1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 71

2 araw na ang nakakalipas. Kahit hindi pa talaga ako okay, kailangan ko pa ring pumasok. Or should I say kailangan kong magpanggap.. Kailangan kong ipakita kay Nadiel na okay na ako. Na kailangan naming maging okay para na rin saming dalawa. Para hindi siya mag-alala..

Sinuklay ko buhok ko at naisip ko namang magpagupit. Tama! Bago ako pumasok nagpagupit ako ng buhok.


Yung first subject na napasukan ko ay yung na magkaklase kami ni Gavin. Umupo ako sa vacant chair. Wala pa siya. Kaya naisip kong gumawa muna ng ass. sa iba kong subject.

"ah sorry." may nakasagi naman sakin kaya nalaglag ko yung bag ko. Agad kong kinuha yun..

"Miss. Iyo rin ba ito?" napatingin ako sa nagsalita at..

"Gavin!!!" nanlaki naman ang mata ni Gavin. Haha ang cute niya :D

"a-Arkin?" agad kong inayos gamit ko at tumayo.

"Ito naman parang nagpagupit lang ako ng buhok!"

"Wuy! Si Arkin bagong gupit! Ayiii~" sabi naman nung mga nakapansin. Napakamot naman ako sa batok sa hiya.

Napansin ko naman na nakatingin pa rin si Gavin. Pagtitripan ko pa sana siya kaso biglang dumating yung prof. namin.

Nagquiz nga kami nun e. At talagang wala akong alam. Mabuti na lang kita ko yung sagot ni Gavin. Haha atleast nakapasa ako. Hahaha. Pero nung magtime hindi pa man ako nakakapag-ayos ng gamit ay nakaalis na si Gavin. Hindi ba niya napansin na nandito pa ako?! Kaya naman agad na akong tumakbo kahit na hindi pa ayos ang gamit ko.

"Oh hinay hinay." sabi nung isa kong kaklaseng lalaki. Narinig ko pa na nagtawanan sila pero di ko na pinansin. Agad ko kasing hinabol si Gavin.


"Wuy Gavin!" bilis bilis pa niyang maglakad. Mabuti na lang naabutan ko siya.


“Ancharapchalaga!” ang sama ng tingin niya sakin habang nginingitian ko lang siya habang kumakain ako. Hahaha natatawa ako sa reaction ni Gavin.

“Bakit ka ba nandito?” actually sinundan ko siya. Alam ko naman na dito yung favourite tambayan niya e.

Sinundot ko naman siya sa tagiliran. “Ito naman! Bakit ba init ng ulo mo!” kumagat uli ako ng sandwich.


“Bakit ka umalis?” bigla akong kinabahan. Napakagat ako ng labi.

Tumalikod ako sa kanya, nagkunwari ako na may hinahanap sa bag ko. “Pinapauwi na kasi ako samin. Nasaan na ba yun?..” ayokong ipakitang hindi pa rin ako okay. Sino naman kayang makakapagmove-on ng ganong kabilis no.. shet naiiyak na naman ako. Hanap hanap. Kalkal kalkal. Paano ko ba maiiwasan si Gavin. Paano ko ipapakita sa kanya na wala na akong pake. Na okay lang sakin lahat.


“Alam ko na lahat.. na..





Break na kayo..” hindi ko na napigilan at pumatak na mga luha ko. Shet! Kaya naman kinuha ko yung isa sa mga notebook ko. Pinunasan ko yung mga luha ko.

“Hehehe. Oonga e.” I try to smile para hindi niya mahalata. Hindi ko naman pwedeng iwasan ang tanong niya. Mas mahahalata lang niya ako. Act. Magpanggap ka Arkin na hindi ka sobrang nasaktan. Na hindi ka magpapakita ng kahit na anong bahid ng kahinaan. “Pero okay na yun. Kalimutan na lang natin okay!” kumain na lang ulit ako. Hindi ko aalahanin. Ayoko ng alalahanin!

“Kahit sa akin lang oh, Arkin. Sabihin mo sakin yung nararamdaman mo..” nung sinabi niya yun. Nung lumapat ang kamay niya sa mga balikat ko. Hindi ko alam.. pero automatic na pumatak ang mga luha ko. Mabuti na lang agad din akong tumayo.


“Malapit ng magtime, nakaduty nga pala ako! Sige!” tinaas ko kamay ko at agad din akong tumakbo pagkatapos nun


Iyak ako ng iyak. Pagtungkol dun na, hindi ko na magawang hindi maging emosyonal. Masyado ko kasing minahal si Nadiel. At ang mas masakit ganon ganon pa ang nangyari samin. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin malaman ang dahilan kung bakit sa dami dami ng tao sakin pa kailangang mangyari ang mga bagay na ito!? Na bakit sa pangalwang beses na magmamahal na nga lang ako kailangan talaga na masaktan ako! Ano bang nagawa ko..

Bakit..


Bakit ang unfair niya.? *sob*


Pagkatapos ko sa duty ko, naisip ko na umuwi na. pero maya maya may tumawag sakin. Nang tingnan ko.. unknown number??? Nagtaka ako.. pero sinagot ko pa rin.

“hello?” walang sumagot.

Biglang pumasok sa isip ko si Nadiel.. baka gaya ko.. nasasaktan din siya.  Na nag-aalala na siya.. hindi na lang ulit ako nagsalita. Pero nagkamali ako..

“Hello!? Arkin, andyan ka pa? Si Bret ito. Pasensya ka na hindi agad ako nakasagot.. Arkin!?” si Bret pala ang tumawag. Wala nga pala akong number niya.

Umiiyak na naman pala ako. Akala ko si Nadiel.. bakit pagdating kay Nadiel nagiging mahina ako. Ang sakit sakit talaga.. *sob*

“Ikaw pala Bret.”

“m-May sipon ka? May sakit ka ba?” antagal ko na din hindi narinig ang boses ni Bret. Ayos na kaya siya? Ayos na kaya kami?

Medyo napangiti ako.

“Wala ito. Hehe. Bakit ka nga pala napatawag?” pumasok din sa isip ko kung saan niya nakuha number ko pero hindi ko na itatanong. Okay naman na sakin e. Siguro naman nagmove on na siya.

“Ahh.. tungkol dyan. Pwede ba tayong mag-usap? Magkita? Alam mo na.. sa makalawa kasi..” nagtaka ako sa mga sinasabi niya. Bukod pa putol putol na pagsasalita niya, binibitin pa niya ako. Kaya inisip ko na lang kung anong meron sa makalawa..

“Uhm Arkin.. hmm paano ko ba ito sasabihin sayo. Kasi.. ano.. alam mo na.. ang totoo niyan..” hindi ko iniintindi sinasabi niya. Wala naman kasing clues sa sinasabi niya. Atsaka ano bang kinahihiya niya sa sasabihin niya?

“Ano ba kasi yun Bret?” hindi ko na talaga maalala.


“Uhh.. hmm.. Arkin..


Saka na nga lang!” binabaan niya ako. Aba? Ano bang problema niya!?

*sob* Pero buti na lang at tumawag siya. Nakalimutan ko tuloy yung tungkol kay Nadiel. Mabuti na lang din at hindi ko nakikita si Nadiel dito sa campus. Mukhang.. kasama na niya si ms. Lei lan.


Maaga akong umuwi. Nanonood ako ng tv ngayon ng malipat ko sa isang channel yung tv. About make-up’s ang pinag-uusapan nila at sari saring pagpapaganda. Nung mga oras na yun, naisipan kong pumunta ng mall.

Nag-widraw ako sa bangko. Malaki laki na rin ang naipon ko. At dumiretso rin ako sa mall. Tumingin tingin ako ng mga make-up. Pero sa totoo lang hindi ako marunong kung paano tapos nakakahiya pa dun sa saledslady. Hahaha. Natatawa nga ako e. parang gusto ko ng umalis pero nakakahiya!


“Arkin?” napalingon ako sa tumawag sakin.


Mabuti na lang at si Ritchel ang pumili nung mga make up’s para sakin. Antagal na namin din di nag-uusap. Tapos tinuruan na din niya ako kung paano gamitin.

“Alam mo Arkin, ang ganda ganda ng buhok mo. Bagay na bagay sayo. May nakapagsabi na ba sayo? Buti nagpagupit ka ng ganyan. Ang cute mo! Lalo na kung matututo kang magmake-up.” Ngumiti naman ako.

“Wala pa e. Hindi ba ako mukhang lalaki? Ang ikli kasi sobra e.” iling siya ng iling. Nakakunot pa niyang sabi!

“Ang cute nga e. Feeling ko tuloy gusto ko na din magpagupit ng ganyan! Hihi~ so totoo pa lang kayo ni Nadiel Fortalejo. Kaw a! Ang bongga mo teh!” humigop naman siya nung juice sa straw. Medyo nanahimik ako sa sinabi niya kaya uminom na lang din ako.

“Nagpapaganda ka masyado. Sa bagay kung ganon naman talaga boyfriend mo e. alam mo pinapahanga mo talaga ako e!” tuwang tuwa siya. Pero ako.. nararamdaman ko na naman yung sakit.
HTML Comment Box is loading comments...