1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 93


“Good Eve po.” Bati ko naman.

“Ma.. kailan pa kayo bumalik?” napatingin ako kay Nadiel. Talaga itong taong ito, di man lang batiin muna ang mama niya diba.

“Mabuti na lang magkasama kayong bumalik.”

Ngiting ngiti naman ako. dapat nga magsasalita ako— “..may gusto rin akong sabihin kay ms. Ramirez.”

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pero kinabahan ako. Bakit.. parang seryoso ata ang sasabihin sakin ni Mrs. Fortalejo. Hindi man lang niya pinansin si Nadiel. May nangyari kaya? Mukhang badtrip ata ang mama ni Nadiel.

“Sige na, sumunod ka na kay mama. Hihintayin na lang kita sa kwarto.” Tumango ako.


Pumunta ako sa office ni mrs. Fortalejo.  At habang papalapit ako ng papalapit, mas nararamdaman ko yung pintig ng puso ko. Bakit!? Bakit parang may hindi magandang mangyayari?

“Halika maupo ka.” Naupo naman ako.

Inalok niya ako ng kahit na anong maiinom pero hindi ako humingi. Bagkus mas gusto kong malaman ang gusto niyang sabihin at bakit.. ako lang ang gusto niyang makausap.

“Mahal mo ba ang anak ko?” kahit kabado ako.. Masaya akong sumagot ng..

“Opo. Sobra.”

Kung alam lang ni mrs. Fortalejo na marami kaming pinagdaanan ni Nadiel, sigurado na magiging masaya siya para samin. Napakaswerte ko na gusto rin ako ni mrs. Fotalejo para sa anak niya.


“Kung ganon layuan mo na ang anak ko.”


(0.O  )


Tama ba ang narinig ko? thump.. thump..


Hindi ako makapagsalita, lalo na nung umiwas ng tingin si mrs. Fortalejo. “Gusto kong layuan mo na si Nadiel.” iling ako ng iling. Ano ito!? Bakit niya ito sinasabi?

Bakit! Bakit naiiyak ako..

“Nag-b-biro lang naman po—“

“Ayoko ng nakikitang magkasama kayo. Tigilan niyo na ang larong ito.” hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. bakit! Bakit sinasabi ito ni mrs. Fortalejo. Diba dapat natutuwa siya!..

“p-Pero hindi naman po kami naglalaro. Mahal po namin ang isa’t--“

“Tama na! ayoko ng naririnig ang mga salitang yan! Alam ko na ang totoo..


Hindi talaga kayo.” gusto kong magpaliwanag pero may mga sinabi si mrs. Fortalejo para tumigil na ako.


‘Mali ang pagpili ko sayo. Hindi ikaw ang nararapat sa anak ko..’


Ang huling salitang yun ang pinakamasakit. Iyak pa rin ako ng iyak habang bumababa ng hagdan. Naramdaman ko na lang na nagtext siya.. dahan dahan kong binasa ang message niya.

From: Nadiel
Matagal ka pa ba?

Napakagat ako ng labi. Shet! Ang sakit sakit! Lalo na at hinihintay pala niya ako. paano kosasabihin sa kanya na wala na kami. Na hindi kami pwede.. ayoko. Ayoko talaga! Bakit ganon.. bakit kung kelan ang saya saya na namin..

From: Nadiel
Basta hihintayin kita dito sa kwarto ko. Gusto kong malaman ang mga sinabi ni mama.


Tuwing maaalala ko ang mga sinabi ng mama niya.. *sob*


‘Nalaman ko ang mga pinaggagagawa ni Nadiel. Nalaman ko na marami siyang naging girlfriend. Matagal ko na naman alam yun, pero hindi ko akalain na pati sa harap ko magagawa niyang magloko. Sinabi niya na magkasintahan kayo kahit.. hindi naman talaga totoo. Nagsinungalin kayo sa harap ko. Nagawa mong magsinungalin..’


*sob* Tama ang mama ni Nadiel.. hindi lang si Nadiel nagsinungalin. Pati ako. ako na pinagkakatiwalaan ni mrs. Fortalejo! *sob* Hindi ko akalain na mangyayari ito. Wala akong ideya.. shet hindi ko na talaga alam ang gagawin. Kahit si mrs. Fortalejo.. galit na sakin. *sob*


Buong gabi ako umiyak. Ilang beses ding nagtext at tumawag si Nadiel.. pero kahit isa wala akong sinagot. Siguro nga.. mas mabuting layuan ko na siya.


Hindi ako pumasok ng isang araw kaya naman ngayon ang dami kong hinahabol tapos sinod sunod pa ang mga quizzes. Nakakainis nga e! Ngayon din ako nakaduty sa pool. Ang dami ko talagang ginawa. Kayo ba naming dalwang sunod na araw na absent. Ugh..


“Arkin, may naghahanap sayo.” Napalingon naman ako nung sabihin yun ng kaklase ko.

Tatayo na sana ako ng marinig ko pa ang mga bulungan nila.

“Totoo pa lang talaga na sila?”


Medyo nagtaka ako sa sinabi nila. Parang may kutob ako nab aka si Nadiel yung tinutukoy nila. Kaya naisip ko na imbes na lumabas, sumilip na lamang ako. At tama ako.. si Nadiel nga yung naghahanap sakin.

Nakaleaned siya sa pader habang maya’t mayang tumitingin sa cellphone niya. Kanina pa rin siyang text ng text sakin at tawag ng tawag. Lumingon siya sa pwesto ko, kaya agad akong nagtago. Parang gusto kong maiyak.. sa mga ginagawa ko.. siguradong nasasaktan ko na siya.

Pati sa pag-uwi sinigurado ko na hindi magkukrus ang landas namin. Kaya lingon sa kanan at kaliwa ang drama ko. dun pa nga ako dumadaan sa hindi madalas daanan ng tao.

Mabuti na lang malapit na akong makalabas—

“Ah..” dahil nakatalikod ako. hindi ko nakikita ang dinadaanan ko.. “Sorry!” agad akong lumuhod para kunin ang mga gamit ko.

“Arkin?” tumunghay naman ako dun sa taong tumawag sakin.



“Gavin?”
HTML Comment Box is loading comments...