1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 70


Hanggang ngayon malinaw na malinaw pa rin sa alaala ko ang nangyaring yun. Ang umiiyak na Nadiel. Nagsalita ako noon.. pero nagsalita lang siya ng mas gusto niya daw pala ng yakap. Pigil na pigil siya sa pag-iyak. Nung gabing yun.. gusting gusto kong umiyak. Gusto ko ng sabihin sa kanya na pinapakawalan ko na siya. Nung gabing ding iyo.. napagdesisyunan ko na na isusuko ko na siya.

Ayoko na siyang mahirapan.. ayokong nakikitang nasasaktan ang taong mahal ko sa piling ko..


“..may alam ka ba tungkol kay ms. Lei lan?” nung isang araw nagtanong ako sa kanya kung sino si ms. Lei lan sa buhay ni Nadiel. Hindi niya sinagot. This time naman siguro masasagot niya na.

“Like what? About him and Nadiel ba? Diba sinabi ko na saiyo na—“


“PLEASE! Gusto ko talaga malaman ang nalalaman mo..” langya. Desperado na ako. Wala na akong pake kahit ang samang tingnan. Aghh..

Nalungkot ang mga mata ni Gavin. Mukhang ayaw niya talagang sagutin ang tanong ko. Umiwas na lang ako ng tingin at kumagat sa sandwich ko.

“Lei lan was Nadiel’s first love.” Napatingin ako sa kanya. Sumagot kasi siya.

“..magkababata kasi kaming tatlo. Pero si Lei lan at Nadiel ang pinakaclose. Lalo na at hindi naman ako dito sa Pinas nag-aral nung una. Ang naaalala ko lang. It was Nadiel’s birthday. Madaming surprises na ginawa si Lei lan, alam kasi ng lahat na may gusto si Lei lan kay Nadiel. MU pa nga sila e. And at that night, naisip ni Nadiel na magpropose. Para maging official na sila. But he got rejected. Tumakbo si Lei lan..” hindi ako makapaniwala sa mga kwento ni Gavin.

“..hindi ko na alam ang mga nangyari pagkatapos. After a couple of month naging playboy na lang siya. Alam mo akala ko nga tumigil na siya lalo na nung umalis na ang ate niya. Pero mas lumala pa pala.” Ngumiti si Gavin. “At yung iba. Sobrang privacy na yun na dapat si Nadiel lang talaga ang magsasabi sayo.”

Sa mga narinig ko. Alam niyo ang sakit sakit talaga. First love. Letche!


“Arkin..?”


“Hahaha. Naisip ko lang! At least diba samin na dalwa ni Nadiel hindi ako yung unang umamin. Pero sa kanila, si ms. Lei lan talaga ano!? Hahahhaa” nagulat na lang ako ng may pumatak na luha sa mga mata ko. Agad akong umiwas ng tingin at nagtaklob ng mukha gamit yung braso ko.


*sob*

“hmm..” pinipigilan ko talagang ilabas yung sakit. Pero.. hindi ko talaga kaya..

Maalala ko lang nung gabing yun. Umiiyak si Nadiel. Iniiyakan niya si ms. Lei lan. Uwah! “hmm..”

“Wag mo ng pigilan. Okay lang. makikinig ako.” Hinawakan ni Gavin ang kaliwang braso ko at iniharap niya ako sa kanya at dahan dahan niyang pinatong ang ulo ko sa dibdib niya.

“*sob*” ang sakit sakit talaga. Kahit ayoko, wala na talaga akong magagawa..


“I think.. I have to let him go..” humagulhol na talaga ako sa pag-iyak nung mga oras na yun.


Hindi ako pumasok sa mga sunod kong klase. Nasa field lang ako nun. Nakaupo sa may bench. Tinitingnan ko yung paligid.. nag-iisip ng desisyon. Naisip ko lang kasi, parang sobra sobra ata itong nangyayari sa buhay ko. It’s just a Love pero tingnan niyo naman kung gaano ako kaapektado. Kung gaano kadaming tao ang naaapektuhan. Kung gaano kami nasasaktan. Noon, akala ni Nadiel ang hindi pag-iwan sa akin ang solusyon sa lahat. Sasaya siya kasama ako, hindi naman ako masasaktan. Alam ko naman iyon e. Alam kong kahit na alam niyang may sakit si ms. Lei lan bilang boyfriend mas pinili niya ako. Nasaktan na rin ako. Iniisip niya na ayaw na niya akong masaktan sa pangalwang pagkakataon na magmamahal ako..

Pero mali pala kami.

Akala ko din kasi na tama ang ginagawa namin. Na mas may karapatan naman talaga ako in the first place. Na ako naman kasi talaga ang mahal ni Nadiel. Masama din kasing tingnan kung sa awa lang siya mananatili sa tabi ni ms. Lei lan. Pwede namang magkasama kaming tumulong kay ms. Lei lan a. Pwede namang hatiin ni Nadiel ang oras niya samin.. I’m fine with it. Pero nakalimutan kong.. MAHAL RIN NGA PALA NIYA SI NADIEL. Na masakit nga palang makita ang taong mahal mo na may kasamang iba. Na may minamahal ito. Mas lalala lang ang lahat. Mas magiging masakitin lang si ms. Lei lan. At alam ko.. MAHALAGA rin si ms. Lei lank ay Nadiel. Sa totoo lang, ako ang selfish dito.

Alam ko masakit, masyado ko kasing minahal si Nadiel. UNFAIR KASI TALAGA NG PAG-IBIG. Bakit ganon.. ANG DALI MAGMAHAL, PERO ANG HIRAP MAKALIMOT.


“Arkin?” agad naman akong tumayo. Pinilit kong ngumiti. Ngumiti rin naman siya.

Umupo naman siya sa tabi ko. “Bakit nga pala gusto mo akong makausap?”

“Kamusta na daw si ms. Lei lan?”

Siya kaya? Kamusta naman kaya siya? Galit pa rin kaya sa kaniya yung mga tagaMO? Yung mga kaibigan niya dun?

“Ewan ko.. hindi ko inaalam ang mga bagay gaya niyan.” Nainis ako sa sinagot niya.

“Anong sinasabi mo! Bakit ka ba nagkakaganyan!?”

“Mas mahalaga ka sakin. Ikaw yung mahal ko. Bakit naman ako titingin sa ibang babae.. bakit naman ako mag-aalala sa ibang babae..” hindi ako nakapagpigil at ginrab ko yung damit niya papalapit sakin. Pero hindi parin siya tumitingin.

“PROBLEMA MO! Alam ko namang nasasaktan ka e! Alam kong nahihirapan ka kung sino ang pipiliin samin ni ms. Lei lan! Alam kong gusto mo siyang puntahan at alagaan! Alam kong SINISISI MO ANG SARILI MO!!!” napalakas masyado yung huli kong sinabi. Tumulo yung mga luha ko.. pero nakatungo ako.




“Let’s break-up..” hindi ko na napigilan at napahikbi na ako.

Pero nagulat naman ako sa sinagot niya..






“Okay..” agad akong tumingin sa kaniya. Nakatingin na siya sakin. Sa mga mata ko. At MAS LALO AKONG NASASAKTAN!

“ano?” dahan dahan niyang binawi ang pagkakahawak ko sa kanya. Lumayo siya.. and still nakatingin pa rin sakin.


“Pagod na nga ako. Hirap na hirap na ako.. Nasasaktan na talaga ako.. this isn’t me.” Tumungo siya. Pero nakita ko yung mga likido na pumapatak na panigurado galing sa kanya. “..I know this isn’t right. To hurt you.. to make you cry.. Pero hindi ko kayang basta na lang hayaang mamatay ang taong yun. She’s part of my life. Kung walang Lei lan.. walang Nadiel na nasa harap mo.

Arkin.. thank you and I’m sorry..” tumayo naman siya at umalis.


Nung mga oras na yun. Isa lang ang pumasok sa isip ko.. ‘TANGNA AYOKO PALANG MAWALA ANG TAONG ITO!!!’

Kaya tumakbo ako at niyakap siya sa likod.

Iyak ako ng iyak..





“Arkin..”

“Mahal na mahal kita Nadiel! *sob* Mahal na mahal na mahal na mahal—“

“Please bitawan mo na ako..”
“hmmm.. ayaw.. mahal kita.. Nadiel...”



“I’m sorry.”




With that line.. dun na natapos ang love story namin ng lalaking pangalwa kong minahal.. bukod sa Papa ko a. :P


Pero seryoso. Pagkatapos nun. Iyak lang ako ng iyak sa bahay namin. Oo umuwi na ako. Kakapalan na ng mukha kung mag-i-stay pa ako diba?!



2 days after that.. is the START OF MOVING ON. :))
HTML Comment Box is loading comments...