Nandito ako ngayon sa pool. As usual. Ako muna ang nagduty since vacant ako
dahil sa unang class wala yung prof. namin. After that pumunta ako sa isa sa
mga bench na tahimik yung atmosphere at presko para gumawa ng mga assignments.
Andaming asikasuhin, last project. Ang daming ingredients ek-ek. Kakapagod sa
kitchen. In the first place bakit pa kasi ito pang napili kong course. Andaming
arte. Tapos ang gastos. Sa finals pa namin magba-bartending kami. Aww..
Isang klase naman ang lumipas. Tas break. Lunch ko na. Madami dami na ang
tao sa cafeteria nun.
"Waaa narelease na pala ang magazine nila! Ang ganda!!!"
"Ang gwapo talaga ni Nadiel!!! Kakagigil teh!"
"Ang galing talaga. Ang gaganda at ang gagwapo nila. Galing pa ng
effects. Kung makikita ito ng lahat sigurado dadami ang estudyante ng
FMU."
"They brought the best we had here on our campus. Ang galing nila
magdala ng mga uniforms natin!"
Puro compliment ang naririnig ko. Magaling lang talaga si Nadiel sa
pag-oorganize. Kung alam lng nila kung gaanong kalaking hirap ang ginagawa ni
Nadiel sa project na yan. Mahal na mahal niya talaga ang pagmomodel.
Nag-Angelos naman kaya nagsign of the cross ako. Pero pagkatapos nun
madaming nagulat na biglang may pahabol ang mga taga CO. Special announcement?
At halos lahat ng atensyon ay nakuha nila. Kahit ako na ayaw sana mangielam..
"MERRY CHRISTMAS NGA PALA MGA FRANCHES!!!"
"Speaking of christmas, uso na naman ang mga SMP. It's either samahan
ng mga malalamig ang pasko o maiinit na pasko! Eeee ikaw ba kapaterz, ano bang
status mo?"
Ganito ang mga taga CO pag-on air. Parang dj's lang sa radio. Kung maririnig
niyo sila mapapahanga kayo sa boses nila. Sikat din kasi sila since sila ang
nagbibigay ingay sa buong campus.
"Aba aba aba! In a relationship ako!"
"Di ka naman kaya iwan ng boyfriend mo!"
Narinig ko pa yung iba na naiingayan. May iba na tuloy sa pagkain gaya ko o
kaya wala talagang pakealam. Haha
"Hoy di ako gaya ng ibang babae dyan na iiwan na lang ng boyfriend no!
Pero alam mo may iba na kapag iniwan ng bf nila, naghahabol pa sila!
EWWWW!!!"
Ewan ko ba.. pero ang weird kasi nakarelate ako..
"Ano ka ba! Yan ang tinatawag na 'KASAKLAPAAN SA PAG-IBIG!'"
"Saklap agad! Di ba pwedeng malas muna. WAHAHAHAHA!"
"Speaking of saklap and malas or what we called broken hearted. CHOSSS!
Nu connect. Wahaha. Pero eto nga, may nagpadala samin ng video at dahil
connected siya sa topic natin..
Let all Franches here this!:"
At nung simulan na nila iparinig yung video. Lahat ay napahinto, lalo na
ako. Mismong kutsara ko nailaglag ko. Kasi.. ang video na yun ay..
'Mahal na mahal kita Nadiel!'
'Please bitawan mo na ako..'
'Hmm.. ayaw.. mahal kita.. Nadie!'
'I'm sorry..'
Bigla akong nanghina. Yung mga tao, nagsimulang magtinginan sakin. Ang
sasama ng tingin nila sakin. Parang gusto kong maging bula sa mga oras na ito.
Gusto kong pumutok sa sobrang kahihiyan. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng
puso ko. Para makaiwas, dahan dahan kong kinuha ang kutsara ko. Pero napatigil
ako nung magsimula silang magbulungan..
"KAPAL TALAGA NG MUKHA!!!" pinariringgan talaga nila ako. Dahan
dahan kong nilagay ang kutsara ko sa tray ko--
*SPLASH!!!*
( O.o) nagulat na lang ako nung may biglang nagbuhos sakin ng tubig.
"Wuy!" pagpigil nung kasama niya.
"Ano! Kapal mo rin no! Mabuti na lang naisipang makipaghiwalay ni
Nadiel sayo! Pwede ba TIGILAN MO SIYA!"
Basang basa ang mukha ko. Pinunasan ko ang mukha ko gamit lang yung kamay
ko. Naiiyak na ako.. Gusto kong umiyak sa sobrang takot..
On air: 'Aww ang gwapo at ang hot naman kasi ni Mr. Nadiel
Fortalejo. Di na nakakapagtaka kung bakit madaming naghahabol sa kanya!'
'Ayy naku! Ano ba namang video yan! Di na nahiya yung babae! Gagawa gawa
siya ng ganyang eksena! Haller!!! Poor ang school natin walang cameras!! Ayy
naku!!!'
'Mabuti na lang nakipaghiwalay na sa wakas ang ating pinakamamahal na
Nadiel. Sino nga namang papatol sa ganyang klase ng babae!'
Sabay sabay silang nagtawanan. Lahat sila pinagtatawanan ako. Konti na lang
talaga at maiiyak na ako.. kailangan tiisin ko para hindi ako magmukhang
talunan..
"Ngayong break na kayo ni Nadiel iniisip mo na magpaganda! Para ano!
Para makasungkit uli ng mga lalaking kagaya ni Nadiel! Landi mo ah!
Pokpok!" lumapit yung nagsalita at tinulak ang noo ko. Sabay sabay silang
nagtawanan. Gusto kong magalit pero di ko magawa. Ang dami nila.. *sob*
"Aww iiyak ka na ba? Ikaw naman kasi. Isa ka lang namang commoner e
tapos dito ka pa papasok. Ano ka!? MalaJANDI!"
"Hindi ito teleserye girl! HAHAHAHA"
"Hindi ito teleserye girl! HAHAHAHA"
Tawanan dito, tawanan dun. Sinubukan kong tumakbo pero may tumulak sakin.
"Mabait pa nga yung school sayo e! Kasi di nila hinahayaang may
nambubully dito! Pero sana naman ilugar mo yung sarili mo!" sinampal naman
niya ako kaya napaupo ako.
Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Iyak ako ng iyak. Napatungo na ako.
Tangna ang sakit ng mga sinasabi nila! Hindi naman ako mahina e.. pero dahil
tungkol kay Nadiel ito wala akong magawa. Ang sasakit ng mga sinasabi nila
kahit na wala naman talaga silang alam.. *sob* Sino ang tutulong sakin? Sino!?
"Ano tumayo ka--"
"ARKIN!!" narinig ko ang boses ni Bret pero..
"Sh!t Okay ka lang ba, ms. Kin?" si Gavin ang lumapit sakin. Agad
niyang hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko gamit yung hinlalaki
niya. Hinubad din niya yung pandoble niyang soot at ipinatong sa katawan ko.
Inalalayan niya ako--
"Ngayon si Gavin Tae naman! Anong klaseng babae ka bang tala--"
nagulat naman ako ng biglang hinawakan ni Gavin yung braso nung babaeng nagsalita.
Nanlilisik ang mga mata niya. Parang gustong gusto niyang pumatay ng tao nung
mga oras na yun. Lalo akong natakot. Pipigilan ko sana siya kaso dumating si
Bret at ang mga teachers at guards.
"STUDENTS WHAT'S GOING ON HERE!!?" may lumapit pang teacher kay
Gavin at nilayo siya sa pagkakahawak dun sa baae. But still masama pa din ang
tingin niya dun sa babae.
"Ang sakit po.."
"Ano ba talagang nangyayari dito? Kayo bakit hindi niyo agad nakita
ito! At kayong mga nakaincharge sa cafeteria bakit hinayaan niyong mangyari
ito!" sabi ng isang teacher sa mga guards at sa mga tindera na nandito sa
cafeteria.
"ALL OF YOU! GO BACK TO YOUR CLASSES!"
"We'll make sure na wala kaming palalagpasin--" hinawakan ni Bret
ang balikat ko nang bigla namang sumigaw si Gavin. Galit na galit parin siya.
"ITO ANG TATANDAAN NIYO! Wala kayong karapatang manghusga dahil
hindi niyo naman alam ang katotohanan!!! Subukan niyo muling galawin si Arkin,
magkakasubukan tayo.." hinawakan siya ng isa sa mga prof. para
tumigil na pero binalewala lang niya ito at agad na lumapit sakin at inakbayan
ako at hinila kung saan. Nakalimutan ko tuloy na kasama namin si Bret.
Dinala ako ni Gavin sa lugar na walang tao. Binitawan naman na niya ako.
Nagpasalamat ako sa kanilang dalwa pero biglang pumatak ang mga luha ko
hanggang sa di ko na nakaya at umiyak na ako ng tuluyan.. napaupo ako at hikbi
ng hikbi.. *sob*
"Ang sakit sakit! Ang sakit sakit ng mga sinabi nila! *sob* Takot na
takot ako.. ayoko na.. Ayoko na dito!" umupo naman din si Gavin at niyakap
ako.
"Gavin. Wala silang karapatan! Kailanman hindi ko nilandi si Nadiel.
Hindi ko siya inakit.. hmm p-para iwan si Bret! Wala silang karapatang sabihin
sakin ang mga yun! Uwaaaa.. *sob* Hindi ako ganon. Hindi ako iniwan ni Nadiel.
Kasi alam kong mahal niya ako! Mahal namin ang isa't isa Gavin. Hmm.. pero
hindi alam ng lahat na kailangn naming maghiwalay dahil hindi pwedeng maging
kami.." iyak ako ng iyak. Hindi ko na talaga kaya. Gusto kong ipagsigawan
ang katotohanan. Ayoko ng ganitong feeling, na paulit ulit kang hinuhusgahan ng
mali.
Mahal ko si Nadiel. At alam kong minahal niya din ako!