1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 91


Hindi kami agad umalis nun. Hinintay talaga namin na umalis yung eroplano bago kami umuwi. Actually, hindi pa nga kami nakakapag-usap ng maayos e. gusto ko nga siyang kausapin e.. pero hindi ko alam kung anong sasabihin.

Nandito kami sa loob ng sasakyan niya at walang nagsasalita saming dalwa. Ngayon ko lang nalaman na nakakabingi pala ang katahimikan. (>.<  ) Gustong gusto ko na talagang magsalita. Bigla namang huminto yung sasakyan, mukhang traffic pa ata.?

Dun ko naramdaman na siguro chance ko na para kausapin siya—

“Okay ka lang ba—“ sabay naming sabi. (//.<  ) Tuloy mas lalong naging awkward yung situation.

Ilang seconds katahimikan.

Maya maya nawala na yung traffic kaya nagfocus na lang siya sa pagdadrive. Hinatid niya ako sa bahay. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o hindi na wala sa bahay sila mama at papa.

Papasok na sana ako sa loob pero lumingon din naman agad ako sa kanya. Nakatingin siya sakin. Feeling ko tuloy namumula ako.


“Ano kaya kung.. vdsvshvvdsagjnsafdnfdb.”


TONIGHT I WILL LOVE LOVE YOU TONIGHT~
GIVE ME EVERYTHING TONIGHT!!

“Ano?” tanong ko sa kanya. Sumimangot siya.

“Yung phone mo tumutunog.” Agad ko namang sinagot yung tumatawag. Hindi ko tuloy natingnan kung sino yun.

At habang kausap ko yung nasa phone.. hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa kanya kasi siya yung pinag-uusapan namin. Siya naman nakatingin lang sakin ng blanko. Gusto kong maiyak tuwing tinitingnan ko siya ng ganyan.. lalo na at naririnig ko ang mga salitang ito sa Ate Jave niya.

“..mahal na mahal ka pa rin talaga niya Arkin” hindi ko na tuloy napigilang hindi umiyak. Nakita ko na nag-iba ang expression ng mukha niya kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Medyo sumide-view ako.

“I’m sorry talaga sa lahat ng mga sinabi ko. ngayon alam ko na na mali ako.”

“Oo..” tunmingin uli ako sa kanya. “Mahal na mahal ko rin siya.” Kasabay nun ang pagpatak ng luha ko.

Hindi ko mabasa ang reaction niya. Pero masaya talaga ako na malaya na kami. Na hindi na niya kailangang magparaya. Na hindi na niya kailangang magkunwari.

Binaba ko yung cellphone ko at lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya.. at umiyak ako.

“*sob* Namiss kita! Namiss kita sobra!” iyak ako ng iyak. Hanggang sa maramdaman kong niyayakap na rin niya ako.


Gabi na.. pero hindi pa rin ako makatulog. I mean! (>.< ) Hindi talaga ako makapaniwala na ayos na ang lahat. Hindi ko na kailangang magpanggap. Hindi ko na kailangang ipagtabuyan siya. Ang sarap sa feeling. Sana lang talaga hindi ako nananaginip.


Kumalat na sa buong campus ang tungkol sa pagpunta ni ms. Lei lan sa ibang bansa. Ang daming nagulat at madami ring nanghinayang. Walang nakakaalam ng tunay na dahilan. Pero pansin kong madaming nalungkot. At napansin din nila na madaming nauubos na models sa MO, gaya ni Bret. At alam kong ganon din si Heidie.

Katatapos lang ng practicum namin. Nagpapalit na ako ng damit at papunta na rin sa gym. Napansin ko rin na abcent si Gavin ngayong P.E. time. Pero mas napansin ko na parang.. umiiwas sakin yung mga lalaking kaklase niya na kinukulit ako noon. ??? Nalaman ko lang ang sagot nung mapansin kong.. nandito rin pala siya sa gym.


“Hi.” Bati niya sakin pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya. Katatapos lang ng p.e. time.

(~.^ ) So ako talaga ang hinihintay niya.

Tiningnan ko siya ulo hanggang paa tapos umiwas din ako ng tingin at naglakad palayo. This time sinundan niya ako at sinabayan sa paglalakad.

“Ako na.” kinuha niya yung gamit ko. Sinubukan kong agawin pero tiningnan lang niya ako. yung tingin na.. hindi mo maintindihan kung blanko o may ibig sabihin.

Tuloy hindi na napansin kung saan na kami nakarating.. hanggang sa napansin ko na naman yung tarpouline nila na parang billboard sa laki. Nakasimangot ako. dapat nga  aalis na kami nang nagsalita siya—


“Kaya pala gustong gusto niyang sumali dyan sa mr. and ms. FMU..” napatingin ako sa kanya. At nakatingin din pala siya dun sa tarpouline.

“Ayoko naman talagang sumali dyan e. Sino naman kayang gustong ipaglantaran ang ganitong kagwapong mukha sa campus LANG. tsk. Ano ako..” muntik na akong matawa kaso di ko maintindihan kung nagjojoke siya o seryoso. Malungkot kasi ang mata niya.. “Pero okay na sakin na maging Mr. FMU, kasi siya yung partner ko.” siguro matagal na ring nararamdaman ni ms. Lei lan na imposible ng maibalik ni Nadiel yung feelings nito para sa kaniya.

Napatungo ako.

“Tara na.” hinawakan niya ang kamay ko habang takang taka ako sa sinabi niya. Tara? Saan?


Nakarating kami sa.. parang.. hindi ko masabi! Basta wala na akong nakikitang building? O mga bahay? Puro puno. At malapit din kami sa dagat? Ilang beses ko siyang tinanong pero naghahalf-smile lang siya. Eee! Kinikilabutan nga ako pagginagawa niya yun e. pero kinikilig at the same time.. feeling ko tuloy kinidnap ako ng taong mahal ko? wahahaha

Medyo malubak lubak na yung daan.. hanggang sa marating kami dun sa isang malaking bahay pero mukhang antique. Nung bumaba kami, may isang matandang babae ang sumalubong samin.

“Mamang!” niyakap ito ni Nadiel. Ang saya niyang tingnan.

Nang mapansin naman nila ako. :o Kaya agad akong nagbow at bumati..

“Magandang hapon po.” Ngumiti ito.

“Mamang, si Arkin po, girlfriend ko.” ngumiti siya kay Nadiel. Bakit ganon? Bakit parang may nakakaiba akong nararamdaman?

“Sige na, pumasok na kayo sa loob. Naghihintay na ang hapunan sa inyo.” Sumunod naman ako.


Napahanga talaga ako sa bahay. Kung sa labas mukhang luma, pero sa loob.. yung para bang hindi naman siya mukhang luma, hindi rin modern pero halatang pangmayaman. Basta! Ang hirap i-explain! Nakakatuwa! :D

“k-Kuya Nadiel!!!” napalingon tuloy ako nung may biglang sumigaw at sabay yakap nito kay Nadiel.

n-Napakagandang dilag? Nakakaamaze..

“Alana! Ang laki mo na a! dalagang dalaga ka na!”

“Ikaw din Kuya! Ang pogi pogi mo lalo!”

Napalunok ako ng laway nung marinig ko yung sinabi niya. (//.<’ ) Totoo.. ang pogi talaga ni Nadiel. Naiinsecure tuloy ako. kasi naman.. bakit kasi kailangang mainlove pa kami sa isa’t isa. Ang ganda ko naman.. Agh!

“Girlfriend mo kuya?” nanindig ang balahibo ko nung marinig yun.

Napatingin ako. Ngingiti sana ako—“Hindi. Personal maid ko yan, nukaba!” sabay akbay niya dun sa babae at umalis na sila.

>:( Alam ninyo yung feeling ko ngayon! Aaaaaaagh~ Tapos lumingon pa siya sakin. Sabay kindat!  Pakyu! Hmf!.. :(
HTML Comment Box is loading comments...