1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 80

December 22, ngayon magkichristmas party yung mga kaklase ko sa fili101. At kasama kami ni Gavin.Pero syempre hindi ko parin nakakalimutan si Bret. Malimit ko siyang itext o tawagan pero hindi siya nagrerespond. At mukhang nagpalit na rin siyang number. Ayos na kami nila mama at papa, nakausap ko na rin si Auntie. Okay na rin kami. Pero si Bret.. ayaw niyang makipagkita sakin. Mukhang napagdesisyunan na niyang iwasan na lang ako ng tuluyan. Paano na yan. Malapit ng matapos ang taon.


“Ma, Pa, alis na po ako.”

Paglabas ko naman, saktong dating din ng sasakyan ni Gavin. (?.?  ) Syempre nagtaka ako. Pero bago pa siya makababa, pinuntahan ko na agad siya.

“Goodmor—“

“Anong ginagawa mo dito?” baka kasi makita siya nila mama. Alam niyo na, kaaayos lang naming tapos isipin pa nila naito ang dahilan kung bakit ako nakipagbreak kay Bret.

“Sinusundo ka? Diba sasama tayo sa Laguna—“

“Sige. Sige. Alis na tayo agad!” agad din naman akong pumasok sa passenger’s seat sa tabi niya. Tapos agad din kaming umalis. Madami pa ata siyang gustong sabihin pero talagang inaalala ko na baka makita kami nila mama.

Nung makarating naman kami sa tagpuan, nakita naming yung iba naming mga kaklase na nandun na. Ang weird lang dahil pagkababa naming pareho ng sasakyan, may weirdong tingin silang pinakita samin. *taka mode*


“Alam ninyo. Kung wala lang kumakalat na balita na kayo ni Nadiel Fortalejo, inisip na namin na may namamagitan sainyong dalwa.” Sabi naman nung mga babaeng lumapit sakin. Napatingin naman ako kay Gavin. Kausap niya si Riza.

“Ano bang sinasabi ninyo. Nababaliw na talaga kayo, makapagbayad na nga lang.” Narinig ko pa na nagtawanan sila habang lumalapit ako kila Riza.

“Riza, heto nga pala bayad ko—“

“Bayad ka na.” Nabigla ako ng biglang iurong ni Gavin yung kamay ko.

“Hah?”

“Binayad ka na ni Gavin.” Sabi naman ni Riza sabay alis nito.

“Bakit?” tanong ko naman kay Gavin at talagang takang taka ako.

“Diba sabi ko naman sayo na babawi ako sayo noong birthday mo.” Sabay kindat niya.

Talaga pa lang seryoso siya dun? Tsk. Childish.

Umalis naman kami pagkatapos maihanda ng lahat. Hindi ito ang first time na nakita ko ang laguna kasi malimit ko din itong madaanan pero ito ang first time na pupunta ako dito. At talaga palang maganda dito. Parang nga akong tanga e habang nasa kotse ni Gavin. Kasama din naming sa kotse niya yung iba naming kaklase na pwedeng sumabay samin. At ang saya saya kahit nasa kotse pa lang kami.

“Waah excited na talaga ako sa hot spring.” Nagkangitian naman kami ni Gavin.

“Guys! Ready na ang room natin. Pwede ninyo ng ilagay ang mga gamit ninyo.” Sumunod naman kami sa sinabi ni Riza.


Malaki ang nabayad namin dito a este nila. At dahil bongga ang mga kaklase ko. Private hot spring na exclusive lang para samin ang gagamitin namin. At room na class A pa kamo. Ganyan sila kayayaman. Pero syempre di ako nakagastos kasi si Gavin ang gumastos ng amin dalwa.

Pero ngayon kakain muna kami, at seafood ang kakainin namin. Kasama nayun dun sa binayaran namin. Oh diba bongga! :D

"Oh hinay hinay lang." pang-aasar ni Gavin, tuloy halos lahat nagtawanan. Sinimangutan ko nga siya.

"Ano bang pake mo." sabay belat ko. Nambelat din naman siya.

"Ayiiii sweet! Selos nyan si Mich, Gavin."

"Don't worry Mich, di ko naman type si Arkin ." sagot naman ni Gavin. Kaya lalong nag-ingay ang mga girls.

Natatawa tuloy ako.


Pagkatapos namin kumain, yung iba agad na nagsiligo. Naka-bathrobe lang naman kasi kami. Naisip ko din na maligo na sana kaso nakita ko sila kasama si Gavin. Magkatabi sila Mich at Gavin. Di ko na sana papansin kaso tinawag ako ni Ken. Ang epal na ito talaga.

"Ayii pahello hello ka ngayon Ken kay Kin a."

"Hehe. Mamaya na lang siguro. Gusto ko ng magbabad e." sagot ko naman kay Ken na niyaya akong makijoin sa kanila. At narinig ko pang may nagsalita pero di na ako lumingon.


Waaah ang sarap sa pakiramdam ng hot spring. Ito ang first time ko kaya dapat maenjoy ko ito. CHARAP~ :3 Buong katawan ko, ramdam na ramdam ko yung init. Sarap talaga sa feeling. Ako nga lang pala ang nandito. Umalis na kasi yung iba, pero mas Masaya at mas relax ang ganito. Kaya habang nagbababad ako. Nagmu-music din ako gamit yung headphone ko. Eeeh.. sarap! :D


Kaya naman halos di ko na napansin na nakaidlip na pala ako. Halos mga 1 hour din akong nakababad ah. Haha. Kaya agad din akong nagshower at humayo na sa kwarto para magbihis. Pati hinanap ko na rin sila..

“Oy Arkin! Lika dito.”

“Anong ginagawa ninyo?” nakabilog sila. Pero hindi lahat ay nandun. Mukhang may iba’t iba trip din yung iba. At alam ninyo kung anong naiisip ko na gagawin namin. Mag-iinom. Pero hindi pa ako nakakainom e. Tsk!

“Maglalaro tayo.”

“Laro?” sabay upo ko. Napansin ko din na wala si Gavin. Tapos naisip ko si Mich, pero nandito naman siya?

“Oo. Truth or Dare. Yung sikat na laruin ng mga magbabarkada. Pero this time dalwang option lang ang gagawin kapag hindi nagawa yung pinagagawa, it’s either iinumin mo itong isang bote ng beer. Or.. iinumin ang specialty namin ni Migs.” Inabot naman niya sakin yung specialty daw nila. At ng amuyin ko—

“SHET! Ano yan!?” tiningnan ko pa. pero mukha namina matinong inumin. Pero napakabaho at napakalansa. Tangna kakasuka.

Tiningnan ko naman sila Rei at Migs pero kinindatan lang nila ako. Magbaback-out na nga sana ako kaso pinigilan nila ako. Bawal na daw umayaw lalo na’t magsisimula na daw yung laro. Tsk laki ng problema ko. Kung mangyari pala ito ang first time kong iinum ng alcohol. Errr~ Di ko iinumin yung freak’n specialty thingy na yun duh! Pero buti na lang dumating din si Gavin. At hinila na siya nila Migs para sumali.

“Wow. Confident na confident ka Ken ah. Eww~” nagtawanan naman kami. Kasi naman si Ken akala mo kung sino. Cute sana siya kaso di ko type ugali e. haha

“Oh ano na?”

“Hmm.. para may thrill, sige Dare!” anyabang talaga. Natatawa lang ako.

Habang nagtatalo yung iba kung ano yung iuutos nila kay Ken, naisip ko naman na kumain na muna nung mga pulutang inihanda nila. Mmm.. ang sasarap nga e. hindi na ito pulutan e. Panghapunan ko na ito. Gabi na rin pala..

“Yun lang!?” nagtaka naman ako sa biglang sigaw ni Ken. Tinanong ko tuloy sa katabi ko kung anu yun pero tinawanan lang niya ako. Kaya nakitawa na lang ako..

“Then Go!” at nung tingnan ko kung anong gagawin ni Ken. Nagulat na lang ako nung bigla siyang umikot papunta samin at---




(  O.0)


Yakapin niya ako!
HTML Comment Box is loading comments...