1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 72


Dahil pugto na naman ang mga mata ko nag eye liner na lang ulit ako. Kahapon nakaeye liner din ako. But this time magmemake-up na din ako. Habang naglalagay ako ng foundation naalala ko naman ang sinabi ni Nadiel, '..para sakin lahat ng nakamake-up pareparehas lang.' Naglagay naman ako ng blush on. Gusto kong magbago. Gusto kong ipakita na kaya ko 'to.

Gusto kong makita ako ni Nadiel na ganito. Hindi ako galit sa kanya.. pero bakit parang sinisisi ko siya. *teardrops* Parang may part sakin na nagdududa sa kanya. May part sakin na takot na takot sa kanya. *sob* Ang sakit kasi talaga. Ang sakit sakit parin. Namimiss ko siya. Ang mga yakap niya. Lahat ng ginawa niya sakin. Hanggang ngayon malinaw na malinaw pa rin sakin ang lahat ng nangyari. *sob* Mas masakit ito.. ayoko na. Ayoko siyang kalimutan. Gusto ko siyang ipaglaban pero..

"uwaaa *sob* " wala na akong lakas. Hindi ko na kaya.. Bakit kasi kailangan pa talagang magyari ito.. *sob*

"Arkin anak? Okay ka lang ba?"


Umiyak na naman ako. Walang tigil. Parang akong pinapatay ng sakit. Hanggang sa nag-abcent na lang ako. Hindi ako nakakain nung araw na yun. Nakatulog na lang ako sa kaiiyak ko. Tapos pagmagigising ako makikita ko lang yung kwintas pati na yung cp chechekin ko kung natext siya. Parang akong baliw! Tapos iiyak na naman..


"Ang sakit ng ulo ko. Ng mata ko. Agh!" naglalakad lakad ako ng may masagi naman ako.

Nagsorry din naman aga ako tapos napansin ko pa na nagdedecorate na sa school ng mga christmas decoration. Magpapasko na talaga. Malapit na din ang xmas break.


Nagrereview ako ngayon dito nasa pool habang nagju-duty. May quiz kasi kami mamaya tapos ganito pa. Agh talaga..

"Ate! Ate"" agad ko namang hinanap ang boses nung tumawag sakin. "Turuan mo naman kami maglangoy o." agad naman kong tumayo. Nagtaka naman ako dahil tumatawa sila?

"Gets mo ba?" nakangiti siya habang tumatango. Cute na sana pero naiilang ako. Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ang galing mo namang tutor."

"Hehe." gusto ko ng bumitaw sa kanya. "Kaya mo na ba?"

"Kung dun naman kaya sa mas malalim--"




"SI GAVIN!!!"

Naagaw naman ang atensyon ko nung sumigaw. Kaya walang pagdadalwang isip na iniwan ko yung kasama ko at agad na pumunta dun kay Gavin.


"*ubo**ubo*"

Nakikita ko si Gavin na ubong ubo habang papalapit ako sa kanya na may dala dalang tubig. Nakikita ko pa yung ibang mga babae na nagtitinginan sa kanya. May iba pang halatang kinikilig sa kanya. Haha

"Oh." inabot ko yung tubig. Namumula niyang tinanggap. Haha. Nahiya siguro, kalalaking tao di magaling maglangoy.

"Aww pogi niya talaga!"
"Makapagscholar na lang kaya para makapagduty din ako sa section nila. Tapos ako na lang din magturo sa kanya. Nakachansing pa ako!"
"Kumuha ka na lang ng slot na gaya sa kanya!"


Hahaha natatawa ako. Maappeal din pala itong si Gavin. Oo cute siya at gwapo pero kaylanman di sumagi sa isip ko na ganito kadami nakakapansin sa kanya.



"Tinatawa tawa mo? Tss. Di kaya nakakatuwa." rinig din pala niya.

"Buti nga di sila naturn off. Bulok mo kasi"

"Yabang. Buti nga ginawa ko yun para malayo ka kila Edward.." medyo di ko narinig sinabi niya? Pero pagkakaintindi ko sinadya niya daw.

"Trabaho ko yun.."

"Tss. Trabaho trabaho! Iba na ngayon no.. nagbago ka na.." tiningnan ko uli siya. Pero di naman siya nakatingin. “Alam mo.. gumanda ka..” nagulat ako sa sinabi niya. Muntik na akong kilabutan.. flattered?

Pero mas nagulat ako sa sunod niyang tanong..


“..talaga bang titigilan mo na si Nadiel? Kakalimutan mo na ba siya?” this time nakatingin na siya sa mga mata ko. Parang binabasa niya yung totoo kong nararamdaman. Mabuti na lang tinawag na siya nung prof. nila.


Habang nakaalis na yung mga iba niyang mga kaklase. Ako naman papaalis na din, tinitingnan ko kung asan na si Gavin kaso mukhang nakaalis na. Tapos napansin ko pa yung tatlong lalaki kasama yung Edward na tinuturuan ko kanina na parang may pinag-uusapan.

“..ano naman kayang meron at pinatulan siya?”

“Ewan ko tol. Pero astig no!”

“Try ko rin kaya. Para malaman ko—“ nahuli naman nila akong nakatingin kaya agad din akong umiwas.


“Ate! Sandali!” agad naman akong lumingon at tumigil sa paglalakad. Ngiting ngiting lumapit sakin yung Edward.

“Pwede ko bang makuha ang cellphone number—“ bigla namang tumunog yung phone ko. Pagtingin ko tumatawag pala si Bret. Nagmissed call siya tapos nagtext na pupuntahan daw niya ako.

“Pasensya na. pero kailangan ko ng umalis.”


Agad naman din akong umalis. Narinig ko pang sinabi nung isa niyang kasama na ‘sayang’ daw? Sayang saan?

Nakita ko naman si Bret na naghihintay dun sa tagpuan namin. Kaya agad akong lumapit.

“Wui.” Lumingon lang siya sakin ng nagtataka look. “Hoy! Problema ng tingin mo a!” tapos bigla siyang nagulat.

“Arkin!?” hinawakan niya ang mukha ko. “Bakit nagpagupit ka ng buhok.!?” Namumula niyang sabi. Hinawakan ko nman siya.

“b-Bret..” bumitaw naman siya agad.

“Ang cute mo.” Ngiting ngiti niyang sabi. “Bagay sayo yung new look! Pero.. bakit nagmemake-up ka na?” ngumiti na lang ako.

“But anyways, malapit na nga pala ang birthday ni mama. At sa totoo lang.. hindi ko pa nasasabi sa kanya na break na tayo. Pasensya ka na


.. Sorry.." nahihirapan din pala siya.

"Hindi ko pa rin naman nasasabi.." kinamot ko ang batok ko sabay tawa.

"Haha. Paano yan, so kailangan nating magpanggap? Pero paano si Nadiel? Di kaya magalit siya?" umiling na lang ako. Kung alam mo lang Bret na wala na kami ni Nadiel.


Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin, nagkita uli kami ni Bret. Punta kaming mall pagkatapos. Bibilhan namin ng regalo ang mama niya yun kasi ang nakagawian namin nung kami pa. This time ang binili namin ay cactus. Mahilig din naman kasi si Auntie sa halaman.

Pumunta kami sa bahay pagkatapos para ipaggawa din si Auntie ng cassava cake na sila mama at papa naman ang magbibigay. Tumutulong lang kami ni Bret. Ganito kami at ganito sila mama at papa  kay Bret at sa pamilya nito. Mabuti na nga lang at hindi kami nahalata. Wala naman kasing nagbago. Ganon parin.


Kinabukasan naman napagdesisyunan namin ni Bret na sabay ng pumunta sa bahay nila. Kasabay nun ang pagbabalik daw nila ms. Lei lan at Nadiel. Pero di ko pa siya nakikita..

"Diba sila? Pero bakit iba ang kasama?"

Naglalakad  ako ngayon sa may pathway papunta na ako kay Bret pero naririnig at napapansin ko ang mga taong nakaalam na ng pagbabalik nila Nadiel na pinag-uusapan ako. Dahil nandyan na sila at may ganong isyu pa sa pagitan nila ms. Lei lan at Nadiel, alam kong hindi maiiwasan na hindi ako makasama sa usapan. Kaya kung maaari binibilisan ko ang paglalakad.

"Ang alam ko may nangyari daw nung party. Nag-away daw sila Nadiel at Bret?"

Excuse me! Di sila nag-away! Letcheng chismis yan!

"Ang landi a! Talagang mga model punterya niya! Kakainis bakit si Nadiel pa kasi!"

"Ang b!tch. Ang kapal talaga ng mukha!"

"Ang feeling! Nakakairita talaga!"

Kahit saan ata ako dumaan puro ganyan naririnig ko. Nakakapantapak ng pride. Siguro magiging masaya sila pagnalaman nilang wala na kami ni Nadiel..


Agad naman kaming umalis ni Bret. Sa loob ng kotse may nasabi siya..

"Nagkita na ba kayo ni pres.. I mean ni Nadiel?"

"Ang totoo niyan Bret..--" bigla namang may tumawag sa kanya.

Hindi tuloy ako nagkachance sabihin sa kanya ang totoo. Kahit na alam kong malalaman at malalaman din niya ang totoo.

Pagdating namin sa bahay nila madami na agad bisita. Kiniss pa ako ng mama ni Bret at tuwang tuwa pa ito. Namiss ko din si Tita pero di ko akalain na ganito niya ako namimiss. Hawak niya ako sa waist at paulit ulit na pinakilala sa mga kumare niya. Ako daw ang mapapangasawa ni Bret tapos si mama at papa daw mga future balae niya. Di pa ako bibitawan ni Auntie kung di pa ako kukunin ni Bret.


"Pasensya ka na kay mama, Arkin." agad naman akong uminom ng tubig para makapagsalita.

"Ahehm! Nu ka ba Bret! Okay lang yun. At least masaya si Auntie." napatingin pa ako kay Auntie, masaya itong nakikipag-usap kayna mama. "..pero hindi pwedeng itago natin ng matagal na wala ng tayo. Madidisappoint sila.." hindi ko maimagine kung paano magagalit sila mama at papa sa mga kalokohan ko.

Tinago ko sa kanila na wala na kami ni Bret. Tapos.. wala pa silang alam na wala na rin kami ni Nadiel. Na naging boyfriend ko ang anak ng isang Fortalejo.

"Musta na nga pala kayo ni Nadiel.?"

Napatigil ako sa pagkain. Siguro ito na yung tamang oras para sabihin ko kay Bret. Ngumiti ako.

"Ang totoo niyan, Bret..




..wala na kami ni Nadiel."
HTML Comment Box is loading comments...