Pasukan na naman, at sa unang araw, talagang kailangan madami akong dala.
Agh. More in practiculum na kasi kami, tapos ngayon din ako nakaduty. *sigh*
Agad naman akong umupo pagdating ko sa classroom ng pangalwa kong subj.
Kakapagod magdala ng madaming gamit a.
“Uy. Andami mong dala a? anong meron?”
Si Gavin pala, this time hindi ko siya katabi. Umupo lang siya dun sa
bakanteng upuan. We’re still have 10 mins. pa kasi bago magstart ang klase.
“As usual. Dala dala ko uniform namin. More in practiculum na kasi tapos..
duty ako sa swimming.”
“Ahh bigat ah. Tulungan na lang kitang magdala sa locker mo maya after
class.” He winked.
“Eh kayo Kin at Gavin, may sasalihan kayo sa alumni?” napalingon kami sabay
kay Ken na nasa malapit lang sakin. Medyo nilayo ko siya. Kenkoy talaga gago na
ito.
“Ano ba meron?”
“Alumni ng school. 49th alumni. At gada taon, nagsecelebrate lahat ng department.
At lahat ng mga estudyante ay may mga sinasalihang event.. depende sa professor
nila.” Nagkatinginan kami ni Gavin.. nang bigla namang pumasok yung prof.
namin. Nagpaalam na si Gavin na babalik na siya sa upuan niya. Tapos si Ken
pala ay dun nakaupo sa harap ko.
Diniscuss ng teacher namin ang magaganap na alumni this month. At taon taon
nga daw ay sinecelebrate ito ng lahat. Attendance is a must. Sa loob daw ng
isang linggo magiging halfday ang klase at sa hapon daw magaganap ang
preparation. Next week na yun. At ang Filipino teacher na ito ang naka-assign
samin. So ibig sabihin sa section na ito ako sasama. Pwede na rin.. makakasama
ko naman si Gavin e.
“Ano kayang gagawin natin no?” tanung ni Ken sakin. Nagkibit balikat
na lang ako.
“..gaya ng sinasabi ko. Nagbunutan kami ng mga teachers sa gagawin namin. At
ang nabunot ko na gagawin natin..kahit ayaw niyo.. PLAY. At kailangan na may
umakting sa inyo sa stage!”
Lahat naman sila ay nagsigawan? Parang masaya pa ata sila sa narinig? Okay
lang sila? \(0oO )/
“Sir! Si mr. Averilla na lang po ang leading man a?” naghiyawan ang lahat.
“h-HOY BAKIT AKO!!!” at sabay tawa ng lahat. Ang kulit niya talaga.
Pati ako natawa. Tapos lumingon siya sakin at kinidatan ako. Gago talaga.
“Fine with it! Basta si ms. Ramirez ang leading lady e.” tinaasan ko lang
siya ng kilay tapos mas lalong nagsigawan. Pati si sir tumatawa na. kakainis
talaga itong si Ken, pag siya kasi ang nagsalita lahat talaga nasa kanya ang
atensyon. Tapos ako pa yung napagtitripan niya.
“Hindi pwedeng Kenner! Kasi may naisip na akong kwento na papatok sa play
natin!” nagsalita si Ria, irreg din siya sa klase pero mukhang kaclose niya
talaga ang mga tao dito. Isa siyang journalist.
Sa natitirang 30 mins. Nagmeeting ang klase. Pinaghatihati kami sa iba’t
ibang grupo. Andaming naintriga sa mangyayaring play pero mas nakakapagtaka
kasi dalwa ang leading man, at kasama si Gavin. Inaasar tuloy siya ng klase.
Tapos sabi pa ni Ria na love story pa rin naman daw ang mangyayari.
“Malalaman niyo ang kabuuan ng kwento, just trust me. Siguradong bebenta ang
play natin, lalo na at bagay na bagay lamang ang karakter ni Kenner at Gavin sa
kentong gagawin ko.” Tutok na tutok talaga si Ria sa laptop niya. Parang ngang
may mga sungay na nagsilitawan sa ulo niya habang nagtatype siya e. mukhang
hindi maganda ang mangyayari.. pero exciting.
“Arkin, ito ang mga kailangan natin.” Binigyan naman ako ng copy ng isa sa
mga kagrupo ko. Wala pang masyadong karakter na gaganap sa play kaya lahat muna
ay kailangang tumulong sa paggawa ng props.
Napatingin naman ako sa harap ko at nakita kong nagkukulitan sila Mich at
Gavin, mas lalo ata silang nagiging close. “fight.fight Gavin!”
Inayos ko naman ang gamit ko tapos maya maya nagring na ang bell.
“Arkin!” aalis na sana ako ng biglang lumapit sakin si Ken. Nakita ko pang
lumabas na si Gavin kasama ni Mich pero nakatingin siya sakin.
“Bakit?”
“Pengeng cellphone number mo.” Sabay kindat niya.
“Yoko nga.” Tapos umalis na ako. Loko talaga itong si Ken!
“Aww. Rejected!” tiningnan ko ulit siya sa huling pagkakataon tapos
kinindatan na naman niya ako. Agh! Kinikilabutan talaga ako pagginagawa niya
yun!
Di ko tuloy namalayang nakalabas na ako— “Woy..” sumalubong sakin si Gavin.
Hinanap ko pa nga si Mich e. pero wala naman na siya.
Kinuha niya yung gamit na dala ko. “Close na kayo ni Ken?” naglakad na kami
papuntang locker.
“May pahid yun sa utak, nukaba!” tuwing naaalala ko talaga yung ginawa
niyang pagyakap sakin noon sa laguna! Nakuuu kumukulo dugo ko. Wala pa kasing
lalaking nagtangka gawin sakin yun. Kahit nung highschool ako. May bangas kasi
sila pagginawa nila yun. Ibang iba talaga ang college!
Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun. Napatingin tuloy ako sa kanya, at
naisip ko naring itanong yung tungkol sa kanila ni Mich.
“Bait mo kay Mich a. sige ka nan, mahulog loob nun sayo.” Wala pa nga pala
akong alam masyado kay Gavin. Hmm.. di ko napapansin na masyado na pala kaming
close???
“Tss. Baliw ka. Ganito na talaga ako. Hindi lang halata.” Tama siya. Hindi
nga halata.
Alam ninyo kasi, yung mukha ni Gavin, maamo at talagang sa unang tingin
parang siya yung mga tipong nice guy. Yung matino ba. Pero.. kapag sumeryoso
siya.. dun ninyo makikita na may maaangas na tingin pala ang nananalantay sa
mga mata niya. Naalala ko tuloy nung nalaman niya na kami pala ni Bret. Ang
takot ko sa kanya? On the second thought, may mga tingin siyang tinatago
ng gaya ng kay Nadiel. Sino ba talaga si Gavin dati???
“Ito ba ang locker mo? Akin na ang susi.” Nakangiti niyang sabi.
Bakit ganon.. madami siyang alam tungkol sakin. Pero ako.. pangalan niya
lang ata ang alam ko tungkol sa kanya.
Binigay ko naman yung susi—
“Lei lan!!!” bigla na lang kaming nagulat ni Gavin ng makarinig kami ng
malakas na ‘BAM’
“Bitawan mo ako! LEMME GOoooo~” narealize ko naman agad kung kaninong boses
yun. Biglang.. parang nanginig ang mga paa ko. Sigurado ako.. s-sila yan.
Bakit ganito ako.. bakit natatakot ako?
“I’m sorry. I’m sorry!”
Hindi ko alam kung nakatingin ba sakin si Gavin. But this time nakatungo na
ako, hawak hawak ko ang dibdib ko. Kinakabahan ako. Naririnig ko pa na umiiyak
si ms. Lei lan! Tangna anong ginagawa nila dito sa locker room ng department
ko! Anong ginagawa mo Nadiel para mapatahan si ms. Lei lan! Potcha!
“Hm?” inabot ko kay Gavin ang gamit ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Binuksan ko ang locker ko.
“Shhh~ it’s ok. I’m yours.. I’m only yours..” napatungo ako at dahan dahan
na nilagay ang gamit ko. Bakit ba ako naaapektuhan sa naririnig ko. Hindi ko
naman sila nakikita a. pero.. *teardrops* Bakit iniisip ko na baka niyayakap na
siya ni Nadiel.. bakit naiisip ko na pinupunasan din ni Nadiel ang mga luha ni
ms. Lei lan gaya ng ginagawa niya sakin.
“ms. K-kin..” mahinang sabi ni Gavin habang hinahawakan niya ang balikat ko.
Nakahawak lang ang isa kong kamay sa locker ko habang nakatungo ako. Habang
yung isa, nakataklob sa bibig ko. Pinipigilan kong humikbi. Ayokong marinig
nila kami. Ayokong malaman nila na naririnig namin sila.
Ayokong makita niya akong nagkakaganito parin.. *sob*
“You promise not to mention ever again that girl’s *sob* n-name in front
of me! Especially at times I want everything to be so special. If it’s
still not enough for you, I can study. *sob* j-just.. don’t look for her. *sob*
Don’t find her..!”
Umiiyak na nga ako. Paduduguin pa ang ilong ko. Shet! Ako ba yung
pinag-uusapan nila? Pero bakit? Bakit wala talaga akong naintindihan. Huhuhu..
“What can I do, for you to forgive me.” Bigla silang tumahimik.
The next thing I know..
They’re kissing..