Iyak ako ng iyak. Gets na siguro ni Gavin kung bakit. Nag-offer naman siyang
ihatid ako kaya pumayag ako. Habang naglalakad pa kami may narinig pa akong may
tumawag sakin pero di ko na napansin.
Sa bahay hindi pa rin ako mapalagay. Gusto kong itext at tawagan si Nadiel.
Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa yun. Kung nag-aalala ba siya o baka..
sinisisi lang niya sarili niya. Mas lalo ko lang tuloy siyang maaaalala.
Maya maya naman tinawag ako ni mama dahil may bisita daw ako.. Si Bret.
"Naparito ka?" panimula kong sabi. Andito kami sa may tindahan na
medyo malayo samin. Nakaupo. Konti lang din naman ang tao. Umiinom kami ng
softdrinks.
"Gusto lang kitang kamustahin."
"Tungkol dun. Tsk answerte ko nga e. Akalain mo pagkatapos nung
isyung yun may malakas na loob na ipagtanggol ako." matagal siyang
sumagot.
"..Iniisip mo ba na siya ang gumawa nun?" hindi agad ako
nakasagot. "..hindi pa rin siya nagpapakita sa org. Pero nandun si ms. Lei
lan." kung alam mo lang Bret na hindi ko pa rin siya nakikita.
"Arkin.." napatingin ako sa kanya.
..may gusto ba sayo yung Gavin?" nangilabot naman ako sa sinabi niya.
Muntik din akong matawa. Ito talagang si Bret.
"b-Bakit?"
"Kasi.. si Gavin pinsan siya ni Nadiel. Kaya aware siya sa mga
nangyayari. Bret, wag kang mag-isip ng kung ano-anu ok." natawa uli ako.
Namula naman siya. Nahiya siguro. Haha
Maya maya naman nagtext na si mama umuwi na daw ako. Kaya hinatid na
ako ni Bret.
Hindi na siya nagsasalita nun, pero napalingon ako sa kanya nung tumigil
siya at tawagin niya ako.
"Bakit?" hindi ko mabasa ang reaction niya. Parang ang daming
gustong sabihin ni Bret. Ewan ko ba kung malungkot siya.
"Arkin, nakita ko kayo. Magkasama kayo. Umiiyak ka." sino bang
tinutukoy niya. Sa totoo lang wala akong naiintindihan sa sinasabi niya.
"Tinawag kita pero hindi ka lumingon. Arkin, alam ko wala akong
karapatang magselos kasi wala na tayo. Wala akong karapatang magreklamo kasi
nangako ako sayo. Wala akong karapatang mangialam kasi magkaibigan lang
tayo.." thump.thump.thump. Kinakabahan ako sa sinasabi ni Bret. "..pero
Kin, pwedeng tayo na lang ulit?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Mabuti na
lang nagtext si mama.
"Balik na tayo Bret. Hinahanap na ako--" habang abala ako
pagsi-cellphone, nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Bret.
"b-Bret?" pero mas nagulat ako ng maramdaman kong umiiyak na siya.
"Arkin, natutunan mo lang din naman akong mahalin diba? Malay mo
mangyari uli yun. Arkin, nung makita kitang umiiyak. Tapos niyakap ka pa ng
ibang lalaki para icomfort. Yung fact na iniiyakan mo yung ibang lalaki. Kin,
ang sakit sakit. Nung makita kong umiiyak ka, naimagine ko na nasaktan na din
kita noon. Ganon pala kasakit yung fact na nakikita mong nasasaktan yung taong
mahal mo. Kin, mahal na mahal pa rin kita!
Imposible talagang makalimutan kita.
Tayo na lang oh? *sob*
Gagawin ko lahat para mapasaya ka.
Para makalimutan mo na siya..
Ako na lang ulit. Tayo na lang!" ramdam ko yung pagmamahal ni Bret.
Mahal niya talaga ako.
Tangna ang sakit! Hindi ko na talaga alam ang gagawin!
Hindi ako nakatulog ng gabing yun. Hindi ako nakasagot kay Bret, agad din
siyang umalis pagkatapos. Mukhang hindi niya talaga ako titigilan. Agh..
Last two days na lang at christmas break na. Pagdating ko ng school, nakita
ko naman si Bret na nakatayo lang dun sa gate. Akala ko ako yung hinihintay
niya nang may mga babaeng lumapit sa kanya kaya pumasok na ako.
"Arkin!" hinanap ko yung tumawag sakin. Si Bret? Nakita ko naman
na inirapan ako nung mga babae kaninang kausap siya.
"Kanina pa kita hinihintay. Buti dumating ka."
"Bakit mo ako hininhintay?" nakikita ko yung mga mata nung tao.
May narinig pa akong ganito:
'Siya na naman.'
'Shh tumahimik ka kung ayaw mong may mangyari sayo.'
Mukhang natatakot na yung marami na galawin ako.
"Okay lang ba?"
"Hah?"
"Kung pwede kang makadate bukas?" ahh yung Christmas Night. Parang
kasing pinakaparty sa lahat ng mga estudyante.
Tumango naman ako.
"Atsaka.. hatid kita mamaya ah." di pa man ako nakakasagot.
"Geh see you." nakaalis na siya.
Hala nagdesisyon ng kanya!
Wala na rin akong nagawa pagakatapos nun. Kaya umattend na lang ako ng
klase. Ang gulat ko lang nung may biglang tumawag sakin sa phone. Nag-excuse
ako sa prof. at lumabas. Nagulat na lang ako kung sino ang tumawag.
Si Ate Jave ang tumawag.