1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 74


Pagkatapos nun, inuwi muna ako nila Gavin at Bret sa bahay ko. Hindi sila umaalis hangga't hindi ako nakakapasok sa loob ng bahay. Ramdam ko ang pag-aalala nung dalwa. Si mama at papa naman ay napansin din na parang may problema ako. Kaya imbis na tanungin nila ako sa nangyari, hinayaan muna nila akong mapag-isa.

Kinabukasan naman, tinext ako nila Gavin at Bret. Oo paraehas silang nagtext sakin. Ganon din si Ritchel. Kahit papaano pala may mga nag-aalala parin sakin. Sabi ni Gavin na aayusin daw agad niya yung mga nangyari. Di daw niya hahayaan na magtagal yung mga ganong bagay, at wag na rin daw ako pumasok muna. Ganon din sinabi ni Bret na wag muna daw akong pumasok. At nangangamusta lang naman si Ritchel. Pero dahil makulit ako, sinubukan ko pa ring pumasok.

Gaya ng inaasahan ko, nagtitinginan pa din sakin ang mga tao. Nagbubulungan parin sila. Kung maaari hindi ko sila tingnan pero napapansin ko parin sila. Nararamdaman ko pa din yung takot at kahihiyan. Maaga na nga akong umuwi kahapon kaya hindi dapat ako umuwi ngayon lalo na at nakaduty ako ngayon. Kaya sa pool na muna ako pumunta..


"Oi andito pala si Ate." napalingon ako sa nagsalita. Agad akong umahon sa tubig.

"Hi, ate." sila yung mga kaklase ni Gavin sa p.e. Tinanguhan ko na lang sila pero biglang hinatak nung Edward ang braso ko.

"Ate, isa lang oh? Pwede ba." papalapit siya ng papalapit. Nung matanto kong may mali agad ko syang sinampal.

"Gago ka a!" sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Isa lang naman a! Bakit dapat ba talaga mga modelo ang puntirya mo!" nagtawanan sila. So yan pala ang ibig sabihin nila. >:(

"Hindi naman talaga kagandahan! Hahaha."

"Pero pwede na din. Cute naman na siya e. At.." sabay tingin sakin ulo hanggang paa.

Hindi na ako nakapagpigil at nasuntok ko na yung Edward.


*BLAG*


"The fuck?!" hindi na talaga ako nakapagpigil. Naniniklop ang mga kamao ko sa galit.

Tumayo naman siya nang may konting dugo sa labi, "..gusto mo ng sakit a--" sinipa ko naman sya sa tut niya bago pa niya ako mahawakan.

"Ang ayoko sa lahat ay yung manyak! Tangna papatulan ko talaga kayo pagganyanan na ang usapan!" papatulan ko din sana yung dalwa pero nakatakbo na sila.

Agad kong kinuha ang gamit ko at nagsoot ng shirt. Aalis na sana ako..

"..matapang ka lang kasi alam mong malakas ang kapit mo sa kaniya. Tomboy!" lumingon ako sabay belat sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay niya at halos mamilipit sa sakit.

Pero sa totoo lang masakit ang kamay ko. Langyang tigas ng mukha nun! Naglalakad ako, panay ang tingin sakin ng marami. Sige na ako ng madumi. Shet a ayoko ng umiyak! Di ko sila iiyakan kahit na natatakot pa din ako. Ayoko namang sayangin ang paghihirap nila Gavin. Dededmahin ko na lang ang tingin nila. Lalo na't wala na silang ginagawa??? Oo. Di na din sila nagpaparinig ng pasigaw???

Pati sa clinic, yung nagfirst aid sakin na estudyante nagmamadaling gamutin ang kamay ko. Parang takot na takot makasama ako.? Ganon ba pagbitch? Di ba dapat iniiwasan o inaaway? Err~ Bakit parang may bago???

Sunod kong klase ay fili101. Ganon din sila.. Ang tahimik pa nila. May iba na nagbubulungan pero this time parang takot na takot sila na marinig ko yung pag-uusapan nila?? Hanggang sa magtime at dumating na si Gavin.

"Bakit ka pumasok?" dumating na din yung prof. Kahit nagdadasal nag-uusap pa rin kami. Bastusan daw! Haha

"Hehe. Well, salamat Gavin. Nakikita ko naman na ginagawa mo lahat. Wala na ngang nagtatangkang lumapit sakin." lumapit ako sa kanya. "..hindi na din nila pinamumukha sakin ang kalandian ko daw, haha." kahit masakit parin sa loob ko yung mga sinabi nila. Saulo ko parin ang lahat ng nangyari.

"Pero.. wala pa akong nagagawa?"

"Eh?!" (o.O )

"Shhhh" agad naman kaming umayos ni Gavin. Kunwari nakikinig talaga kami.

"Paano nangyari yun?"

"Anong oras ka ba pumasok?"

"10." bakit? Ano ba talagang nangyari?! (O.O  )

"Hindi mo naabutan ang mga pangyayari. Tsk." mas lalo tuloy akong naintriga. Ito namang si Gavin masyado pabitin e!

"Ano nga!?" sa sobrang inis ko napasigaw na ako. Namura pa ako ng prof. Buti na lang magaling akong magpalusot.

Nakita ko naman na tumatawa si Gavin. Gago talaga. Siya na nga dahilan kung bakit ako namura. Tss

"Chill kalang ok. Haha. Ganito kasi, may sumira ng mga recording materials ng mga taga Issues Department. As in halos lahat ng mga gamit nila na ginagamit on air wasak. Pero ang maganda nito, nag-iwan ng malaking pera yung sangkot sa gulong yun. Haha. Mautak no!" tumawa naman siya. Baliw talaga siya wala kayang nakakatawa dun nakakatakot nga e. Tss ang mga mayayaman talaga dinadaan sa pera ang mga gusot na ginagawa nila.

"..pero di lang yun ang nangyari." bigla siyang sumeryoso.


Kinuwento ni Gavin sakin ang mga nangyari. Na yung mga babae daw na nagsalita sakin ng masama at yung mga malalakas na loob na gumalaw sakin, may nangyari din daw sa kanila. Yung mga nakakahiyang sikreto ng mga taong yun ay nalaman at kumalat sa buong school. Meron daw nagparitoke, may dating nagpalaglag. Basta may mga nagpaprint daw ng mga pictures nila na sa ilalim nakalagay yung mga secrets. Kagulo daw talaga nung mga oras na wala ako. Ang mga teachers naman daw ay walang alam tungkol dito dahil may nagreport din daw sa Head sa kapabayaan nila. Hangang hanga nga si Gavin habang nagkukwento siya. At isang tao lang daw ang alam niyang makakagawa nun. '..ibang klase talaga. Ang linis niyang gumawa. Akalain mo yun, nalinis niya din agad yung gulo pagkabalik mo. Saulo niya sched mo no? Haha. Handa siyang gumastos para sayo. Tss. Pero bakit ka ba talaga niya iniwan?'

Hindi ko alam Gavin kung pinakawalan ko ba talaga siya o iniwan ba niya ako. Nung sabihin ni Gavin yun mas lalo lang gumulo ang isip ko. Paano nangyari yun. Bakit ba niya ginawa yun? Sinisisi ba niya sarili niya o.. Mahal pa rin niya ako.. Bakit ba masyado akong apektado.

Naupo ako sa isa sa mga bench. Umubob ako sa mga braso ko. Hindi ko naman sinasadyang marinig ito:

"..swerte a."

"Nakita ko pa nga sila e. Iyak na iyak yung sino nga iyon? Yun gf niya?"

"Arkin daw."

"A iyon! Kasama niya si Bret at yung isa pang pogi, yung Gavin Tae na pinagtanggol siya. Basta nandun din si Nadiel.." napabangon ako nun. At napatingin sa tatlong babae na nagkukwentuhan sa likod ko. Pasimple akong umub-ob ulit at nakinig.

"Eh!? Ah ang swerte."

"Pero hindi nila ata kita si Nadiel. Kasi malayo e. Napadaan lang din ako nun, kita ko nakatingin si Nadiel dun sa tatlo. Alam niyo.. feeling ko sila pa naman e. Mahal talaga nung lalaki yung babae."

"Tsk. Ang sama talaga nung mga nangyari kahapon no, porke kasi mayayaman."

"Tuloy kinarma sila.!"

Tumayo naman ako. Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong naiyak. *sob* Ibig sabihin nakita ni Nadiel lahat? Nakita niyang nasasaktan ako! Antanga ko talaga, pinag-aalala ko lang siya! Stupid! Napakacareless ko!

Pero hindi ko pa siya nakikita.. *sob* Gusto ko siyang makita..


"Arkin?" nakita ko si Gavin. Binaba ko ang kamay ko at tiningnan siya. Iyak ako ng iyak. Agad naman siyang lumapit at pinunasan ang mga luha ko gamit yung panyo niya.

"Ginalaw ka na naman ba nila?! Anong ginawa nila sayo!?" hikbi ako ng hibki. Hinahayaan ko lang si Gavin na punasan ang mga luha ko. "..tahan na."


"Gavin! Si Nadiel! Hmm.. *sob*" napatungo ako. Hinawakan ko ang damit niya..



"..si Nadiel talaga yun. *sob* b-Bakit niya ginawa yun. bakit!?"
HTML Comment Box is loading comments...