Kinabukasan, napagpasyahan ni Nadiel pumunta sa mall nila para mamili ng mga
gagamitin namin mamaya sa birthday ni ms. Lei lan. Alam niyo na mayaman kaya
gusto iya bago. Dapat kasi yung gagamitin ko yung mga naibili na niya sakin
pero hindi daw yung babagay sa celebration na magaganap. Gusto rin kasi niya na
bago lahat. Pati raw bibili na rin kami ng gift.
“Hm. Heto.” Iling siya ng iling sa mga dress na pinipili ko.
Hanggang sa siya na ang pumili sa mga dress at lahat ng pinili niya
sinusukat ko. Pati sa sapatos. Sa mga alahas at accessories. Kung pwede nga
lang pati under wear siya na rin. Hahaha. Pero sa sosootin naman niya, siya na
ang pumili. Mas maganda taste niya. What do you expect from a model. :D
“Sa tingin mo okay na kaya ito?” tinutukoy niya yung relo na ibibigay niya
kay Lei lan.
“Ewan.”
“Eh kung mga gadgets kaya?” tinaas taas niya ang kilay niya. Hay mayayaman
talaga!
“Dress?”
“Eh kung hat?”
“Laptop? Aww di nga pala pwede ang gadgets sabi mo.”
“Bag? Hmm.. gondo oh.”
“Shoes? Sandals. Yung mataas ang heels!”
Tawa lang siya ng tawa. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapili ng
ireregalo kay ms. Lei lan. At mukha naman siyang nag-eenjoy sa paghahanap. Alam
kasi niyang ako ang napapagod. Parang lang yung dati. Gifts for his
girlfriends. Tsk
Habang tumitingin tingin siya. Naglakad lakad naman ako.. hanggang sa nakita
ko itong recorder stuff toy. Ang kucute nung mga stuff toy. May maliit. May
malaki. Pero yung halos isang kamay ko ang laki ang hinawakan ko. Pinindot ko
yung button at nagsalita ako..
“I love you..” pinindot ko uli yung button at umimik ito.
Ang cute! :D
“Para kanino naman yun?” napalingon ako sa nagsalita. Tss siya lang pala.
“Yan ba ang napili mo?” kinuha naman niya. “Cute. Gusto mo bilhin natin..
para sayo.” Umiling lang ako.
“Kay ms. Lei lan. Mas maganda kung kay ms. Lei lan mo yan ibibigay.” Ngumiti
naman ako. Medyo nanibago yung expression ng mukha niya. May nabasa ata siya sa
mga mata ko. Agh.. kasi naman masyadong nagiging komplikado lahat kapag may mga
namamatay na sa eksena.
Nag-ayos naman na agad kami pagkauwi. Kumuha pa talaga si Nadiel ng mga
taong mag-aayos sakin. Simple lang naman ang ginawa nila sakin. Nistraight nila
buhok ko na medyo gulo sa una. Tapos konti lang din nilagay nila sa mukha ko.
Pero makapal ang lipstik na color light red para mukha daw natural. Madali lang
naman natapos at pinasoot na nila sakin ang dress. Sila na din ang nagdisplay
sa katawan ko nung mga accessories. Pati sapatos sila na din ang nagsoot. Para
akong barbie.. hehe. At nung pinatayo na nila ako para tingnan ko anwg sarili
ko medyo hirap ako gawa nung heels. Pero..
(//.< )
Ang ganda ko..
"Simple but perfect."
Napalingon naman ako sa nagsalita. At nakangiti siya.
thump.thump.thump..
"Are you ready?"
Alam niyo yung feeling ng parang nalove at first sigh ka. Yung feeling na
parang lagi mo syang nakikitang nakangiti sa paningin mo kahit may kausap siya.
Yung parang siya lang na kumikinang kinang pa ang nakikita ng mata mo.. na
parang may mga bulaklak sa paligid niyo.. Ito yung feeling ko. Ang gwapo kasi
niya..
"Eh?" ang gwapo gwapo ng boyfriend ko..
Ang gwapo gwapo ni Na- "Namumula ka?" hindi ko napansing nasa
harap ko na pala siya. Masyado kasi akong naamaze sa kanya. Ang swerte talaga
niya.. ang perfect niya. Hmf ( >.\\)
"Uh kinakabahan lang ako. Panigurado kasing madaming tao dun."
hindi ako makatingin sa kanya.
"Wag kamg mag-aalala. Mga taga MO ang halos nandun. Tara."
hinawakan naman na niya ang kamay ko.
"Bagay na bagay sila. Hihi.." narinig ko pang sabi nung mga
nag-ayos sakin.
Talagang ilang na ilang ako ngayong gabi. Bukod sa soot ko na halos kita na
ang balikat ko. Mabuti na lang nakapagbunot ako ng buhok sa kili-kili. Pati
narin yung heels antaas. At.. Excited dahil ang pogi pogi ng kasama ko. :D
Hayy.. bakit kasi ang haba ng buhok ko at talagang sakin pa siya nainlove. Mabuti
na lang kahit malas ako.. swerte naman ako sa boyfriend ko. ( ^o^)
Hehe. Iba kasi si Nadiel. Siya yung tipo ng gwapo na hindi nakakasawa ang
mukha. Yung para bang habang tinititigan mo siya.. mas lalo kang nag-eenjoy sa
pagdiscover sa mukha niya. Yung parang halos araw araw may bago sa kanya. Hindi
siya nakakasawang mahalin.. For me, He's the perfect boyfriend. Akala mo lang
talaga masama ugali niya. Na aakalain mo hindi na siya magbabago. Pero habang
tumatagal, habang mas nakikilala mo siya. Dun mo malalaman kung bakit ang sarap
niyang mahalin. Dun mo malalaman na iba pala talaga siya. Yung tipong
mahihirapan ka ng pakawalan siya. Yung tipong maiinsecure ka sa lahat na maagaw
siya. Kaya siguro hindi rin siya mapakawalan ni ms. Lei lan. Kaya siguro mahal
na mahal siya ng lahat..
"Ang dami na palang tao.."
Ang dami kong nakikitang taga FMU at ang karamihan sa kanila ay mga MO. Lalo
tuloy akong kinakabahan. Maya maya naman may waiter na biglang nag-abot samin
ng wine.
"Good-evening to everyone. First of all I wanna thank all of you for
being a part of this celebration. My daughter's 18th birthday." lumapit
kami ni Nadiel. Mukhang yung nagsasalita ang ama ni Ms. Lei lan. Malamang!
Blah blah blah. Ang daming sinabi hanggang sa nagmain entrance na si ms. Lei
lan. At alam niyo kung ano yung feeling insecure.. eto yun..
"She's so beautiful."
"Such a gorgeous daughter."
"She's perfect."
Ang dami kong narinig na compliment. Napakaganda nga naman ni ms. Lei lan.
Kanina nung humarap ako sa salamim, akala ko ako na yung pinakamaganda. Pero
ngayong nakita ko si ms. Lei lan, feeling ko lahat ng confident ko nabaon sa
pinakailaliman ng lupa. Napakaganda ni ms. Lei lan. Mukha siyang prinsesa.
Lahat ng mata sa kanya nakatingin.
"Happy Birthday my beloved daughter."
Hindi ko tuloy naiwasan tumingin kay Nadiel. Tapos bigla niyang tinaas yung
wine niya at nakitoast. Halos lahat yun ang ginawa.. ako lang ang hindi.
Iniisip ko kasi kung anong iniisip ni Nadiel ngayon. Napakaganda ni ms. Lei
lan, e ako ngang girlfriend niya hindi ko man lang siya nakitaan ng ganyang
reaction. Siguro.. gandang ganda siya kay ms. Lei lan.
"Oh?" umiwas naman ako ng tingin. Iinumin ko sana yung wine kaso--
"Don't worry, hindi ako nagandahan kay Lei lan." pinigilan niya
ako. (?.?? ) Napatingin naman ako sa kanya. Nakasmirk siya.
Umiwas naman siya ng tingin. "Sa tingin mo, madadala pa ako sa ganong
eksena.? I'm a model. At madami na din ako nakitang babaeng mas maganda sa
kanya. Para sakin kasi.. lahat ng nakamake-up pareparehas lang." biglang
naniklop ang mga kamay ko. Aaminin ko.. nainis ako sa sinabi niya. So kahit
iniisip ko na ang ganda ganda ko ngayong gabi, para sa kaniya wala lang yun..
Maya maya naman ay nagsimula na ang 18 roses blah blah at kung ano anu pa.
Ako lang yung kumakain, si Nadiel.. ayun umiinom lang ng wine at inaabangan
gada minuto na nagaganap. Hmf. Medyo kairita nga e.. Pero alam niyo kung anong
nakakainis, bigla na lang siyang tatayo at malalaman ko na siya ang escort.
Agh! Bakit wala akong alam..
"Arkin?!" hindi na naman natuloy ang pag-inom ko ng wine dahil
biglang dumating si Gavin.
"I knew that this will happen. Hindi ko na nasabi sayo dahil baka hindi
pa kayo matuloy." mas lalo lang akong nainis. "But still thank you na
napapayag mo si Nadiel." tumango na lang ako.
"Look at them, are these two a couple?"
"I don't know. But they're really look perfect together."
Sari sari na naman ang naririnig ko. Pero hindi ko pa rin sinubukang
tumingin. Masasaktan lang ako.
"Arkin, saan ka pupunta?"
"Maglalakad lakad. Diba pwede?" hindi ko na hinintay ang approval
ni Gavin at nagdirediretso lang ako sa paglalakad. Kesa naman magstay ako, alam
ko matatagalan pa si Nadiel kasama si ms. Lei lan.
Sa paglalakad ko madami akong nakita. May iba pa nga atang pinagbubulungan
ako. This pretty look! Mukha ba akong pathetic para pagtawanan nila. Hanggang
dito! Hmf mga sosyalera talaga akala mo kung sino!
Habang naglalakad din naman ako, may mga lalaki din namang napapatingin
sakin. Pero pag mga taga FMU tatawanan lang ako, side ni ms. Lei lan sila e.
Hanggang sa nakarating ako sa.. parang Bar? May mga nag-iinom kasi. Woot dito
na muna ako.
"Waiter! Hindi pa ako nakakainom pero pwede mo ba akong bigyan ng
drinks na makakalimutan ko lahat!" tumango naman yung waiter. Good dog!
Wahahha
"Arkin?" napalingon ako sa tumawag sakin.