1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 92


Ang dami naming kinain! As in busog na busog ako. ngayon nga andito lang ako sa labas at nagpapahangin e pero ramdam na ramdam ko yung malaki kong tyan sa sobrang busog! Waaah sarap sa feeling dito. Ang hangin! Bigla ko naming naalala na itext sila mama, feeling ko kasi hindi ako makakauwi e. kaya bumangon ako para itext sila—

“Eh?” pero hindi ako nakabangon agad kasi bigla na lang dumating si Nadiel at humiga sa tyan ko. Uhh.. (//.--  )

“Waah sarap pala dito.” Agh paano ko pa matetext sila mama at papa? :(

“Umalis ka dyan. Itetext ko sila mama at papa para sabihin kung asan ako.”

“Natext ko na sila kanina pa gamit yung phone mo.”

“EH!?” nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako masyadong makakilos! Kasi naman e.. kakailang kaya yung nandyan siya. Aghh.. ang bango pa man din ng buhok niya. Niya.. ahmf!


“Bakit mo iniwan sila Alana at si mamang?” mamang na din daw itawag ko sabi ng lola niya. Eeee! Tuwing maaalala ko na pinakilala niya ako bilang gf niya.. kinikilig ako! Pero syempre di pwedeng pahalata! Lalaki ulo ng taong ito e. pumangit pa siya.
“May gusto akong sabihin sayo..



Tungkol sa tunay kong pagkatao.” Nagtaka ako sa sinabi niya.

Bigla naman siyang bumangon at umayos ng upo. Tuloy napabangon na din ako. kinakabahan ako sa expression ng mukha niya. Ang lungkot kasi niyangtingnan.




“..Stepmother ko ang mama ko ngayon.” (0.O )  hindi ko alam ang irereact ko. pero mas lalo akong nagulat sa sunod niyang sinabi.

“Patay na ang tunay kong ina. At hindi talaga kami magkapatid ni Ate Jave.” This time tumingin siya sakin. Ang lungkot ng mga mata niya. “Mabait naman ang bago kong ina e. Kahit na kelan nga hindi ko siya sinaway e, minahal ko din siya. Pero ang problema ko.. si Papa.” Napalitan ng galit at takot yung mga tingin niya.


“Hindi ko maipapangako na maipapakilala kita ng maayos sa ama ko. pero.. bukas na bukas.. ipapakilala kita kay mama.” Ngumiti siya.

Napansin ko nga na sa tuwing babanggitin niya yung tungkol sa tunay niyang ina parang ang saya saya niyang tingnan. Siguro.. yung tinutukoy niyang mama na gumawa ng kwarto niya na parang space ship ay yung tunay niyang mama. Ganito talaga siya magmahal. Lahat ng bagay na may kinalaman sa taong mahal niya.. naaapreciate niya ng sobra.


Kinabukasan, maaga kaming umalis ng bahay nila. Nagbike kami para pumunta sa mama niya. Diba nga sabi niya ipapakilala niya daw ako. kaya naman nagdala kami ng favorite flower ng mama niya.

“Halika.” Lumapit naman ako.

Dahan dahan kong nilagay yung bulaklak at tumingin dun sa lapida. Binasa ko yung pangalan.. ‘Marcela Foratalejo’ Ito ang mama ni Nadiel..

“Ma..” hinawakan naman niya yung kamay ko. kinakabahan ako. “Siya po si Arkin Ramirez,



ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.” ( O.o) Pagkasabi niya nun, hindi ko tuloy naiwasang hindi mapatingin sa kanya. As in nagulat talaga ako, feeling ko tuloy.. namumula ako..

“Malaki na ako Ma, okay naman na sayo diba na magdesisyon ako?” hindi ko tuloy alam kung magiging masaya ako o malulungkot sa mga sinasabi niya.  I mean.. sigurado na ba siya sakin.

 Masyado siyang nagbibitiw ng mga ganyang salita.. hindi niya alam.. na maari akong umasa.

“Ikaw Arkin, sigurado ka na ba sakin?” nagulat ako sa tanong niya.

Baliw siya! Tinatanong pa ba yun! Siya nga ang dapat tanungin ko nun e.

“Tsk. Sigurado ka man o hindi, wala ka na rin naming magagawa e.” kung alam lang niya kung gaano ako kasaya sa mga sinasabi niya.


Naisipan naman naming magbike papunta sa may dalampasigan. Hindi naman mahirap magbike dun dahil hindi naman mabuhangin. Nakakatuwa talaga. lalo na kapag binibitawan namin yung manubela tapos naghahawak kamay kami. Ang dami ko talagang tawa. Ang saya saya.

Pagkatapos naman nun, pumunta kaming bukid nila para magtanghalian at maghapunan na rin. Ang dami ko na namang kain.


“Waaah ang saya talaga ngayong araw!” pauwi na kami.

Naghalf-smile lang siya. Nakakatuwa talaga. Kahit abcent kami ngayong araw na ito para bang wala kaming pakealam kung may hahabulin kami. Naeenjoy ko talaga ang lahat ng bagay kapag siya ang kasama ko.

Nakarating naman kami sa bahay namin. At as usual wala na naming tao? Sanay na rin naman ako.

“Sige pasok—“

“Kung sa bahay ko na muna kaya ikaw magstay?” sabi niya. Natawa naman ako.

“Anu ka ba! Magkasama na nga tayo buong araw! Di ka ba nagsasawa—“ bigla na lang niyang hinigit ang kamay ko at sinakay ako sa passenger seat.

“Sa bahay ko na lang ikaw magstay. Period!”

Hindi ako nakapalag. Nakakaloko talaga siya ngayong araw na ito.. para bang sinusulit niya bawat oras na magkasama kami. Kinikilig naman ako.

Hanggang sa makarating kami sa mansion nila. namiss ko itong malaking gate nila. si manong guard. Tapos yung mga roses na makikita ko habang papunta kami sa mansion nila. waaah! Kakamiss talaga. kahit siguro tumira na ako dito di pa rin ako magsasawa sa paghanga sa bahay nila. Pati itong fountain! Waah lahat lahat.


“Akala ko ayaw mo. Pero mas mukha ka pang excited sakin.” Bigla naman akong nakaramdam ng pamumula pagkasabi niya nun.

“Di ah.” Nagtawanan kami.

Papasok pa lang kami at sana’t paakyat na nang..


“Ma..” nang makasalubong namin si Mrs. Fortalejo. Bumalik na ang pangalwang mama ni Nadiel.


Ang saya ko nun, kasi.. ayos na kami ni Nadiel bago bumalik ang mama niya. Ang hindi ko alam.. hindi pa pala tapos ang gulo..
HTML Comment Box is loading comments...