1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 89


*sob*


“s-Sandali umiiyak ka ba!?”

Binitawan ko ang kamay niya pero bigla na lang gumalaw yung elevator kaya naout-of-balance na naman ako at napayakap sa kanya. Siguro na out of balance din siya kaya siya napaupo siya. Ngayon ang pangit ng tayo namin. Lalayo sana agad ako.. pero..

“5 minutes!” bigla niya akong niyakap.

Thump..thump..thump.. (//.--  ) ang lakas ng tibok ng puso ko.. pati yung kanya..

Bigla ko namang naramdaman na nababasa na yung balikat ko. Ang higpit kasi ng yakap niya tapos nakapatong pa yung ulo niya sa balikat ko. Si Nadiel.. umiiyak din siya.

p-pero bakit siya umiiyak!

Hindi ko alam kung ilang minutes na ang lumipas pero antagal na namin sa pwestong yun. tapos hindi pa nabalik sa dati yung elevator. Maggagabi na rin. Siguro naman maaayos ito diba bago magsara ang school.

“n-Nadiel.. b-baka tapos na yung 5 mins.” sabi ko sa kanya. Wala namang pagdadalwang isip niyang binitawan ako.

Umupo naman kami ng maayos. Ilang minuto din siguro yun na tahimik kami at walang umiimik samin. Tsk. Yung cellphone.. gusto kong gamitin yun para tingnan kung anong oras na pero. Yung cellphone.. kanya yun! agh..


“Kamusta ka na?”

Nagulat ako nung magsalita siya.

“a-Ayos lang.” hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

“Mabuti naman..” tumawa siya ng papilit. Pero ramdam mo dun sa tono ng pananalita niya na.. malungkot siya.

Maya maya din nabuhay na ang ilaw tapos nagbukas na yung pinto. Agad naman kaming tumayo at lumabas.

Lumingon ako sa kanya bago umalis. Magpapaalam sana ako.

“Pasensya ka na, ganito kasi kadalasan dito sa elevator ng dept. namin.” Nakatungo niyang sabi. Bakit ayaw niyang ipakita sakin ang mukha niya..

“Uuwi na ako.” Agad naman akong tumalikod.




*sob*

Kaso napatigil ako nung marinig yun sa kanya. Thump.. thump.. thump.. Gusto kong lumingon. At itanong kung bakit siya umiiyak? Ano ng nangyayari?

Pero syempre hindi ko ginawa.. at iniwan ko na siya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.


“Ah?” mas lalo pa itong bumilis nung nakasalubong ko si ms. lei lan.

Ngumiti ako at agad siyang nilagpasan. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na kasama ko si Nadiel. Na kung hinahanap niya ito, nandun lang ito sa building ng dept. nila dahil pag ginawa ko yun siguradong..

“Arkin!”



“Nakita mo ba siya?” lumingon ako sa kanya. At seryoso yung mukha niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Lei lan.” Bigla na lang nagpakita si Nadiel.

“n-Nadiel!” halatang nagulat si ms. lei lan nung biglang nagpakita si Nadiel.

“Anong nangyayari?”

“w-Wala. Maaari ka ng umalis, Arkin.” Tumango naman ako at umalis na.


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. pero takot na takot ako.

Pag-uwi ko samin, agad akong natulog. Tinulog ko na lang lahat since pagod na pagod na ako. mga 3:15 nun nung magising ako.. at nakatanggap ako ng message sa isang unknown number???

From: 0915*******
Meet me at the Starbucks at 11am. I have something to give you.

Hindi man lang nag-iwan ng pangalan yung nagtext sakin. Hindi ko nga alam kung dapat kung pagkatiwalaan. Alam ninyo na text ito..

Pero kahit umaga na hindi parin ako mapakali at inaalala ko parin yung text na yun.bale 10am na ngayon. Tapos nagtext na naman yung number na yun pero hindi siya sumagot sa tanong ko na kung sino siya. Basta ganito lang yung text niya..

‘I’ll wait. Be there.’

Na naman, no name? sino kaya ito?


No choice, kahit ayoko pumunta parin ako. tapos.. starbucks pa. bakit dito? First time ko pa naman dito? Agh!.. ang alam ko pa naman mamahalin dito. Nandito pa lang ako sa labas pero ang lakas na ng kabog ng puso ko. tiningnan ko yung mga tao na nasa loob—

“Welcome Ma’am.” Nagulat ako nung bigla akong nigreet nung nung guard. Tuloy wala akong nagawa kundi ang pumasok sabay ngiti.

Agh! Andito na ako sa loob ang tinitingnan ang mga tao sa loob.. hinahanap kung sinong yung taong posibleng nagtext sakin—

To: 0915******
Nasaan po ba kayo?


Agh mukha na talaga akong tanga.

“Uhm miss?” napalingon ako at nakita ko ang isang staff na kinakausap ako.

“Yes?” sagot ko.

“If I’m not mistaken, you are ms. Ramirez right?” medyo naspeechless ako sa tanong niya. I mean..  bakit niya tinatanong?

Dahan dahan akong tumango. “May nagpapabigay.” Kinuha ko naman yung paper bag.

“Uhm thanks.” Ngumiti siya at umalis din.

Tiningnan ko yung laman nung paper bag habang lumalabas. At habang kinukuha ko yung laman nun.. nagulat ako nung makita yung hawak ko. Yun yung Stuff Toy Recorder. Gift ito namin ni Nadiel sa kanya? Bakit niya binigay sakin? Ibig sabihin si ms. lei lan ang nagtext sakin nun. Pinindot ko ito. At nagsalita naman yung stuff toy..


‘I’m very sorry for everything, Arkin. Please meet him at the Park.’

Yung boses ni ms. Lei lan? Anong ibig sabihin nito?


But in the end pumunta pa rin ako. pinuntahan ko siya..



At nakikita ko ngayon na nakaupo siya at naghihintay. Anong ibig sabihin ng lahat ng ito? Bakit ako sineset-up ni ms. lei lan sa taong ito..
HTML Comment Box is loading comments...