1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 83


“Arkin, ngayon araw na ito nga pala aalis si Bret.”


Paggising ko, yan agad ang narinig ko.

(o.O ) Nang marealize ko na dalwang araw na nga lang at matatapos na ang taon. Pero bakit ang bilis naman ata at ngayon na? hindi pa kami nagkakaayos ni Bret. Ni hindi na nga siya nagpaparamdam. Wag niyang sabihing.. may balak siyang wag na lang akong pansinin hanggang sa pag-alis niya. Ganito ba siya kagalit sakin.. thump..thump..

“Pupunta kami ngayon sa kanila bago sila pumuntang airport. Nagpa-espidida ang Auntie mo.”

Kinakabahan tuloy ako. Parang gusto kong umiyak dahil sa nalaman ko..


Pagpunta naman namin dun sa bahay nila, napansin naming na madami ng tao. Medyo busy si Auntie kaya tinulungan na siya ni mama. Humalik ako sa kanyang pisngi para bumati at magpaalam, ganon din sila mama at papa. Naging madrama pa yung pag-uusap nila. Ako naman, sinabi ko lang yung dapat kong sabihin. Hindi ko naman maiwasang hindi hanapin si Bret..

“Oh anak, hindi ka ata mapakali?” medyo nabigla ako nung tanungin ako ni papa.

“Kumain na muna kayo kumare.”

“Mamaya na kumare. Tulungan na muna kita. Kayo na lang ni Arkin ang kumain papa.” Sabi naman ni mama habang umaalis sila ni Auntie ng nag-uusap.

“Ah Auntie..” lumingon si Auntie. “Nasaan po si Bret?” parang nagtaka yung reaction ng mukha niya.

“Hindi ba niya nasabi sayo na may sarili siyang espidida kasama yung mga kaibigan niya?” umiling na lang ako. Wala na siyang nasabi dahil may mga bisita na dumating.

Hindi kasi alam ni Auntie na iniiwasan ako ni Bret. Nung malaman ko yung sinabi niya, medyo nagalit ako. Ganon ba siya kagalit sakin at talagang hindi niya ako papansinin hanggang sa pag-alis niya. Maya maya aalis na sila. Mukhang wala na akong time para makausap si Bret.. sana naman bumalik na si Bret..


Hanggang sa nagsiuwian na yung mga bisita. At mukhang uuwi na din sila mama. Nag-iimpake na kasi si Auntie.

“Mag-ingat ka dun sa ibang bansa. Padalhan mo kami dito ng pasalubong.” Nagyakapan naman sila. Pati kami ni papa niyakap si Auntie.

Aalis na sana kami..

“Oh Bret anak nandito ka na pala.”

“Tita. Tito.” Lumapit siya kay mama at papa sabay yakap sa mga ito. May mga sinabi pa si mama at papa sa kaniya. Ganon din naman si Bret kila mama. Tapos binaleng niya yung pansin niya sakin.

“Arkin..” hindi ko napansing napaiyak na ako. Kaya agad ko siyang niyakap. Iyak lang ako ng iyak habang umaalis naman si Auntie para ata iwan kami mag-isa.


“Arkin, wala na sila. Tama na, ok?” ilalayo niya sana ako. Pero mas hinigpitan ko.

Maya maya rin. Napaiyak na din si Bret. Niyakap na rin niya ako.


“Unfair ka! Isang yakap mo lang, hindi na kita matiis!”

Bibitaw na sana ako sa yakap niya pero—“5 mins. Please!”

“Hmm..” pumayag naman ako.

Wala na siyang sinabi pagkatapos nun. Madami pa sana akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko na nasabi dahil may sinabi siya sakin. Isang napakalaking favour. At wala akong nagawa kundi sundin yun. Kahit ayoko. Kahit alam kong hindi naman talaga yun ang dapat. Pero kung yun talaga ang gusto niya.. wala naman talaga akong magagawa diba?

After nun, umuwi na kami. Umuwi na sila mama at papa sa bahay habang naisip ko naman na pumunta na muna sa mall. Dun na lang ako kakain, di naman kasi ako nakakain ng maayos sa espidida sa kakahintay kay Bret..


Ang dami pa ring tao sa mall. Tss. 70 % naman sa mga taong ito natambay lang o nagwi-window shopping e.

Maya maya, naagaw yung attention ko dun sa taong kalalabas lamang sa isang boutique—Nagkatinginan kami. Ang daming araw na nga palang nakakalipas at ngayon lang uli kami nagkita. Kaso—bigla na lang siyang tumakbo. (o.o  ) Nagtaka ako. At the same time nagulat at.. nainis! Kaya hinabol ko siya!

“Gavin sandali!” hinabol ko siya. Pero talagang nagpapahabol ang gago!

Sandali! Bakit ba siya tumatakbo? Dahil dun sa nangyari samin? Eh bakit ko ba siya hinabol? Eh totoo naman talagang nakakahiya yun! Ahhh~ bahala na nga!



Bigla naman akong napatigil.. nung makitang tumigil siya kasama..

“Sino naman ang kasama mo, Gavin.”

Kasama sila ms. Lei lan at Nadiel. Naisip ko na wag na lang sundan si Gavin. Kailangan kong magtago. Dapat na hindi ako makita nila Nadiel at ms. Lei lan. Kaya sinubukan kong umalis at magta—

“Arkin?” kahit hindi ganong kalakas ang pagtawag niya sa pangalan ko, wala pa ring dahilan para dedmahin ko yun. Ayoko man. Pero lumingon ako..

“So.. you’re with Arkin?” ngayon ko lang ulit nakita si Nadiel. At ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong feeling.. excited ako na makita siya. Pero.. masakit pa rin..

“Si Arkin ay—“

“Nagkasalubong lang kami dito ni Gavin. Sige alis na ako—“


*KRUK~*



AGH! Tama ba naman yun! Sa ganitong eksena hindi dapat umeepal ang mga ganong tunog! Agh!!! (//.<  ) Nakakahiya talaga!

“Arkin?”

Argh! Hindi naman obvious na ako yun diba!? Tsk! Bakit naman kasi kahit ang dami ng tao kailangan pa talagang marinig pa nila yun. Tsk! Kahit nakakahiya.. lumingon pa rin ako sa kanila.

“Pumunta naman kasi ako dito para kumain..” bakas sa mukha ko ang kahihiyan. Kaya agad din akong tumalikod.

“Sasamahan ko na si Arkin! Nagugutom na rin kasi ako.” Nabigla naman ako nung magsuggest ng ganon si Gavin. Wala akong ideya sa gusto niya pero sinakyan ko na--

“Then, I suggest na magdinner na lang tayo together.. since magdidinner din kami.”

Nagkatinginan naman kami ni Gavin. Tama ba yung narinig ko, na sasabay sila sakin sa pagkain. Makakasama ko si Nadiel?..

In the end, sa isang mamahaling restaurant kami kumain.. Nakakailang nga e. Habang tinitingnan ko yung menu at prize.. nalulula ako. Pinagpapawisan ako ng malamig. E 500php lang pera ko dito tapos yung 500php na yung siya lang din extra ko sa school. Wala akong ipon, kaya dapat tipirin ko ito. Pero sa sitwasyon ko ngayon.. mukhang mapapagastos ako ng malaki. Paano na 'to!? :'c

"Ikaw Arkin, anong order mo?" nabigla naman ako nung tanungin ako ni Gavin. Agad uli akong nagconcentrate dun sa menu. As much as possible dapat hindi ako mapahiya. Dapat di nila mahalata. Alin ba dito sa menu yung pagkain na mura na pwedeng mabusog na din ako.. (--.--' )

"Uhm, siguro.."

"Sa tingin ko, mas maganda kung itong tigtu-two thousand plus na ang orderin natin para sa ating apat." 2k+ wah ibig sabihin ubos ang savings ko. Uwaaaa~


Umorder na sila.  Nagkwentuhan ng konti sila ms. Lei lan at Gavin. Si Nadiel lumabas dahil may kausap  sa phone at nakabalik din naman siya bago kami kumain. Hindi naman ako masyadong nao-OP dahil maganda ang atmosphere dito sa restaurant at medyo madami din ang tao. At siguro sa mga oras na ito nasa airport na sila Bret at Auntie.
HTML Comment Box is loading comments...