1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 82


‘Arkin?’ napalingon ako sa tumawag sakin nang Makita ko na si Bret yun..

Agad akong tumakbo.

Pero di ko alam na hinabol pala niya ako..

‘Sandali Arkin!’ lumingon ako sa likod. At talagang hinahabol nga niya ako. Mas binilisan ko pa ang takbo ko.

‘Wag mo naman akong iwasan Arkin oh!’

Takbo pa rin ako ng takbo. Ayokong maabutan niya ako. Ayoko siyang Makita! Ayokong mag-usap kami!

‘Tigilan mo na ako Bret! Ilang beses ko bang sasabihin sayo!’

Pero hindi parin siya tumigil kakahabol sakin. Kaya pumasok na lang ako dun sa pintong bukas na madadaanan ko. Agad akong pumasok at agad ko ding sinarado—

‘ARKIN!!’ nagulat naman ako nung maabutan niya ako. Muntik pa niyang mabuksan pero ginawa ko ang lahat para masarado talaga yung pinto at malock ito.

Hingal na hingal ako. Parang akong hinahabol ng mga halimaw sa sobrang kaba at takot. Sorry bret, pero ayaw ko lang talagang Makita ka.

‘Arkin! Buksan mo ito!’ paulit ulit niyang pilit binubuksan yung pinto. At hinahampas ng malakas.

‘Arkin.. *sob*’ narinig ko na lang na mukhang umiiyak na siya.

Nakonsensya ako.. pero mas nasasaktan.. kahit ayoko itong gawin. Pero ito ang dapat. Ito ang mas nakakabuti samin ni Bret.

‘..Bakit ka ganyan..:’

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabi ko na sa kanya ang totoo.

‘Bret please tama na oh~ I’m sorry! Pero ito ang mas dapat!’

‘Bakit ka ba nagkakaganyan!? Diba sinabi ko naman sayo na gagawin ko lahat para makalimutan mo siya! Kin, kalimutan mo na siya!’

‘Imposible Bret.. *sob*



Imposible yun! Kasi hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin si Nadiel.’ Tumulo na ang mga luha ko. Totoo naman kasi yun e.

Hindi na nagsalita si Bret. Naramdaman ko na lang na umaalis na siya. Lumeaned ako sa pinto at pinunasan ang mga luha ko gamit yung braso ko. Nagulat naman ako ng may narinig akong yabag ng mga paa. Nung tumingin ako..


Thump.thump.thump..

Muli kong naramdaman ang tibok ng puso ko.


Ang puso ko. Ang tagal ko ng hindi siya nakikita. Miss na miss ko na siya.. *sob* Bakit siya nandito? Hindi naman kaya kanina pa siyang nandito? Ibig sabihin.. narinig niya.. *sob*

‘Na..—‘ agad siyang lumapit sakin.

Hinawakan niya ang leeg ko palapit sa mukha niya sabay halik sakin. (//.o ) thump.thump.thump.. feeling ko tuloy sasabog na ako sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

Antagal ko ng hindi naramdaman ang ganitong pakiramdam..


‘Arkin.. hanggang ngayon..

Mahal na mahal pa rin kita.’

Muli.. hinalkan niya ako..



*YAWN*

“Hayy.. ansakit ng ulo ko.” Bumangon naman ako sa kama ko.

Bigla akong napahawak sa mga labi ko. Panaginip lang palang lahat. At nang mapansin ko ang paligid na—





(o.O  )

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Bakit yung damit ko nasa sahig? Tiningnan ko yung soot ko. Nakatube pa rin naman ako. At nakapantalon.. pero bakit..

WAH!!! Bakit katabi ko si Gavin?!  (  O.O)


Thump.thump.thump. bakit parang may nangyari? Napahawak naman ako sa ulo ko. At biglang nagflash back sa utak ko lahat lahat ng nangyari.

“Ahh..” kaso ang sakit ng ulo ko.

Kaya bago pa magising si Gavin.. agad na akong umalis dun sa kwarto. Kinuha ko yung damit ko at sinoot ko at dahan dahan kong sinarado yung pinto.


Pagbalik ko sa kwarto, may nakakita naman sakin. Pero hanap lang ako ng  hanap ng gamot. Ang sakit kasi talaga e.

“Arkin, ikaw pala? Bakit ngayon ka lang bumalik? Atsaka.. ano bang hinahanap mo?” tumingin lang ako sakanya pero ang sakit pa rin ng ulo ko kaya di na ako nakasagot.

Pero nung mapansin ko na nakatingin pa rin siya sakin.

“Masaki tang ulo ko..” paiyak na talaga ako. Bakit kasi ganito ang pakiramdam ko.. uhh. T.T

Ngumitisiya. “Hang Over yan. Napadami kasi ang inom mo kagabi. Sandal, ikukuha kita ng kape.” Tumango naman ako at pumunta sa kama. Nahiga muna ako.

Kaso sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko. Yung alaala lang na yun ang naiisip ko. Mas lalo tuloy sumasakit ang ulo ko. Agh! Bakit ko nagawa kay Gavin yun? Bakit nagawa namin yun! Mali yun! Bakit ako nagpadala sa nararamdaman ko kay Nadiel.. so stupid! Agh!

Nung umayos ayos na ang pakiramdam ko. Nakisabay na rin ako sa iba maligo. Kung maaari hindi ako nagpapakita kay Gavin. Kaso sa pag-uwi sa kanya ako sasabay. Kung magko-commute naman ako, mahahalata niya ako. Ayokong makonsensya siya sa nagyari samin dalwa. Lasing kami parehas.. kaya walang dapat sisihin. Kaya nung nakapag-impake na lahat, nagready naman kami sa pag-uwi.


Kinakabahan ako.. (--3--‘ )

“Oh guys uwi na ako. Bye!” yung iba nagsisiuwian na. err~

“Oh Kin, kay Gavin ka na naman ba sasabay? Sakin naman oh?” kinindatan naman nya ako. Pero napaisip din ako sa sinabi niya?? Eh kung kay Ken na lang kaya ako sumabay diba—

“Arkin! Let’s go!” nanigas ako nung marinig ko ang boses niya.

Lumingon naman ako. Tapos napansin ko pa na nagblush siya, na feeling ko din ay nagbablush din ako. (//.<  )

“Tsk sayang. Then see you around.” Ngumiti si Ken at agad na sumakay sa kotse niya.

Naiwan kami ni Gavin ng tahimik.

“Ah.. eh.. tara na rin?” tumango naman ako.

Papasok na sana ako..

“Arkin!” hingal na hingal na lumapit samin si Claire. Isa siya sa mga sumabay samin ni Gavin kahapon. “p-Pasensya na. pero pwedeng makisabay uli? Hindi kasi ako masusundo ng sundo ko. Hehe.” Hindi ko alam kung swerte ba ako o talagang sinuswerte lang ako.

Kaya naman buong byahe, hindi kami nakapag-usap ni Gavin ng maayos. Nagkapaalamanan lang kami.


Siguro mas mabuting kalimutan na lang naming ang lahat.



Hanggang sa dumaan ang Dec. 25.


At matatapos na ang taon.




“Arkin anak, ngayon nga pala ang alis ni Bret.”
HTML Comment Box is loading comments...