(0.O ) Lumingon ako sa kanya. “Okay lang naman sayo diba?” at tumingin
din siya sakin.
Napangiti ako. Tapos bigla siyang namula!
“Hindi ako humihingi ng permiso! Sakin lang gusto kong malaman na okay lang
sayo! Hindi pa ako nagko-confess sa kanya at gusto kong at least man lang
malaman niya!—“ bago pa niya matapos ang sasabihin niya bigla ko namang kinuha
ang kamay niya para hawakan ito.
“b-Bakit?”
Nagpapasalamat parin ako sa Diyos na may isa paring taong totoong nagmamahal
kay Bret.
“Aasahan kong magiging kayo ni Bret.”
Ngiting ngiti ako. Masayang Masaya talaga ako.. at least man lang sa
ganitong paraan makabawi ako kay Bret. Gusto ko talaga siyang maging Masaya.
Gusto kong wag masayang yung pagiging tunay niya kung magmahal. Ayoko ng
nasasaktan si Bret.. Sana maging Masaya uli si Bret. Magmahal uli siya..
Pinangako naman sakin ni Heidie na gagawin daw niya lahat. Sinabi pa niya
sakin na after school year ay aalis na siya ng bansa. Hay.. sana rin nasabi ko
sa kanya na tulungan niya akong makipag-ayos kay Bret. Feeling ko kasi niloko
ko si Bret. Andami kong nasabing masasakit na salita sa kanya.. tuloy naiiyak
ako..
Huhu.. pero joke lang—
“Oy ayos ka lang?” tiningnan ko ng nagtataka yung taong bigla bigla na lang
sumulpot sa harapan ko.
“n-Nakita ko kasi kayo nung Heidie na yun na nag-uusap. May sinabi na naman
ba siya sayo? Ano?” medyo natawa ako sa sinabi niya.
“Wala.” Sagot ko.
“Eh bakit ka umiiyak?” tanong niya habang naglalakad kami.
“Basta.”
“Eh ano nga—“ ang kulit talaga.. “Ah. Sorry miss!” napatingin tuloy ako sa
kanya nung sabihin niya yun.
“Sorry. Sorry. Nasaktan ba kita?” nung tumingin yung babae kay Gavin.
“g-Gavin?!”
Nagtaka ako nung makita ko yung reaction ni Gavin. Gulat na gulat siya.
Tapos parang bigla siyang pinagpawisan.
“Oy Gavin ayos ka lang?” hinawakan ko siya sa braso. Nakatingin pa rin siya
dun sa babae, kahit yung babae titig na titig sa kanya. Tapos tumingin siya
sakin.
“Tara na, Arkin!” hinila niya ang kamay ko pero..
“It’s you!” biglang hinawakan nung babae yung kamay niya.
Anong nangyayari? Bakit? Ganyan ang reaction ni Gavin? Parang siyang
nakakita ng multo? Parang takot na takot siya.
“Bitawan mo ako!” binawi ni Gavin ang pagkakahawak niya dun sa kamay nung
babae. Kaso humigpit naman yung pagkakahawak niya sa kamay ko. medyo masakit..
pero nanginginig naman ang kamay niya? Wala akong naiintindihan..
“You changed..” hindi siya makatingin dun sa babae. Tapos yung babae parang
hindi ako napapansin? Tadyakan ko kaya? Haha. Kainis kasi wala akong
naiintindihan!
“Bakit ka ganyan.. it’s been a year pero hindi ka man lang nagpaalam. Bigla
ka na lang nawala.. akala ko nagkabalikan na kayo ni Jave—“
“HINDI KITA KILALA!” nagulat ako nung sinigawan niya yung babae. Tapos ang
angas pa ng tingin niya. Galit siya..
Umiyak naman yung babae..
“Kahit nagbago ka! Alam kong ikaw yan!” hinigit uli ako ni Gavin—
“I’m sorry!..” bigla siyang tumigil.
“Matagal ko ng gustong magsorry.. Alam ko namang ako ang may kasalanan ng
lahat. Sorry..”
"Joelle! Tara na!” nakita ko na sinundo na siya nung mga kaibigan niya.
“Oy bakit ka umiiyak..”
“Aalis na ako. Hindi na muna pala kita masasamahan.” Tapos tumakbo siya.
Naglalakad ako ngayon papunta sa isang building. Sa totoo lang hindi ko alam
kung bakit ako papunta sa building na yun. Sa sobra kong pag-iisip sa mga
nangyayari, pati kung saan pupunta yung paa ko wala na rin akong pakealam.
Masyado ko kasi talagang iniisip kung ano ba talagang klaseng past meron si
Gavin? Tuwing kasing makikita ko yung mga tingin niyang yun, para bang
napakamisteryoso niya.. may something talaga.
At hanggang ngayon.. schocked parin ako na malaman na may past pala sila Ate
Jave at.. si Gavin. Agh. Kahit na anong gawin kong pag-alala sa lahat ng mga
sinabi ni Gavin tungkol kay Ate Jave.. bakit hindi ko mapagdugtong dugtong ang
mga yun at maintindihan kung anong ibig niyang sabihin..
“Ah wait!” sabi ko dun sa lalaking nakasakay dun sa elevator.
Pagsakay ko.. nagulat ako ng makita ko siya. (o.o ) Tumingin lang siya sakin
at agad din akong umiwas. SHET! Kami lang dalwa sa loob ng elevator! Sana may
iba pang sumakay! Agh! Bakit ko ba naisip na pumunta sa department nila! E wala
naman akong kilala dito—
“Hi.”
Thump..thump.. OW-EM Ako ba ang kausap niya! Malamang kami lang naman dalwa
ang nandito!
“Uhh.. hmm.. Hello.” Mahina kong sabi! Aggggh~ Bakit pa kasi niya ako
kinakausap! Syet nasa 2nd floor pa lang kami oh! E hanggang 6 pa siya. sandali!
Hindi ko pa nga pala napipindot kung saang floor ako! Syet!!!
“Saan floor ka ba?” buti natanong niya. Kaya pinindot ko yung—uhh 4 na lang
dahil magti-3 na. hindi ko na siya sinagot dahil siguro naman kita niya kung
anong pipindutin ko diba! P-pero bakit ayaw mag-ilaw ng 4th floor!
Tangene! Ayokong makasama siya hanggang pagbaba niya.
“Sandali.. wag mong pindutin ng pindutin—“ biglang umuga yung elevator kaya
naout of balance ako.
“ah.” Mabuti na lang nahawakan niya ako sa likod.
Thump.thump.thump.! Syet hindi pala mabuti yun! bad bad bad!..
Wahh bakit humihina yung ilaw! BLACKOUT! WAAAH NAWALA ANG ILAW!!!
“Hey!” pagkapatay na pagkapatay ng ilaw bigla niya akong hinawakan sa kamay.
Bigla pang huminto yung elevator. Nastock kami!!!
Ilang Segundo din kaming naging tahimik. Hindi ko napansing.. *sob* umiiyak
na pala ako.