1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 76


Napagdesisyunan naming magkita pagkabreak ko daw. Pero sa totoo lang sobra akong kinakabahan. Ngayon lang ulit kasi kami magkikita. At hindi ko pa alam kung anong mga sasabihin ko sa mga itatanong niya. Mukhang tungkol ito lahat kay Nadiel.

Pagdating ko dun, nakita ko naman na naghihintay na siya. Kinakabahan talaga ako.

Nung magtama ang mga mata namin. Naging 5x yung kaba ko. Kaya naman umupo na ako.

“Kamusta ka na?” uminom naman ako ng tubig bago sumagot.

“Okay lang ako.”

“Mabuti naman..”

Umorder siya ng makakain. Pero dahil parehas kaming busog, drinks na lang inorder niya. Nung una ngiti-ngiti lang. Hanggang sa napunta na kami sa mismong topic.

"Nalaman kong wala na kayo ni Nadiel." lalong naging intense yung aura. Lalo na nung nagtama ang mga tingin na naman namin.

"Alam mo hindi talaga ako makapaniwala nung una. Akala ko.. may nangyari lang. Pero nung makita ko na okay naman na si Nadiel, naniwala na ako.


..na may namamagitan na sa kanila ni Lei lan, ang first love niya." napahawak naman ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Ewan ko, pero ang sakit sakit malaman na ganun pala.

"Akala ko ikaw na yun, na kayo na talaga.. I'm so disappointed na nangyari sa inyo ito. I know I can't blame either you or my brother. To tell you the truth I hate it pagnagbebreak ang dalwang tao. Gusto kitang sisihin kung bakit mo hinayaan yun but I know I don’t have any  right to do that.

Mahal na mahal ka ni Nadiel, maniwala ka. Kaya hindi ako naniniwala na makikipagbreak siya sayo. It's the first time na makita kong ganung kasaya ang brother ko nung mahalin din siya ng taong mahal niya." pinipigilan kong wag umiyak. Ayokong umiyak. Kilala ko si Ate Jave, nasasabi lang niya yan dahil mahal niya si Nadiel.

"But I still wanna thank you. Salamat din at nagkita tayo."

Nung umalis siya.. napatungo ako..

Pumatak ang mga luha ko.


Ang sakit din pala pagmismong sa kapatid na ng taong mahal mo nanggaling ang masasakit na salitang yun. Feeling ko tuloy.. ako nga talaga ang may kasalanan ng lahat. Na hindi sapat ang nagawa ko para ipaglaban si Nadiel. *sob*


Sabihin niyo nga,



Paano ko pa makakalimutan yung taong gusto kong kalimutan kung halos lahat ng tao!.. paulit ulit na pinapadama sakin yung sakit..


Bumalik ako sa school after that, naglagay na lang ako ng eye liner para kahit papaano walang makahalata. Asar nga lang e at ang sunod na klase ay kaklase ko si Gavin. Sana hindi niya mahalata.

Pagdating ko dun, naupo ako. Tiningnan ako ni Gavin, ngumiti na lang ako. Hindi naman niya napansin siguro na umiyak ako diba?

“Wala daw si prof. Mag-attendance na lang daw.”

Pumirma naman yung mga kaklase ko. Tatayo na sana ako nang maramdaman kong nagvibrate ang cp ko kaya tiningnan ko. Nagtext pala si Bret.

“Ako na ang nag-attendance sayo.” Tumango naman ako.

“Arkin! Gavin! Kayo gusto ninyo bang sumama this incoming 22? Pinaka-christmas party na kasi namin yun. Kayo ba may Christmas party na?” nagkatinginan kami ni Gavin. Alam ninyo kung anong iniisip naming dalwa? Yun yung bakit kami este ako kinakausap ng mga kaklase ko lalo na at may kumalat ngang rumors tungkol sakin.

Nagtaka kaming dalwa. Pero ang nakakatawa lalo ay yung magkonek yung iniisip namin. Haha parang b1 at b2. XD

Kaya nakisakay na lang kami kahit hindi kami sure sa plano nila, “Saan ba magaganap?”

“Sa Laguna. Magha-Hot Spring kami since taglamig kasi.” Nagkatinginan uli kami ni Gavin. Hindi ko sineryoso. Aba malay ko ba na baka may gusto lang silang gawing masama sakin gaya ng iba. Kaya imbes na replayan ko sila sa sagot nila. Nagreply na lang ako kay Bret.


“Kung iniisip ninyo na isa itong trap, pwes nagkakamali kayo.” Napatigil tuloy ako sa ginagawa ko. “Alam naming yung nangyari pero sa totoo lang hindi naman kami naniniwala na malandi ka Arkin e.” Napatingin naman ako sa kanila. At halos lahat sa kanila nagtangohan.

“Kahit na hindi kapanipaniwalang kayo talaga ni Nadiel Fortalejo.” Nagtawanan naman yung iba. Napataas na lang ako ng kilay sa sinabi ni Ken. Yung pinakakenkoy sa klase na’to. Ewan ko ba dito, this past few days lakas ng trip sakin.

“But to tell you the truth, hindi kami kasali sa mga babaeng yun na halos siraan at ipahiya ka. pati saktan ka.” May iba na namang nagsalita.

“Kahit iba samin nainis at nagtaka kung paano naging kayo. Alam mo na, si Nadiel yun e. Pangarap siya ng lahat! Haba ng hair mo teh a!”nagtawanan na naman sila. Feeling ko tuloy nagblush ako.

Halos lahat sila nagconfess about dun sa isyu. Asar nga lang e at ang epal ni Ken. Ewan ang kulit kasi. Hanggang sa nagsalita si Gavin na talagang naagaw ang atensyon ng lahat. Sasama na daw kaming dalwa. Haha pero kakaiba yung entry niya. Haha.

“Maya nga pala, gusto mo sabay na tayo umuwi?” tanong ni Gavin habang naglalakad kami.

“Naku hindi na ako sasabay sayo. Pero salamat din this past few days a.”

“Pero bakit? Okay lang naman sakin kahit ihatid kita e. Maliit na bagay lang yung mapagod ako at magastusan ng gasoline.” Sinamaan ko lang siya ng tingin, sabay tawa niya. Ayos din siya magjoke no. \(--v-- )/

“Kasabay ko kasi si Bret.” Nakita ko pang nagulat siya sa sinabi ko.

“Bakit siya pa!? Wag mong sabihin gaya ito ng mga napapanood ko sat v a. Na ginagawa mo siyang panakip butas para malimutan yung taong mahal mo. Since gusto ka pa rin yung lalaki!?” natawa ako sa sinabi niya. Lakas kasi ng imagination e.

“Hindi yun. Nu ka ba. At least naman diba magkaibigan pa rin kami. Wag mo ng lagyan ng malisya dahil hinding hindi ko yun gagawin. Ayoko din namang mahirapan no.” Kinindatan ko na lang siya.


After ng klase ko, naisipan ko na lang puntahan si Bret sa MO. Ewan ko ba kung bakit ako dinala ng paa ko dun. Di ko man lang naisip na nandun sila. Tama kayo nakita ko sila. At sana palang talaga, hindi ako pumunta dun.

“Arkin!” nung tawagin ako ni Bret saka lang nila napansin na nandun ako. “Ano ka ba, hindi mo naman kailangang puntahan pa ako dito. May kinuha lang naman ako e tapos pupuntahan na agad kita.” Hindi ko alam kung anong mababasa ko sa mga tingin niya. pero madali lang naman siyang lumingon sakin tapos nun binaleng na uli niya yung atensyon niya kay ms. Lei lan.

“Tara na?” sumunod naman ako kay Bret.

Habang sinasabi ni Bret kung asan yung kotse niya. At kung ano anu pang sinasabi niya na hindi ko naman maintindihan kung ano. Hindi ko kasi maiwasang hindi ibalik sa isipan ko yung nakita ko. Tss.. Nakita ko lang naman kasi silang.. ganon kaclose sa isa’t isa na animo’y parang maghahalikan. Kahit hindi naman yun ang ginawa ni Nadiel, at ang totoo hinipan lang naman niya yung mata ni ms. Lei lan kasi siguro napuwing si ms. Lei lan. Pero bakit ganon.. bakit ganito ako kaapektado.

Lalo na nung mapatingin siya sakin. Yung mga mata .



Nung moment na yun.. ramdam ko.. NA DAPAT KO NA SIYANG KALIMUTAN.
HTML Comment Box is loading comments...