Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. natatakot akong umalis. Natatakot
akong lapitan siya.. Nakaupo siya ngayon at naghihintay.. pero sino nga ba ang
hinihintay niya?
(0.O ) Agad akong tumalikod! SYET kasi!!!.. Nakita niya ako.
Thump.thump.thump.
Sinubukan ko ulit tumingin at… (O.O) Nagsalubong ang mga tingin namin..
pero.. agad din siyang umiwas ng tingin at—
“Sandali!!!” agad akong tumakbo papunta sa kanya. Aalis kasi siya. Mabuti na
lang at lumingon din siya.
“Anong ginagawa mo dito?” malamig niyang tanong sakin. Badterp lungs? :((
“i-Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” sumide view siya habang nilalagay ang mga
kamay sa bulsa ng pantalon niya. Bakit ang cold niya? Kahapon lang?.. hindi
naman kaya may nangyari sa kanila ni ms. Lei lan kaya niga ako ginaganito? Di
naman kaya..
Nag-iingat lang siya..
“Sa totoo lang pinapunta ako dito ni ms. Lei lan.” Agad siyang tumingin
sakin at halatang nagulat siya sa sinabi ko. may kinuha siya sa bulsa niya.
Cellphone?
Wala talaga akong naiintindihan sa kinikilos niya.. minsan feeling ko may
feelings pa siya sakin na hindi pa siya nakakamove-on. Pero ngayon.. para bang
ayaw niya akong makita..
“She’s not answering the phone.”
“Ah sandali—“ kukunin ko na sana yung stuff toy pero iba ang nalaglag.
Nilimot naman niya ito sa lupa sabay basa. “I think, this is a letter from
her.” Kinuha ko ito at binasa.
Nabasa ko na nagsosorry si ms. Lei lan dun sa sulat.ang dami niyang nasabi.
Tungkol sa pagkasira ng relasyon namin ni Nadiel at tungkol sa nararamdaman
niya para kay Nadiel. Nagpapasalamat din siya at.. pinapaubaya na niya sakin si
Nadiel.. pero—
“Anong oras na?”
“a-Ano ba! Ano bang sabi sa sulat?!” inis niyang tanong.
“Oras nga sabi!” sa inis ko rin, napasigaw na rin ako. Nakakainis kasi siya!
:’( Bakit ba siya ganyan sakin! Parang ayaw niya akong makasama.. pero
kahapon..
Inirapan niya ako sabay tingin naman niya sa oras. “12:05.” Napahawak tuloy
ako sa damit niya pagkasagot niya.
“Aalis na si ms. Lei lan ng 1pm papuntang States!” nagulat siya sa sinabi ko
at agad ding tumalikod sakin. Pero hinabol siya at hinawakan sa damit niya..
“Bakit!?” inis siyang lumingon sakin. Medyo paiyak na ako. hindi ko kasi
matanggap ang mga pinaggagagawa niya sakin.
“Pasama..” kinagat ko ang labi ko.
“Gusto ko rin malaman noh kung bakit kailangan niya tayong iset-up!”
nakakainis talaga siya.
Napatigil siya sa sinabi ko kaya umiwas ako ng tingin. Nagulat na lang ako
nung hawakan niya ang kamay ko.
“Then let’s go.” Tapos tumakbo kami.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya. Sanay na rin naman ako. pati
nagmamadali talaga kami.
12:50 nung makarating kami sa airport. Agad kaming tumakbo kung saan namin
maaaring mahanap si ms. Lei lan. Pero sa totoo lang, si Nadiel talaga yung todo
magpanik. Gaano ba kahalaga si ms. Lei lan sa kanya?.. :(
“LEI LAN!!!” nagulat na lang ako nung sumigaw siya. Nakita ko naman si ms.
Lei lan. Talagang aalis na nga siya.
Lumapit kami ni Nadiel sa kanya.
“Nadiel..”
“WHAT IS THIS! What’s going on!?” pagalit na tanong niya.
Ngumiti lang si ms. Lei lan. “I’m thankful that I saw the two of you
together.” Ngumingiti siya pero halatang nasasaktan siya. Ano ba talagang gusto
niyang mangyari?
“Lei lan..” nakita kong hinawakan ni Nadiel ang kamay ni ms. Lei lan.
Hinawakan naman din ito ni ms. Lei lan ng mahigpit.
“I told you to wait for me at the park right?” tumingin naman siya sakin.
“At sabi ko naman sayo na pumunta ka naman sa park.” Tuluyan na siyang naiyak.
Napakagat naman ako ng labi.. ewan ko, pero kinakabahan ako sa mangyayari.
“I want to do to this. I want to make sure.. that before I die.. I made a
very good decision.”
“Ano bang sinasabi mo?” tama! Ano bang sinasabi ni ms. Lei lan. Punyeta
naiiyak ako!
Napatungo si ms. Lei lan habang umiiyak. “I want you.. *sob* n-Nadiel to be
happy. *sob* With the one you truly love and not the one, you once loved.”
Tumingin siya kay Nadiel at hinawakan ang mukha nito.
“Please be happy for me!” tumalikod siya.
“Pero bakit mo ito sinasabi!” sabi ni Nadiel between his sobs. He’s also
crying.
“I’m already 18. Two years or something, patay na ako with this so.. weak
heart.” Syet! Bakit sinasabi ito ni ms. lei lan! :’(
“What are you saying! You’re not just going to die! Para saan pa ang heart
transplant!—“
“Yun na nga e.. walang donor. And I’ll almost reach my limit. Malapit na
akong mag20.” Tuluyanna akong naiyak.
“Miss. Naghihintay na po ang inyong mga magulang.”
“Okay.” Tumingin ulit siya samin. “Then, I think I’d better go. Bye.”
Tumalikod siya at naglakad paalis. Nakita ko naman na napatungo si Nadiel at
pigil na pigil siya sa galit, yung fists niya kasi. At mukhang umiiyak pa rin
siya.
“MS. LEI LAN!!!” malayo na siya pero agad akong tumakbo para tawagin siya.
Nasa escalator na siya. “MS. LEI LAN!!!” pumatak na yung mga luha ko. wala
na akong pakealam sa sasabihin ng tao kahit pa isipin nilang gumagawa ako ng
eksena sa teleserye o anu man.
“Ms. Lei—“ mabuti na lang lumingon din siya.
Pinunasan ko ang luha ko,
“MAGPAGALING KA! *sob* kailangan mong magpagaling.. DAHIL AAGAWIN MO PA SIYA
SAKIN!!!” patak ng patak yung mga luha ko. ang sama talaga.. bakit kailangan
kasing mangyari ito sa kanya..
“Thank you.” Yun na lang ang nasabi niya hanggang sa nawala na siya sa
paningin ko.