Pagkatapos nun birthday ko, hindi kami masyadong nagkakausap ni mama. Pero
sabi sakin ni papa na siya na daw ang bahalang umayos ng lahat. Nitry kong
tawagan si Bret pero hindi niya sinasagot. Mukhang nasaktan ko ng sobra si
Bret.
Umakyat naman ako ng kwarto. Naisip kong maglinis ng kwarto ko. At
nung buksan ko yung matagal ko ng hindi nabubuksang cabinet, biglang bumungad
sakin yung isang box. Mga alaala galing kay Bret. Mga letters, gift at yung
necklace..
Napagdesisyunan ko namang makipagkita kay Bret,
‘Bret, magkita tayo sa park. Maghihintay ako.’
Yan yung text ko sa kanya 15 mins. ago. At hanggang ngayon hindi pa siya
dumadating.
15 mins. uli ang lumipas. Halos 30 mins. na ako naghihintay dito. Dala dala
ko yung box pati na rin yung necklace. Naisip ko lang na ibalik na ang lahat ng
ito.
“Arkin.” Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Natuwa ako nung dumating na
siya.
“Bret—“ nakatingin siya dun sa box. Malungkot yung reaction nung mukha niya.
Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa ba.
Bago ko pa sabihin yung tungkol dun, naunahan na niya ako. “Yung box.
Ibinabalik mo na din ba sakin yan?”
Dahan dahan akong tumango.
Nagulat naman ako nung bigla niyang kinuha ito. At agad din siyang umalis,
pero hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Hindi ko naman sinasadyang matapon
yung laman nun. Pati na yung laman nung isang box. Nagliparan yun. Kaya mabilis
kong kinuha ang mga yun. Yung mga balat ng candies.. nung makuha ko yun.
Napansin ko yung date na nasa balat nung candies. Sunod sunod yun. At nung
mabasa ko yung nabuong words..
Kumirot yung puso ko.
“Akin na.” Kinuha naman niya basta yung mga balat na hawak ko.
“I love you?” bigla siyang tumigil.
“I love you yung nabuong words. Bret, ano yun?” kahit na kelan hindi ko
naintindihan kung bakit niya ako kailangang bigyan nung mga balat na yun. Oo
ang weird. Pero inisip ko na sweet yun kasi mahal ko siya.
Yun ang pinaniwalaan ko.
“Bret!” sinigaw ko na yung pangalan niya nung sinubukan na naman niyang
umalis.
“Tapos na tayo. I don’t have to explain those things. Atsaka.. after the
year ends, aalis na rin naman ako ng bansa.” Naglakad siya paalis. Tumakbo
naman ako papunta sa kanya. Hinila ko siya paharap sakin.
“Gusto kong malaman kung bakit hindi mo magawang mag-I Love You sakin noon
kahit man lang sa letter!” nabitawan niya yung box.
“Anong nangyayari?”
“Mukhang LQ ata.”
Narinig ko pang sabi nung mga taong nasa paligid namin.
*sob*
At.. umiiyak na pala si Bret.
Nakatungo siya. “Natakot ako..
Satin dalwa kasi, alam kong mas takot akong mawala ka. Satin dalwa, ako ang
unang nagmahal. Pero takot ako.. baka kasi pagsinabi ko sayo ang mga salitang
yun. Baka hindi mo ako mahalin gaya ng pagmamahal mo sakin ngayon.” Binitawan
ko siya. Lumayo ako.
“At yung mga balat na yun. Dun nakalagay yung mga feelings mo?” pinunasan
niya yung luha niya gamit yung braso niya. Umupo siya para ayusin yung laman
nung box.
“Antanga ko pala, masyado akong nagpakatanga sayo masyado.” Pumatak na yung
mga luha ko.”Bret, ganyan ba talaga ang tingin mo sakin.” Tumingin naman siya
sakin.
Nag-aalala yung reaction niya.
“Alam mo sa nalaman ko ngayon, may isang bagay lang akong narealize. Na
siguro hindi naman talaga kita minahal..” sorry sa mga sinasabi ko Bret. “..na
infatuated lang talaga ako. Masyado lang talaga kitang gusto. Masyado lang
akong masaya sa piling mo.” Pinunasan ko yung luha ko. Tumayo naman siya.
“To tell you the truth, ako ang unang nanggago.” Agad naman siyang tumayo
pagkatapos niyang maayos yung laman nung box.
“Ano bang sinasabi mo, Arkin? Ganyan ka ba tlaga. Talaga bang gustong gusto
mong tinotorture ako sa sakit ng mga sinasabi mo.” Malungkot yung mga mata ni
Bret.
“Hindi. Gusto kolang talagang malaman mo ang mga ito. Kasi Bret.. kung mahal
talaga kita, bakit sa isang pagkakamali, mabilis kitang nakalimutan. Kung
minahal talaga kita, bakit ang magmahal ng iba.. madali lang para sakin.. pero
kay Nadiel hindi.” Umiwas siya ng tingin.
“You’re saying that si Nadiel talaga ang minahal mo? E ako ano? Arkin, wag
mo nga akong lokohin. 2 years yun.”
“I realize that you’re just my bestfriend.. kung hindi ka naman talaga
nagconfess at kung hindi lang talaga ako takot na mawala ka.. hndi naman talaga
magiging tayo e..”
Bigla siyang umiwas ng tingin tapos tumulo na naman luha niya. Hindi ko
talaga gustong saktan siya. Gusto ko lang talagang malaman niya ang mga bagay
na ito..
“Tangna naman Arkin oh!” pinunasan niya yung luha niya. “Ano ba talagang
gusto mong mangyari. Na palagi na lang akong masaktan! Ang umiyak! Dyan pa lang
sa mga sinasabi mo, feeling ko na na napakawalang kwenta pala nung 2-3 years na
relationship natin!” napahikbi na si Bret. Nasasaktan talaga siya.
Napatungo siya. Naririnig ko na lang yung mga sobs niya.
Kinuha ko yung box at ibinaba. Nakatungo pa rin siya.. kaya niyakap ko siya.
“Bret, mahahanap mo din naman yung taong para saiyo e. I”m sorry
talaga.” Agad naman siyang bumitaw at kinuha yung box. Dali dali siyang
umalis.
Mukhang napasobra ata yung mga nasabi ko sa kanya. Sa mga ginawa ko mas lalo
ko lang ginawang komplikado ang lahat. Hindi ko na sana dapat sinabi yung
narealize ko. Antanga ko.. :(( Nakalimutan ko tuloy ibigay sa kanya itong
necklace na hindi ko isinama dun sa box. Gusto ko rin sanang pasalamatan si
Bret..