1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 87

Ngayon ang araw ng Alumni. Sobrang daming tao sa campus. Mapahighschool at college na galing sa ibang school at universities e nandito. Nagsikalat na rin ang iba’t ibang mga magazines tungkol sa this year’s Mr. and Ms. Franches. Ang daming booth, food chain at kung ano anu pa.

Pero itong play namin ang mas inaasikaso ko.. medyo madami na din kasing tao sa old gym.

“Okay lang ba yung soot ko?”

“Bagay na bagay sayo! Ang ano mo pala pagnakauniform.”

Nakita kong nag-uusap sila Mich at Gavin. Mas lalo pa silang nagiging close.

“Anong ano?”

“Wala. :|” Halatang may gusto siya kay Gavin. Haha


Maya maya din e nagsimula na yung play. Walang vacant chair na naiwan sa mga audience. Talagang eksaktong 100 ang nanonood. Masaya kami na nacurious sila sa play na magaganap. Sino bang hindi macucurious kung ang gaganap sa play eh halos puro lalaki at mga gwapo pa kamo.

‘Bakit ba ang yabang niya! Nakakainis na ah!’ yan yung part na nagkasalubong sila Ichie at Rej. Na sina Ken at Gavin.

Sa kwento kasi ni Ria, transferee si Rej na si Gavin ang gumanap sa isang all boys school. At sa school na yun ay sikat na sikat si Ichie (Ken) at halos lahat ng atensyon nasa kanya. Ito lang si Rej ang sumusuplado sa kanya at hindi pinapansin ang presensya niya. Simula din kasi ng dumating si Rej, parang feeling ni Ichie na mas mahihigitan pa siya ni Rej. Rival ang tingin sa kanya ni Ichie, pero si Rej wala naman pake. Haha. Naging narrator na tuloy ako nung play.

‘Nakakainis talaga! Bakit kailangang matrap ako dito sa loob ng bodegang ito! Kasama ng ulupong naito!!!’ nakulong kasi sila Rej at Ichie.

Pero imbes na patulan siya ni Rej. Bigla na lang itong nakatulog. Mismo sa balikat pa ni Ichie. Ang daming natatawa sa play kasi nga medyo nababading na si Ichie kay Rej. Ang daming nangyari. Hanggang sa..

“Syet! Asan na si Ken!?”

“Hindi pa ba nabalik?”

“Saan ba siya nagpunta?”

“Pinuntahan yung girlfriend.”

Nag-uusap sila Ria at si Geoffe tungkol kay Ken ng lumapit ako kay Ria para itanong sa kanya kung papasok na sila Ren-ren sa sunod na eksena.

“Oo—“ mabilis niyang sagot. Tatalikod na sana ako kasi mukhang may problema siya—“Arkin! Wala ka namang role diba?” nagulat ako sa tanong niya. Mukhang alam ko na kasi ang mangyayari.

“Kahit na anong sabihin mo Ria hindi ako papayag!!!” agad kong sinabi sa kanya with crossing my arms sa mukha ko.


Pero sa huli wala din akong nagawa.. last scene na daw kasi. At nagmamakaawa na siya talaga. e yun na nga e! Yung last scene pa talaga! E may kissing scene yun!!! huhu.. sabi pa niya close naman daw kami ni Gavin at fake naman daw yung mangyayari.. at hindi rin talaga ako nakatanggi nung sabihin niya.. na may alam siya nung isang gabi sa laguna nung bigla na lang nawala kami ni Gavin.

Blackmail hindi ba?

Kaya naman paglabas ko ng stage..

“Bakit lumiit?”

“Bakit naging babae?”

“Nasaan na yung gwapo?”

Ang dami kong naririnig na reklamo. Lahat sila nagulat at nagtaka, ganon din si Gavin. Pero syempre hindi kami pwedeng magpahalata. Just go with the flow.

‘Ikaw pala, Ichie—' nabasa ko naman dun sa malaking white board na hawak hawak nila Ria ang salitang ‘Grab his collar’ kaya ginawa ko naman.

Pero.. parehas kaming nagulat ni Gavin sa ginawa ko.

Hindi ako nagpaapekto at agad kong binasa yung nasa white board.

‘a-Ano itong nakikita ko a!’ biglang nagtawanan ang lahat.

Lalaki nga pala ako. Lalaki!

‘Bakit Ichie?’ malapit ang mukha ni Gavin sa mukha ko. namumula siya. Bakit naman kasi ako ang nasa sitwasyon ni Ken, dapat si Ken ang nandito e.

‘Nakikipagflirt ka sa mga babaeng yan!’ this time nagfocus na ako sa role ni Ken. Medyo alam ko na kasi yung dialog dahil nabasa ko yun. at talagang gusto ko talaga yung ending.. kaso.. hindi yung ending na ako ang gaganap.

‘Nagkakamali ka Ichie. Ang mga babaeng yun—‘ hinawakan ni Gavin ang kamay ko para siguro alisin yung pagkakahawak ko sa collar niya. Nagkatitigan pa kami dahil hindi ko pa ginagawa yung sunod na mangyayari. Hawak na niya yung isang piraso ng baraha para panangga sa paglapat ng mga labi namin.

Narinig ko naman ang pagtawag sakin nila Ria. Ang pagtataka ng mga tao.. kaya..


‘Akin ka lang..’

*kiss*

Hinila ko ang collar ni Gavin at hinalikan ko siya.yun talaga ang nakalagay sa script. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Ken kung siya and nandito. Lalayo na sana agad ako sa kanya ng..


“WAAAAAH!!!” naghiyawan ang mga tao nung hawakan ni Gavin ang leeg ko. At kahit hindi talaga naglapat ang mga labi namin.. kinabahan talaga ako ng todo.


Pinakilala lahat ng mga characters na gumanap sa play. Nakabalik na rin naman si Ken at hindi na rin ako pumayag na isama ako sa pagpapakilala. Tuwang tuwa silang lahat dahil lahat ng audience kilig na kilig sa last ending. Tapos dumami pa yung mga nagkacrush kay Gavin kahit kay Ken.

Pagnapapatingin ako kay Gavin.. naaalala ko kung bakit niya ginawa yun? he even closed his eyes..uhh.. (//.<  )

“Ang galing mo kanina, Arkin!” sabi ni Mich pagkalapit sakin.

“Oonga, selos nga si Mich e, actually.”

“Baliw! Pero sa totoo lang, nakakakilig kayo! (^^  )”

Sa totoo lang din, kinikilabutan ako sa mga sinasabi nila. I mean, wala namang namamagitan samin ni Gavin. Nothing’s special. Pero bakit may mga bagay na nangyayari samin na hindi naman ata pangkaraniwan sa magkaibigan. Kahit na madami ng nangyari samin, hindi ko pa rin pwedeng isipin namay ibig sabihin ito. Ayoko na muna.. kahit sa pangtalong pagkakataon..

Maya maya nagsimula na kaming maglinis ng old gym at magligpit ng mga gamit na ginamit namin. Mga alas 2 siguro tapos na kami. Kami ata ang pinakamaagang natapos sa lahat ng program, maganda siguro kung makapasyal sa iba.

“Kin, pwede bang pabalik nito dun?” kinuha ko naman yung box. At medyo mabigat.

Nagulat na lang ako nung may biglang umagaw nito sakin. “Ako na.” nakakailang.

Pero may bigla na lang siyang sinabi.

“Pasensya na kanina.” Hindi siya nakatingin. Namumula nga siya e. tuloy mas naiilang lalo ako.. (//.<  ) “Pero maniwala ka, may dahilan ako kung bakit ko ginawa yun..



..nanonood kasi siya.”

Huh?

Tapos bigla na lang umalis si Gavin. Wala akong naintindihan sa sinabi niya..

Pagkatapos naman namin  maglinis, agad akong namasyal sa buong campus. May mga bazarre din pala, tapos nagtayo ang mga MO ng boutique na halos puro mga damit na disenyo nila. gusto kong tumingin pero naisip ko na baka makita ko siya kaya agad din akong umalis—

“Arkin.” Nakasalubong ko si  Heidie.


Nag-usap kami dun sa lugar na medyo walang tao. Sa totoo lang wala akong ideya kung anong pag-uusapan namin, akala ko nga galit siya sakin. Tanda niyo nung nagkasalubong kami? Diba hindi man lang niya ako nginitian? Hmm.. ::)



“Susundan ko si Bret sa ibang bansa.”
HTML Comment Box is loading comments...