Minulat ko ang mga mata ko at.. (o.O )/
“WAAAAAAAAAH!” agad ko naman siyang tinulak. At agad din akong lumayo.
Hingal na hingal akong nakatingin sa kanya. At ang init pa ng pakiramdam ko..
kahit na katatapos lang naman ng lagnat ko..
“Aray. Bakit ba?” tiningnan ko naman ang sarili ko.
Waaah bakit nakatube na lang ako. (O.O ) Grrr.. anong ginawa niya sakin!
(//.< ) Tapos nakatopless pa siya.. kita yung uhmm.. abs niya.
Aaaaaa!!!
“Uy?” ah ano ba itong ginagawa ko. Bakit ako nakatingin sa katawan niya.
Err~
“Oy lalaki! A-anong gi-gi-ginawa mo sakin! Ha-HUH!” dinuro duro k pa sa
kanya yung paa ko. Tinatakpan ko kasi ng kumot yung pantaas ko. Letche nasaan
na kasi damit ko. Ano bang nangyari???
“You mean. Yung kagabi?” painosente niyang tanong. Tadyakan ko siya e.
Eeeeh!!
“hahaha. Namumula ka oh! Hahaha!” nakakainis siya. Wala na nga akong maalala
e. Basta ang alam ko ang lalim nung halikan namin e.. tapos.. tapos???
Ano na nga?! Hmf..
“The truth is.. we almost gone too far. Muntik na nga e..” napakagat siya ng
labi. Don’t tell me!-
“i-IKAW!!!” tumingin siya sakin at hinalf smilan ako! Waaah
(//.< ) Gago ang manyak!
“Ang sarap nga e.—“ At nakita ko na naman yung abs niya. Shet!!! Umagang
umaga naglalaway ako. Tangna buti na lang nagtoothbrush ako kahapon pagka-uwi.
Sa sama kasi ng pakiramdam ko, pati lasa ko sumama.
“Ah! Hoy dyan ka lang!” palapit siya ng palapit. Layo naman ako ng layo.
“Alam ko naman na nasarapan ka din e.” Tinaasan naman na niya ako ng kilay.
Eeeh! Thum.thump.thump. epal na heartbeat ito! Bakit ba siya lapit ng lapit!
“Nadiel! Sabi ng wag kang--- WAAAAH!”
“HEY!!!” pumikit na lang ako at---
“Ang careless mo.” Hawak niya ako sa leeg at sobrang lapit pa ng mukha niya
sakin. Tapos.. nasa ibabaw ko pa siya.. at yung abs.
“WAAH!!!”
“Ano ba—“
BLAG~
“Aray ang sakit ng pwet ko..”
“Ag gang likod ko..” hinimas himas ko ang pwetan ko habang nakatingin sa
kanya. Bigla naman siyang tumingin sakin kaya agad akong napatungo. Uhh..
mukhang nagbablush ako. (//.< )/
“Ah?” bigla na lang niyangt tinaklob sa katawan ko yung damit niya.
Nakangiti siya.
“Wala naman akong gagawin sayong masama e. Ibig ko lang sabihin, ang sarap
ng tulog mo. Hehe.” Thump.thump.thump.
“Onga pala, okay ka na ba talaga? Kaya mo bang pumasok? Ahaha. Kung ganon
mauna na ako, mag-aayos pa ako e.” pinat niya ako sa ulo at agad din naman
siyang tumayo at umalis.
Phew. Akala ko katapusan ko na. ang kaba ko dun a. Agh. *hampas sa dibdib*
Heart Beat wag ka namang paobvious oh. EEEEET!!! Alam ko kinikilig ka din!
Pumasok kami na sabay ni Nadiel. May iba pa ding hindi maiwasang hindi
mapatingin samin. At sigurado karamihan sa kanila hindi pa rin makapaniwala.
Sana lang wala talagang makaisip na mambully sakin. Nakuuu! Pero mabuti na lang
nung nag-exam kami sa klase, nakapasa ako. Kahit papaano hindi ako pinabayaan
ng katabi ko. Wahaha.
“Meron ka rin pala?” tanong ni Gavin habang nakatingin sa hawak ko.
Katatapos lang ng klase namin at eto kumakain kami. Tapos naisip ko na sabihin
sa kanya yung tungkol sa 18th bday ni ms. Lei lan. At meron din pala si Gavin.
“Iniiwasan kasi talaga ni Nadiel si ms. Lei lan kaya sakin niya na lang
binigay.”
“Tsk. Ganun ka talaga kamahal ni Nadiel!” nakangiti siya habang humihigop ng
juice gamit yung straw.
“Gavin..” kinakabahan ako. “Pupunta ba kami?” tinaas taas ko pa ang kilay
ko. Pero sa totoo lang, nasasaktan ako sa mga ginagawa ko. Gusto kong sabihin
kay Gavin na ayoko talagang dalhin si Nadiel sa lugar na yun. Ang selfish ko..
“Haha. Ano ka ba! Magtiwala ka nga kay Nadiel.. alam ko mahal na mahal ka
nun.”
Ngumiti na lang ako.
Nandito kami ngayon ni Nadiel sa timezone. Naglalaro siya nung parang
basketball. Tsk. Bukas na ng gabi yung birthday ni ms. Lei lan dapat masabi ko
na sa kanya. Pero sigurado naman ako na alam niya na bday ng first love niya e.
>:(( Tsk. Pero may balak kaya siyang pumunta kahit wala akong sabihin. Agh!
“Oh ano? Hanga ka sakin no?” inirapan ko siya.
“Tingnan mo nga score mo. Kanina ka pa dyang shoot ng shoot pero di ka
namang makapunta sa level 2.” Nagpout naman siya. (//.< )/ Ay langya!
NAGPACUTE E ANG GWAPO GWAPO NA NIYA. Mamaya halikan ko siya e. ( T.T)
“Opo. Hindi naman po kasi ako basketball player. Tennis po ako, okay.”
Inakbayan naman na niya ako.
“Papicture tayo.” Hinawakan naman na niya ang kamay ko.
Pagkatapos ng ilang shots.
“Wah. Tingnan mo ang gwapo talaga sa lahat ng ito. Hahaha. Ang panget mo
naman dito.” Sinamaan ko lang siya ng tingin pero tawa pa rin siya ng tawa. Enjoy
na enjoy siya sa mga pictures namin.
Napansin ko namang may mga babaeng napapatingin kay Nadiel. May mga sinasabi
sila pero wala ako sa mood intindihin ang mga yun..
"Iuuwi natin ito lahat hah!"
Bago kami umuwi, talagang bumili nga siya ng photo album para paglagyan ng
mga pictures namin. Nilalagyan pa niya ng mga note. Nakakatuwa syang pagmasdan.
"Wah! Wag mo nga yang ilagay!"
"Bakit ba. Haha. Ang panget mo kaya dito!" yun na nga e. Antanga
talaga niya. Haha.
Naisip ko naman na sabihin na sa kanya yung tungkol dun sa birthday.
"Nadiel."
"Hmm?"
"Anong meron bukas?"
"Hindi uso satin ang monthsary a. Sinasabi ko sayo. Gusto ko
anniversary! Haha" busy talaga siya sa mga pictures. Pero di naman yun
yung ibig kong sabihin e.
"Ano ba! Pwede ba wag ka ng magmaang maangan. Alam kong alam mo!"
asar talaga siya. Hindi ito ang panahon para magpanggap siya for my sake.
"Tsk. Oo na malapit na magpasko. Nu ba gusto mong regalo."
sumimangot na talaga ako.
"Birthday ni ms. Lei lan bukas!" bigla naman syang napatigil sa
pag-aayos nung mga pictures.
Tumingin siya sakin ng nakataas ang isang kilay. "Oo nga nu. Pero paano
mo nalaman." umiwas ako ng tingin sa kanya. "Masyado ata akong nadala
sa pagbalewala kay Lei lan. Pati bday nung tao nakalimutan ko.."
"Pumunta tayo okay!"
"..ilan taon na nga siya?-- Huh?"
Nilabas ko yung bracelet. "Umattend tayo sa 18th birtday ni ms. Lei
lan." biglang syang natahimik.
Nang..
"ANO!?" hehehe. Nagulat ako a. Pero ang gwapo niya pagnagugulat. Eeeh
ang pogi pogi ng boyfriend ko. Kaya baliw na baliw sa kanya lahat e..
(//.< )/ Di na ako nagtaka bakit gusto siya agawin ni ms. Lei lan
sakin. hahaha
"Are you out of your mind. Umiiwas nga tayo dun e." tinuloy na
niya pag-aayos sa mga pictures.
“Sige na! Nakikiusap yung tao e!” napahawak na ako sa braso niya. Nang bigla
na lang siyang tumingin sakin ng magkasalubong ang kilay.
“Nakiusap? Nagkita kayo!?” nag-iba yung tone ng boses niya. Parang may
galit.. napabitaw ako sa kanya.
“Oo. Sa library. Sandal nga.. bakit ba kailangang iwasan si ms. Lei lan?”
bigla na lang siyang nanahimik.
Tama. Hindi nga pala niya alam na alam ko. Na may alam ako. Na alam ko ang
nangyayari. Kung wala akong nalalaman.. hindi ba parang nakakapagtaka.
Napaisip naman siya.. Sandali, bakit ko pa ba tinanong.
“Ayoko lang ng issue.” Tinuloy naman na niya yung sa pictures.
Nanahikmik nalang ako.