Ngayon na ang simula ng Christmas break.Dapat bago magpasko masabi ko na
kila mama at papa na wala na kami ni Bret. Kung hindi, uuwi si Uncle at sabay
sabay na naman kami ng mga Lacson mag papasko. At ang una kong planong naiisip,
sa birthday ko na lang sasabihin sa kanilang lahat. Bukas na kasi yun.
Nagpaalam ako kay mama para mamili ng mga kakainin para bukas. Tinawagan na
rin nila si Bret para may makasama ako. Dapat masabi ko na rin kay Bret yung
tungkol sa plano ko.
“Alam ko na, igagawa kita ng fruit cake.”
“Talaga!?” oops. Ano ba itong sinasabi ko! (_>.<)
“Oh bakit?” napansin niya siguro yung reaction ko. Kaya umiling na lang ako.
Ang dami naming binili ni Bret. Halos lahat mga favourites ko since aking
celebration naman ito. At 3 box ng ice cream ang pinabili ko. Tapos sabi ko kay
Bret na damihan ang pagluto ng mga fruit cake.
Pagdating namin sa bahay, sabi nila mama sila na daw ang bahala. Andun na
din si Auntie para tumulong. (--.-- ) Nakonsensya tuloy ako. Parang hindi ko
ata kayang sabihin sa kanila na wala na kami ni Bret. Hindi ko ata kayang
makita kung anong magiging reaksyon nila.
“Arkin, yung harina.”
“Hah? Ah oo.” Agad ko namang kinuha yung harina. Andito nga pala kami sa
bahay nila. Kaming dalwa lang.
“Bakit.. parang hindi ka ata mapakali?” sabi niya habang naghahalo at
habang nakatingin sakin. Concern siya.
“Bret.. sabihin na kaya natin na wala na tayo?” bigla naman niyang nabitawan
yung bowl.
Parehas kaming napaupo para linisin yungmga nalaglag.
“Hala. Paano na yan?” ngumiti siya pero hindi siya nakatingin sakin.
“Mabuti na lang sample lang yun. Sige na Arkin ako ng bahala dito. Pwede
bang pakihanda na lang uli nung mga gagamitin ko.” Dali dali siyang umalis.
Alam kong fake yung smile nay un. Mukhang.. hindi ata sang-ayon si Bret sa
plano ko.
Pero hindi naman pwedeng hindi siya makicooperate! ( ‘--v--)
Natapos na siyang magluto pero hindi ko na ulit naulit yung sasabihin ko.
Umiiwas kasi siya. Aaagh ano na naman kayang problema ni Bret?
Kumakain ako habang iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin kila mama at
papa pati na rin kay Auntie ang tungkol samin ni Bret. Madami na ring
bisita. Tapos si Bret, HMF!
Nakikita ko ngayon sila mama at Auntie na nag-uusap. Tawa sila ng tawa
habang nandun din si Bret kasama nila. Mukhang tungkol samin ang mga
pinag-uusapan nila. Tss. Habang tumatagal mas nahihirapan lang lalo ako.
“Oh anak bakit nag-iisa ka? Sige na, samahan mo si Bret dun.” Tinuro ni papa
si Bret. Napansin naman ni Bret yun kaya nginitian niya kami. “Naku anak, ang
pogi talaga niyang si Bret no. Ang swerte mo talaga sa kanya. Mukhang habang
tumatagal mas lalo siyang gumagwapo. Iba na talaga ang model.” Proud na proud
na sabi ni papa. Napabuntong hininga na lang ako.
“Oh anong problema ba?”
“Papa, paano kung isang araw madisappoint ko kayo.” Ngumiti naman si papa ng
nakakaloko. Agh! Hindi niya ako sineseryoso.
“Okay lang yun anak, nobody’s perfect naman e.” Sabay yakap sakin.
“Pero hindi naman po kasi yun yun e. Mali po kasi kayo ng iniisip!” Lumayo
si papa at tiningnan ako.
“Arkin?” napalingon naman kaming dalwa sa likod. Si Bret. Agad naman siyang
ngumiti nung tinawag siya ni Papa. Mukhang alam na niya yung pinag-uusapan naming
ni Papa.
Agad akong umiwas ng tingin at sumubo nung cake.
“Arkin hija!” napalingon na lang ako nung tinawag ako ni Autie. “Papicture
tayo. Halika kumare at kumpare. Pero dapat magkatabi sila Bret at Arkin.”
Binigay naman ni Auntie yung camera sa isa sa mga bisita. Hindi ako makangiti
ng maayos dahil nga gustong gusto ko ng sabihin sa kanila yung totoo.
“Ahh bagay na bagay talaga sila.”
“Mas gumanda ka hija sa buhok mo.” Pinilit kong ngumiti. Si Bret naman, feel
na feel. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya.
Mas nainis lalo ako nung marinig ko it okay Auntie, “..gusto ko na
silang ikasal.”
Parang naging slow motion yung pagtawa nila. Yung salitang kasal lang mismo
ang tumatak sa isip ko. Hindi ako pwedeng ikasal kay Bret. Hindi ako pwedeng
ikasal sa lalaking hindi ko naman boyfriend.
“Hindi po yun mangyayari.” Mahinahon kong sabi. Pero tumatawa pa rin sila.
Kung ano anung sinasabi nila mama at Auntie sa maaari naming maging future ni
Bret. Nakakainis talaga.
“Hindi sabi yan mangyayari e!!” napalakas na tuloy yung boses ko.
“Ang alin, anak?”
“Hayy naiimagine ko na talaga kung anong mangyayari sa kanila!” nakangiting
sabi ni Auntie. Halatang nasasabik siya sa lahat.
“Hindi po yun pwede Auntie kasi—“
“Arkin?!” napatingin kami kay Bret. Alam siguro ni Bret na sasabihin ko na
yung tungkol samin. “Tara buksan na natin yung mga gift.” Inakbayan naman na
niya ako.
“aww..” narinig ko pang sabi nila mama at papa. At dahil hindi na talaga ako
makapagpigil. Bastusan na kung bastusan pero binawi ko ang pagkakaakbay ni Bret
sakin. Nagulat silang lahat.
“Ano bang problema, Arkin?” tanong ni mama. Nawala yung mga ngiti nila. Pati
yung ibang tao napapatingin na sakin.
“Kami ni Bret..” hinawakan ni Bret ang kamay ko. Tiningnan ko siya,
nagmamakaawa ang mga mata niya. Pero I’m sorry Bret.. hindi ko na talaga kaya..
“..matagal ng walang kami.”
Nagsimulang magbulungan yung mga tao. Si Bret, napaiwas ng tingin sakin.
“ARKIN!!!” sigaw ni mama sakin. “Ano ba yang mga sinasabi mo! Bawiin mo
yan!” sasagutin ko sana si mama pero nakita ko yung reaction ni Auntie. Naawa
ako, kaya..
“I’m sorry po.” Agad akong tumakbo palabas ng bahay.
Kinuha ko yung bike ko at agad na umalis ng bahay. Hindi ko alam kung saan
ako papunta. Pero inis na inis talaga ako sa nangyari. Nakokonsensya ako.. mali
ba yung nagawa ko..
Napahinto ako at nakarating sa pinakamalapit na convenient store. Papasok na
sana ako nang makalimutan kong wala nga pala akong dalang pera. Kaya bumalik na
lang ulit ako papuntang bike ko—
“Arkin?” narinig kong may tumawag sakin pero hindi ako lumingon. “Hoy!” pero
nung hawakan na niya ako sa balikat, no choice ako kundi ang lumingon.
“Ikaw nga!” si Gavin pala.
Tiningnan niya lang ako ng parang binabasa kung ano yung iniisip ko.
Nakasimangot kasi ako.
“haha. Bakit ka nandito? Wow a. This past few days malimit ata tayong
magkasalubong.”
“stalker.” Bulong ko naman. Pero badtrip pa din.
“Ang stalker sa mga pangit! Pero pagganitong kagwapo.. admirer ang tawag..”
tinaas taas pa niya yung kilay niya para kumbinsehin ako.
Pero tumalikod lang ako.
“u-UY! Sandali!” this time yung braso ko naman ang hinigit niya.
“Bakit ba!” inis kong sabi. Badterp na talaga ako!
“Ito naman. Joke lang yun. Ano ba talagang dahilan at nandito ka? Di ka pa
nakakapasok tapos aalis ka na agad—“
“Nakalimutan ko pera ko!” muntik na siyang matawa.
“Aggggh!!! Ito na talaga ang pinakamalas na birthday para sakin!!!” ginulo
ko ang buhok ko at sinubukan muling magwalk-out.
Kaso ang kulit talaga ni Gavin. At this time yung kamay ko naman ang
hinawakan niya. Grrr~ kahit pogi siya papatulan ko na talaga siya! Di ba
obvious na badterp ako!
“Birthday mo?” sinimangutan ko siya. Hindi ako sumagot.
Sinubukan kong alisin yung kamay niya. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
Gusto ko siyang sigawan pero naunahan niya akong magsalita--, “Hindi naman ako
bingi e.” Tapos bigla niya akong dinala kung saan.
“ANO BA GAVIN! Yung kamay ko! Waaaah~ Ang KULIT MO TALAGA!!!” napansin ko na
lang na nasa kotse na niya kami. Binuksan niya yung passenger seat at dun ako
iniupo.
Galit na galit na talaga ako. Dinagdagan pa niya.
“Dito ka lang! Sige subukan mong umalis, magagalit ako.” Tapos umalis siya.
Wew. Natakot ba ako dun? Bigla kasi siyang naging seryoso? Tsk! Hibulin
talaga yang si Gavin na yan!
After 15 mins.bumalik naman siya.
“*pant* Sensya natagalan!” hingal na hingal siyang pumasok sa kotse.
“Ano bang ginawa mo—“
“HAPPY BIRTHDAY!” bigla niyang nilahad yung maliit na cake. Ang cute, maliit
pero mukhang mamahalin. Mukhang.. MASARAP! Mmm..
“Sinong may birthday?” sabi ko. Tapos ganito naman yung reaction niya --à
(~.^ ) ( O.\\)
Hahaha tawa tuloy ako ng tawa. Sabay kuha ko dun sa cake. At nagblow ng
candle. May nagsabi bang bawal magblow ng candle 2x? Wala naman diba. But I
still wanna have my wish.
“Thanks.” I give him my sweetest smile.
“Luka ka talaga!” tapos umupo siya ng maayos. Gumaya naman ako sa kanya.
“Wag kang mag-alala babawi na lang ako.”
Napansin ko naman yung buwan sa langit.
Naalala ko bigla si Nadiel.