"Eh? Umiinom ka din ba Bret? Hehe alam ko hindi! May problema ka din
no?" bigla siyang namula. Problema nito.
"Ma'am ito na po yunh order niyo." kinuha ko naman.
"Kung alam mo lang, na nagseselos ako senyo ni pres." narinig ko
siyang nagsalita pero di ko narinig ang sinabi niya.
Iinom na sana ako nang pigilan naman niya ako.
"Wag. Masama yan a."
"Titikman ko lang naman. Hehe."
"Haha. Di talaga pwede."
"Andamot." hindi naman ako naiinis. Wala lang talaga ako sa mood.
"Bret!!!"
Bigla namang dumating ang mga taga-MO. Halos lahat lalaki. Bigla naman akong
kinabahan. Alam ko kasing alam nila ang tungkol samin ni Nadiel.
"Is this for real?! Si Arkin Ramirez. Mga tol si Arkin
nan-di-to!!" nagtawanan naman sila.
Bigla namang may humawak sa braso ko at pilit ako pinatayo.
"Wow . Ganda mo ngayon Arkin a!" ang sakit nung pagkakahawak niya.
"Raf, nasasaktan si Arkin!" pumagitna naman si Bret. Mukhang lasing
yung Raf na yun. Kung maaalala ko malimit na nakakasama nila Nadiel at ms. Lei
lan ang lalaking ito.
"Oh the ex-boyfriend still has a feeling. Tumabi ka nga. Hindi naman
ikaw ang kailangan ko!" nang bigla naman ako nitong hinigit at yung
iba niyang mga kasama hinawakan naman si Bret.
"Ano ba! Bitawan ninyo ako!"
"Arkin.." hinawakan naman na niya ang mukha ko. "..tagal ko
ng gustong itanong. Paano naging kayo ni Nadiel Fortalejo? Paano kayo
nagkakilala?" bigla siyang ngumiti.
"Raf, wag mong hawakan ng ganyan si Arkin!" sigaw naman ni Bret.
Sinubukan kong mapumiglas pero masyado siyang mapilit.
"..inakit mo siya no?" bigla namang nagtawanan yung mga kasama
nito. "..o baka naman masarap ka.." lumapit siya sa leeg ko. At--
*BLAG*
"ha.ha. *pany* tigilan mo si Arkin!" tinukak siya ni Bret. May
bigla namang sumugod kay Bret pero--
"Wag!!! Model siya!!!" tumigil naman yung isa. Sinamaan naman ako
ng tingin nung Raf.
"SINO KA BA PARA MAS PILIIN NI NADIEL KAYSA KAY LEI LAN!!!" bigla silang
tumahimik. Kahit si Bret. Mas lalo lang naman akong kinabahan..
"Ano ba talagang ginawa mo? Hindi mo ba alam kung gaano ito kasakit kay
Lei lan! Napakamang-aagaw mo! MALANDI KA!" bigla naman siyang lumapit
papunta sakin. Hinawakan niya ang ako. Pipigilan sana siya ni Bret pero
hinawakan na naman siya nung mga lalaking yun. Gigil na gigil at galit na galit
sakin yung Raf. Parang sa bawat tingin niya gusto niyang pumatay ng tao..
nasasaktan ako. Gusto ko ng umiyak..
Natatakot ako.
"Ang sama mo! Wala kang kwentang babae! Wala kang karapatan kay Nadiel!
ANONG GINAWA MO BAKIT MO NILASON ANG ISIP NIYA!!!--"
*BOoogsh!!!*
Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong umiyak.
"n-Nadiel?" sabay sabay na sabi nung mga lalaking kanina lang ay
hawak hawak si Bret. Ngayon naman bigla silang napalayo at napayuko.
Nakahiga naman sa sahig yung Raf. Duguan yung labi niya. Ang lakas ng
pagkakasuntok ni Nadiel sa kanya. *sob* Nakakatakot.. Natatakot ako sa mga
tingin ni Nadiel. Parang gusto niyang patayin yung Raf sa mga tingin niya.
Naniniklop ang mga kamay niya at halatang nagpipigil lang. Iyak naman ako ng
iyak.. natatakot ako sa mga nangyayari.
"Walang kahit na sino sa inyo ang magtatangkang humawak kay Arkin.
Kundi papatay ako ng tao.." marahan nitong sabi. Walang makatingin sa
kanya.
Dahan dahan namang bumangon yung Raf.
"Ano bang sinasabi ng babaeng yan sayo at nagkakaganyan ka
samin--" bigla na lang siyang sumugod dun sa Raf at ginrab niya ang damit
nito. Agad naman din akong pinigilan siya.
"Tama na.. *sob*" naiiyak kong sabi. Binitawan naman siya ni
Nadiel. Naubo naman ng dugo yung Raf.
"Wala kang alam Raf. Siguro nga. Minahal ko si Lei lan. Minahal ako ng
sobra ni Lei lan.. pero hindi ko mapipigilang magmahal ng iba. Inagaw ko siya
kay Bret. At ano.. ngayong masaya kami. Ngayong masaya ako kailangan naming
maghiwalay. Dahil ano! Dahil nasasaktan si Lei lan. DAHIL KAILANGAN NA
KAILANGAN NIYA AKO. FCK!!!
Alam mo ba yun Raf! Tangna!" humawak ako kay Nadiel. Gusto ko siyang
pigilan. Gusto kong sabihing tama na. Pero hindi ko makapagsalita dahil umiiyak
ako.. natatakot ako.
"NapakaUnfair niya. NapakaUnfair naman nun sa side ko.." tumungo
naman si Nadiel.
"Si ms. Lei lan! NAWALAN NG MALAY!!!"
Lahat kami napatingin. Napatingin naman yung nagsalita kay Nadiel. Parang
natakot ito at agad na tumakbo. Nakita ko pang dali daling tumayo yung Raf pati
na rin yung mga kasama nito. Pero bago siya tuluyang umalis.. lumingon muna
siya kay Nadiel.
“Bago mo pagsisihan ang lahat.. isipin mo muna kung anong mas tama.”
Tahimik lang kami sa kotse nun. Walang umiimik. Nagtaka nga ako nung una
kung bakit hindi siya pumunta sa hospital. Kasi obvious naman na gusto niyang
puntahan si ms. Lei lan. Alam kong nag-aalala siya. Pinagtaka ko lang kung
bakit nagagawa niyang magtiis.. para sakin. Basta na lang niya akong hinigit at
dinala sa kotse. Hmm.. mas lalo lang akong naiinis sa sarili ko. Mas nasasaktan
lang ako sa ginagawa niya..
Hanggang sa pagpunta sa kwarto niya hindi niya ako kinakausap. Ilang beses
kong sinubukang magsalita.. pero kahit ako wala din sa mood. Kaya nung
makapasok siya sa kwarto niya, hindi na rin ako nagsalita at tuloy tuloy lang
sa paglalakad papunta naman sa kwarto ko--
“Arkin?” napatigil ako nung marinig siya.
Lumingon naman agad ako. Thump.thump..
“Hm. Dito ka na muna sa kwarto oh :))” alam niyo gusto kong umiyak nung oras
na yun. Ang sakit sakit kasi. Ang sakit sakit kapag alam mong yung taong mahal
mo nagpapanggap lang na masaya.. para sayo. Para hindi ka masaktan..
nung moment na ngumiti siya.. kahit ang mga mata niya ay puno ng kalungkot..
;’(
Nakahiga kaming dalwa sa kama niya habang nakatingin lamang sa kisame. Alam
kong madami siyang gustong sabihin.. ako din. Gusto kong itanong sa kanya kung
anong totoong nangyari? Sila kasi ang magkasama ni ms. Lei lan nung mga oras na
hindi ko siya kasama. Kaya papaanong pinabayaan niya ito? Anong nangyari sa
kanila..
“Ahhh andaming problema. *sigh*” tumingin ako sa kanya. Tumingin din naman
siya sakin.
“Laro tayo!” sabi niya ng may ngiti sa mga labi. Agad naman siyang bumangon.
“Hmm.. ano bang magandang laruin?” tinitingnan ko lang siya. “Alam ko na!
Jack n Poy! Tapos ang matatalo.. hahalikan nung nanalo.” Tinaas taas niya yung
kilay niya. Medyo natawa naman ako nun.
Nung unang try, siya ang nanalo. Tumawa pa siya nun. Muntik pa nga akong
maniwala na okay na siya. Pero nung lumapit na siya sakin. Akala ko nga
hahalikan niya talaga ako.. pero.. niyakap niya ako. Niyakap niya ako ng
mahigpit...
habang umiiyak siya.. *sob*