1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 84


“Waa nabusog ako dun!” sabi ni Gavin. Tsk. Andami nga niyang nakain.

Binuksan ko naman ang bag ko, habang sa loob ng bag ko binubuksan ko ang wallet ko. Aww.. ang 500php ko. :((

“Nadiel will pay for everything.” Nagulat naman ako nung sabihin ni ms. Lei lan yun. Medyo natuwa naman ako nung malaman ko na libre naman pala.. pero..

Masakit na makitang nangngingitian sila ng ganyan kasweet. >:(

“Then fine.  Libre ko na ‘to!”

“Wow tol! Parang hindi ata ako sanay a!” tiningnan naman siya ng masama ni Gavin. Ang saya nilang tingnan. Parang.. mas nao-OP ata ako kapag nandyan si Nadiel.

“How about you Arkin, did you enjoy our food?” nabigla ako nung tanungin ako ni ms. Lei lan. Napatingin tuloy ako kay Nadiel na napatingin din pala sakin. Kaya agad akong umiwas.

“o-Oo naman! In the first place, ako naman yung pinakagutom sating apat diba!”

Nagulat naman ako ng biglang tumawa si Gavin. “HAHAHA Sinabi mo pa! Ang galing nung pagkakakruk ng tyan mo! Hahaha.” Tawa siya ng tawa. Tsk. Naramdaman ko tuloy ang pag-init ng mga pisngi ko. Langya kasi itong si Gavin kung makatawa, wagas!

“I see, mukhang close na close kayo a.” nabigla ako nung sabihin ni ms. Lei lan yun. Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Hindi ako makatingin sa kanila.. lalo na kay Nadiel na nasa harap ko.

“Ahh oo. Magkaklase kasi kami sa isang subj. Madalas din kaming magkasalubong, tapos siya pa yung lifeguard namin sa swimming time. hehehe” talagang sinasadya na nitong si Gavin na pahiyain ako sa harap nila ms. Lei lan at Nadiel a.

“Hmf..di ka kasi marunong maglangoy—“ pabulong kong sabi.

Pero di ko akalaing narinig nila. Kaya tumawa si ms. Lei lan.

“Omygod. Hanggang ngayon ba naman?” nakita kong tuwang tuwa si ms. Lei lan sa nalaman niya. Medyo napangiti naman ako. Ang ganda kasi ni ms. Lei lan pagngumingiti. Kaya tiningnan ko naman si Gavin.. namumula siya.

“Aha.” Hindi ko tuloy naiwasang hindi mapatawa. At hindi ko rin sinasadyang mapatingin sa harap ko..

Nakatingin siya. Kaya agad akong umiwas.


Thump.thump.thump..


“Ginagawa ko naman lahat para maging mahusay ako sa paglalangoy.. pero.. failed talaga e.”

“Hahaha. You should hire some experts!”

Busy sila sa pag-uusap. Sinubukan ko muling tingnan si Nadiel since hindi naman nakatingin si ms. Lei lan. Hindi nakatingin si Nadiel sakin pero nakikita ko na parang badtrip siya.. tapos tumingin uli siya sakin. Nahuli niya akong nakatingin. Nagkatinginan kami.

Yung puso ko. Parang sasabog.. “A..”

“Arkin, I think you have to focus at Gavin’s swimming skills.”

Parang tumigil sa pagtibok yung puso ko nung bigla akong kinausap ni ms. Lei lan. Na sana dapat, kakausapin ako ni Nadiel. Mabuti na lang mabilis yung pakiramdam ko at mabilis akong nakalingon sa kanya.

“Ah o-oo naman! Ginagawa ko naman yun lagi e.” sabi ko naman.

“Hahaha. I told you Gavin, you have to hire your own tutor. It’s also for you, para hindi naman maturn-off yung mga babaeng nagkakagusto sayo.” Sinubukan ko uling sumulyap kay Nadiel habang hindi nakatingin si ms. Lei lan.

At this time, nakaside view na siya.. at medyo namumula. Siguro hindi niya rin malaman ang dahilan kung bakit niya ginawa yun. Kahit ako din naman, hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa kanya ng ganon. Kahit alam namin na nandito lang si ms. Lei lan. Kasama namin.. mali ito. Hindi dapat ako nagpapadala sa nararamdaman ko.

“Uhm excuse me. Magsi-cr lang ako.” Agad naman akong tumayo nang hindi tumitingin sa kanila at pumuntang banyo.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang talaga akong sasabog sa kaba. P-pero bakit? (//.--  ) Bakit niya yun ginawa? Diba wala na kami. Iniwan na niya ako. Nagdecide na ako.. Kung magpapatuloy ito.. siguradong matatalo ako.

Masasaktan..


Tumingin ako sa salamin at naaninag ko naman yung babaeng pumasok sa loob. Si ms. Lei lan. Nagkangitian kami. Lumapit naman siya sakin. Nanalamin din siya. This time, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya. Ang ganda ng buhok niya. Mahaba ito at halatang malambot. Talagang magaganda at mga gwapo ang mga model ng FMU.


“Arkin..”  nagulat ako nung tinawag niya ako. “Salamat nga pala.. I mean, yung dinner. At yung bonding. Salamat din.. kasi hindi nagbago yung pakikitungo mo sakin kahit na.. uhm.. yung tungkol kay Nadiel..” naiinis ako.

Anong gagawin ko.. naiinis ako sa mga sinasabi niya. Agh! Bakit.. bakit kasi ganyan siya. She’s acting as if everything’s fine.  She acts as if wala kaming relasyon ni Nadiel noon, kahit alam niyang iniwan niya ako para sa kanya! The F! >:(

Pero syempre.. hindi ko naman pwedeng ipakitang galit ako sa kanya, napakaunfair naman nun sa side niya. She’s still sick. At kahit saang anggulo tingnan, ako ang magiging selfish nito.

“Wala yun..” yun na lang nasabi ko ng may kasamang ngiti ng hindi tumitingin sa kaniya. Ayoko namang magpanggap na okay na talaga ako sa harap niya.

“Arkin..


Sobra talaga akong nagpapasalamat sa lahat lahat. Hindi mo lang alam kung gaano kalaking tulong ang nagawa mo.” Nabigla pa rin ako kahit sinabi niya yun. Hindi ko alam kung maiinis pa ba ako sa kanya o.. magagalit ako sa sarili ko dahil sa mga kabaitang pinapakita niya.

“Gabi na pala. Uuwi na ako..” ginawa ko na lang excuse yun para umalis. Paglabas ko ng cr.. ramdam na ramdam ko yung sakit. Tangna! Bakit kasi kailangan mangyari pa ‘to!


Agad din naman akong bumalik sa table kung saan si Gavin lang ang nandun. Sinabi niya sakin na nasa labas lang si Nadiel at may kausap sa phone at kung nakita ko daw ba si ms. Lei lan. Habang nagmamadali akong mag-ayos ng gamit.

“Uuwi na ako.”  Eksakto namang balik ni Nadiel. Tiningnan ko lang siya at agad ng naglakad paalis.

“Ah—sige Nadiel, uwi na rin ako. Sandali, Arkin!”


Mukha ba akong tanga? Napansin kaya ni Nadiel yun.. tanga tanga ko talaga! Bakit pa kasi.. pumayag akong makasama sila. Argh!..



“Arkin!!!..”bigla na lang may humigit sa braso ko. At *teardrops*

“Sh!t” tumungo ako at tinakpan ang mukha ko gamit yung isa kong kamay. Langya, umiiyak na naman ako.

“Umiiyak ka?” dahan dahan niyang binitawan ang braso ko. Hikbi naman ako ng hikbi.

“Hindi! Nagkasipon lang ako. Ang lamig kasi!” pinunasan ko yung luha ko at agad na tumalikod sa kanya. Pero syempre, naiiyak pa rin ako.

“Sana sinabi mong hindi mo pala kaya.. para hindi na lang ako pumayag—“


“Para saan Gavin! Para saan.. *sob*


Para ipakita k-ko *sob* na-na nasasaktan ako pagnakikita kong magkasama sila!? Shet yun! Pano naman yung pride ko!” tuluyan na akong umiyak. Aalis na sana ako nang—



“Hindi naman yun mangyayari e.. hangga’t nandito ako.” Niyakap niya ako.


Napahawak naman ako ng mahigpit kay Gavin habang sinasabi ito.. “Sa pangalwang pagkakataon ba talaga na magmamahal ako kailangan na masaktan ako! Hanggang kailan.. tangna ayoko na!”
HTML Comment Box is loading comments...