1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 77


Mga 10 something na ako nagising, since mayang 6pm pa naman ang party. Oo, aattend ako since nakaoo na ako kay Bret. Inayos ko na yung mga sosootin ko para mamaya. Nakadress kasi dapat. Wala akong ideya kung anong mangyayari mamaya. Pero nasisigurado ko na may special entry ang mga taga MO, whether I like it or not. Makikita at makikita ko na naman na magkasama silang dalwa.

Nung mga 5:45 na, pinuntahan na ako ni Bret sa bahay at sinundo. Nagpaalam na kami kila mama at papa.

Pagdating namin dun, ang dami na agad tao. Dun palang sa paggaganapan nung party, kitang kita mo na  na pinaghandaan talaga ng lahat ang celebration na’to. May mga magbabarkada, pero mas madalas na ang halos lahat ay may mga sarili nilang date.

Nagsimula na yung program. Nagpaalam naman sakin si Bret since kasali din siya sa special entry ng mga MO. Partner partner sila, sila Bret at Jewel na ulit ang partner habang sila ms. Lei lan at Nadiel naman. Halatang gustong gusto ng lahat sila Nadiel at ms. Lei lan. Ang lakas ng hiyawan sa kanilang dalwa. Mabuti na lang at madilim, hindi ako napapansin ng ibang tao.

Maya maya bumalik na si Bret.

Meron din palang banda na dumating. Halos lahat nagparty party.

Nung mag 11 something, pumunta ang lahat sa labas para tingnan yung fireworks display. Ang ganda nga e. Kahit hindi ito yung first time na nakakita ako ng ganitong kagandang fireworks, nakakatuwa pa rin. Sinong bang may ayaw sa fireworks?

Tapos nagbonfire pa. Yung mga magkadate, nagsasayaw. Since mga love song naman ang mga kanta.


“Ang ganda no.” Nakikita ko rin yung mga magbabarkada na nagsasayaw. Ang saya nila kahit wala silang date.

“Oo.” Sabay subo ko nung cake.

“Gusto kitang isayaw, pero mas mabuti na itong ganito kaysa maisyu pa tayo.” Natawa na lang kaming dalwa.

Maya maya may lumapit kay Bret. Mukhang yayayain nito si Bret sumayaw. Pwede naman yun e. Tumingin lang si Bret sakin sabay tango ko. Hindi kasi pwedeng tumanggi. Ewan ko kung may iniisip yung iba sa amin ni Bret since magkasama kami. Pero kahit may iniisip naman silang masama sakin, hindi naman nila ako pwedeng galawin dahil natatakot pa rin sila sa mangyayari.

Nung makasayaw ng isa si Bret, sunodsunod na rin yung mga babaeng gusto din siyang makasayaw kaya nagdesisyon na lang akong maglakad lakad.


“AH!” may biglang sumagi sakin. Ang sakit ng pagkakabundol niya sakin, ang bilis kasing tumakbo.

“Sorry!” nagkatinginan kami.

“Eh? Gavin?” tumingin siya sa paligid. Mukhang may tinatakbuhan ata siya. Bigla naman niya akong hinigit sa kamay at dinala kung saan.

“Mr. Tae!!!”

Takbo kami ng takbo habang naririnig ko na may mga babaeng sinisigaw yung pangalan niya. Hanggang sa makarating kami sa backbuilding.

“ha.ha.ha. *pant* Gago ka ba!? Bakit mo ako dinamay!?” hawak hawak ko ang dibdib ko. Hingal na hingal talaga ako. Nakakapagod yun a. Hinubad ko naman yung sandals ko. Ang sakit sa paa, 2 inches heels din kaya yung soot ko. Uhhhgg~

“s-Sorry.. *pant*” kahit siya hingal na hingal. Naupo naman ako sa damuhan. Ganon din siya.

“p-Partner mo pala si b-Bret.” Natatawa ako sakanya. Hinihingal pa rin siya. Haha. Tamad siguro itong si Gavin mapagod. Haha

“Oo.” Nahiga naman ako. Uhh.. kakapagod.

Napatingin naman ako nung humiga din si Gavin. Tumingin din siya sakin. Ewan ko kung matatawa ako, pero bakit ganon ang cute talaga ni Gavin.

“Bakit mo naman tinatakbuhan yung mga babaeng yun? Uy, nasa rule na bawal tumanggi!”

“Ayokong sumayaw! Nakakahiya!” nakakatawa talaga itong si Gavin.

Hmm.. ang ganda ng langit. Bakit parang wala ata yung buwan??   :((

“Kapartner mo si Bret pero hindi ka niya sinasayaw?”

“Ayaw niyang maisyu kami.”


“Ang ganda nung kwintas mo. Ngayon ko lang yan nakita a.” Napahawak ako dun sa kwintas. Bumangon ako at tiningnan yun. Sana hindi ako makita ni Nadiel na soot ko ito. (--.--‘ )

“Wag mong sabihing.. kanya yan..” naramdaman ko naman na bumangon din si Gavin.

Hindi ko alam kung bakit. Pero tangna.. nasasaktan na naman ako. Alam ninyo yung feeling na kapag naririnig ninyo yung pangalan ng taong ayaw ninyong makita. Yung tibok ng puso ko.. tapos yung reality na mahal niyo yung taong yun. Na hindi madaling kalimutan yung taong yun. A-ah! Baliw na talaga ako..

Agad kong tinanggal yung kwintas.

“Ang ganda kasi talaga nitong kwintas.” Agad akong napatungo.

“May nangyari na naman ba?”

Nag-indian sit ako kahit nakadress ako sabay halumbaba, “Pinagsisisihan ko na naging boyfriend ko siya.” Nagulat naman si Gavin ganito reaction niya nĂ  (O.O )

Haha.

“Hala, bakit mo sinasabi yan!?” nakakunot na yung noo niya sabay Indian sit na rin niya.

“Hirap kasi. Andaming expectation. May nagsasabi na kami na. Pero imposible naman pala. Ano bang laban ko kay ms. Lei lan. Hindi ba nila naiisip yun?” nakikinig lang si Gavin sakin. Mukhang sineseryoso niya talaga sinasabi ko.

“Joke lang. Eto naman.” Umayos ako ng tayo.

Hinawakan naman niya ako sa braso. “Sabihin mo sakin kung ano ba talaga iniisip mo.” Umiwas ako ng tingin sa kanya sabay bawi ng braso ko.

“Nadisappoint ko si Ate Jave. At sigurado si mrs. Fortalejo. Nakakahiya ako. Ineexpect pa man din nila na ako na yung huling magiging girlfriend ni Nadiel.”

“Pero hindi naman sila ni Lei lan—“



“MAGIGING SILA!” hindi ko na naman napigilan yung mga luha ko. Agad akong tumungo. “Dun naman talaga sila pupunta.”

“Ano ba kasi talagang nangyari sa inyo ni Nadiel. Bakit ayaw mong sabihin sakin? Bakit ayaw ninyong sabihin sakin!?”hinawakan niya ako sa balikat. Pinipilit niyang sabihin ko sa kanya.

Iyak ako ng iyak. Ayoko ding sabihin kay Gavin. Mas mabuti itong ganito na wala siyang nalalaman.

Tumayo naman ako.


“Siguradong hahanapin na ako ni Bret.”


“Sana hindi tama yung hinala ko.. na ginagawa mong panakip butas ang ex mo..” napatigil ako sa sinabi ni Gavin.

Paglingon ko, umaalis na siya.

Agad naman akong bumalik dun sa may bonfire. Hinanap ko si Bret at agad din naman niya akong nahanap.

“Kanina pa kitang hinahanap. Saan ka nanggaling?” mukhang kanina pa nga niya ako hinahanap.

“Uuwi na ako.” Yun na lang ang nasabi ko.

“Ihahatid na kita.”

Hinawakan niya ang kamay ko nang bigla kong naalala yung sinabi ni Gavin. Kaya agad kong binawi ang kamay ko. Pero hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari.

“Woah. Is that Arkin and Bret? Mukhang nagkabalikan na sila a?” napatingin naman kami sa nagsalita. Yung grupo na naman nung mga lalaking nanggulo samin ni Bret nung birthday ni ms. Lei lan.

Nakalimutan ko na ang pangalan? \(~.^  )/

“Raf, ayoko ng gulo.”

“Chill ka lang dude. Hindi naman kami nanggugulo. Just wanna ask you, kung nagkabalikan na uli kayo.” May pang-aasar sa mga ngiti niya.

Hindi nakasagot si Bret. Hindi naman kasi kami nagkabalikan. Kaya sinubukan ko na lang umalis dun—

“Sandali!—“ nung moment na hinawakan niya yung braso ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko na siya.

Napatingin sakin yung mga kasama niya. Mabuti na lang nandito kami sa part na kami kami lang ang tao.


“Ito ang tatandaan mo! Kung sino ka man, WALA KA NG KARAPATANG MALIITIN AKO SA PANGALWANG PAGKAKATAON!” nagulat siya sa ginawa ko.

Hahawakan sana ako nung mga kasama niya pero pinapigilan niya ang mga ito. Agad akong hinila ni Bret.

“Tama na, Raf a!” sumenyas naman yung Raf na wala siyang ginagawa.

“Tumatapang ka na ngayon, babae a.” Inangasan niya ako ng tingin.




“..ganon talaga! Pag galing break-up!” tapos nun. Umalis na ako.
HTML Comment Box is loading comments...