to nagustuhan ko ang mga langaw.
Haha. Kung ganito ba naman ang itsura ng mga langaw! Ang kukyut! :D
"Hala! Mamatay ba sila!?" gigil na gigil kong tanong kay Nadiel.
Natawa lang nga siya pero di ako nagreact. Masyado naman kasi akong nakecarried
away sa mga eksena!
"Waaah! Ang ganda! Kakainspired!" binuhay na niya yung ilaw habang
uminom naman ako ng juice.
"Nag-enjoy ka ba?" tumango naman ako habang nakangiti.
"Siguro.. hmm. Maganda sa moon. Wahahaha!" ano daw? Ang childish
ko. Haha!
Hinigit naman niya ang kamay ko. "Halika." sumunod naman ako sa
kanya.
May pinasukan kaming pinto. Medyo madilim pero hindi naman nakakatakot.
Bukod pa dun, para siyang secret passage tapos may dinaanan kaming hagdan
pataas. Hanggang sa makarating kami sa.. parang rocket ang style. May maliit na
pinto at pagpasok namin..
"WOW! Nadiel ang ganda!!! :D" para kaming nasa outer space. Kitang
kita namin ang langit. Glass kasi yung nagsisilbing bubong nung kwarto. Pabilog
pati yung style. Ang ganda!
Ang ganda talaga sa mansion nila!! 8))
"Wag mong sabihing! Pangarap mo noong maging astronaut" hahaha.
Tawa ako ng tawa habang tumitingin ako sa telescope. Aww hindi maganda ang
langit ngayon. Kokonti ang stars bukod pa dun natatakluban ng ulap ang buwan.
Tsk.
"Oo. Pinangarap ko din yun." napalingon naman ako sa kanya. Ano
daw? Nakalimutan ko na yung pinag-uusapan namin? "Pinasadya talaga ng mom
ko ang kwartong ito nung bata pa ako."
"Ni Mrs. Fortalejo?" hindi siya sumagot at ngumiti na lang.
Sumilip uli ako sa telescope. Asar talaga ampangit ng langit. Magpapasko na a!
"Gusto mo ba ang buwan?" lumingon uli ako sa kanya.
"Mas maganda ang star. Haha."
"Ang common kasi ng stars." lumapit naman siya sakin. "Alam
ko maganda ang stars. And everyone loves them. Pero gusto ko kasi.. hindi
common yung pagmamahal ko sayo.." ang korni huh. Haha.
"But.. I think, mas babagay ang moon sayo. Kasi.. sabi ni Einstein 'I
like to think that the moon is there even if I am not looking at it' kaya
kahit wala ako lagi sa tabi mo lagi mo pa ring iisipin na nandyan lang ako.
Gaya ng moon, hindi naman talaga nawawala ang moon e. natatakluban lang.. kaya
kahit hindi mo ako hanapin, nandyan lang ako. Iniisip ka.." hinawakan niya
yung buhok ko pababa ng leeg ko. Ang weird nga e. Hanggang sa..
"Shet." napataklob ako ng bibig.
"Star or moon?" hindi ko alam pero napaiyak ako. Niyakap ko naman
siya.
"Gusto ko Ikaw!" tumawa naman siya. Antanga ko lang. Moon or star
nga lang ang choices e. Eee!!! Kakainis kasi siya.
Ang ganda kasi nung necklace na hawak niya. Moon tapos may heart. Sinong
hindi makecarried away! Langya ang sweet niya a. Nahihiya tuloy ako sa mga
pinahkikilos ko. (//.< )
"Sige na. Bitaw ka na. Isosoot pa natin 'to sayo e." dahan dahan
naman akong bumitaw sa kanya. Pagtingin ko naman sa kanya, nakangiti siya.
Waaaaaaah! Tangna ang gwapo gwapo naman kasi niya! Kalaglag laglag panty!
Nakuu! I think I'm blushing..
Inayos naman niya yung buhok ko at dahan dahan niyang sinoot sakin yun
kwintas.
"Waah ang cute! Ang ganda! Gustong gusto ko siya!" ang ganda
talaga. Kinikilig talaga ako. Ang saya saya ko..
Sana lagi kaming ganito.. *sob*
"Oh bakit ka umiiyak?" hinawakan naman niya ang baba ko. Hindi ko
tuloy maalis tingin ko sa kanya. Kaya ngumiti na lang ako.
Hindi alam ni Nadiel kung gaano ako kasaya ngayon. I swear I'll treasure
this..
Dahan dahan namang lumapit ang mukha niya sa mukha ko kaya pinikit ko ang
mga mata ko. At naglapat ang mga labi namin..
Hindi ko alam kung bakit. Pero habang dumadaan ang mga araw.. mas lalo akong
natatakot. Mahal na mahal ko si Nadiel.. God please let us be together like
this, forever.. *tear drops*